Risalyn Kinusot ko ang mga mata ko ng bumangon ako mula sa kama. Pinili ko paring bumaba sa kama kahit sobrang bigat ng ulo ko. Dumeretso ako sa bathroom at ang repleksyon ko sa salamin ang unang bumungad sa akin. Tumitig ako sa mga mata kong namumugto at walang buhay. Napayuko ako dahil ayokong tignan kung gaano ako ka-miserable ngayon. Bakas na bakas sa mukha ko ang pagsisisi at panghihinayang. Buong magdamag akong umiyak at nag-isip sa susunod kong gagawin ngayon. Pero naguguluhan ako sa sinasabi ng utak at puso ko. Kaya parang wala akong gustong gawin at hayaan ko na lang na tumigil ang mundo ko. Sinisiksik ng isip ko na dapat humingi ako ng tawad kay Sean, na dapat umalis na ako, na hayaan ko na siya. Pero ayaw sumunod ng puso ko. Hindi ko kakayanin kung tuluyan ng ma