Risalyn "Paano kung gusto kong maging totoo na ang lahat?"buong kumpiyansa kong saad. "What?" "Mahal mo ako hindi ba,patunayan mo sa akin yan." Nakita ko ang pagkuyom ng kamay niya. "Hindi na Risa. Isaksak mo ito sa isipan mo, wala ng magiging tayo." Tumayo na ako. "Kain na tayo."saad ko. "Risa, makinig ka sa akin. Mahal kita noon pero ngayon hindi na-" "Oo na." "So hindi mo na ako pipilitin?" "Pipilitin ka parin." "Wala na nga akong nararamdaman sayo."giit niya. Hindi ko na siya pinansin at naglakad na ako papunta sa kitchen namin Ilang ulit akong kumatok sa pinto ng kwarto ni Sean. Alam kong gising na siya at ayaw niya lang buksan ang pinto niya. Pero hindi niya ako mapapasuko sa ginagawa niyang ito. Ilang beses pa akong kumatok hanggang sa binuksan na niya ang pinto.