Friam "Pwede ba!give us privacy. This is urgent, ok."iritadong sabi ko sa kaibigan kong si Blair. Kanina pa ako dumating sa Coffee 'n Book Cafe pati narin si Faith pero hindi kami tinatantanan ng asawa niya Buti na lang at nandiyan ang kaibigan naming si Sean para patigilin Siya. "And what is that urgent?" seryosong tanong ni Blair. "Lubayan mo muna kami."sabi ko sa kanya. Gusto ko narin pumunta sa Asawa ko at damayan Siya ngayon kaya gusto ko ng matapos na iyong obligasyon kong ito sa trabaho. "Blair, kung gusto mong maiuwi na ang asawa mo. Hayaan mo muna silang mag-usap."wika na ni Sean. Tumigil naman na si Blair. Agad ko namang iginaya si Faith sa pinakadulong lamesa. Tumingin ako kay Faith. "I want you to be emotionally prepared, Faith. Gulong-gulo rin ang utak ko ngayon pero