Liningon ni Sophia si Kio nang hawakan nito ang kanyang siko. "Samahan na lang kita. Mahirap na kung maghanap pa ako mamaya."mabilis naman siyang humarap at ngumiti dito. "Salamat."wika pa niya, tumikhim lang naman ito. "Park ko muna itong sasakyan."mabilis naman siyang tumango. Umayos na siya ng upo ng paandarin nito ulit ang sasakyan. Dumeretso sila sa grocery pagkatapos nilang iwan ang sasakyan sa parking lot ng bayan. Papasok na sana siya sa corner stands ng grocery pero tinawag siya ni Kio. "Hoy, kumuha ka muna ng tray." "Ah."harap niya dito tsaka siya luminga-linga sa paligid para hanapin kung saan siya kukuha ng tray. "Saan ka ba naghahanap? Nandito lang sa gilid ko."nanggigigil na saad nito sa kanya. Ngumiwi naman siya ng ilipat niya ang kanyang mga mata sa gilid nito. Nand