Workaholic Bachelor III: Sean Alcaraz/ Chapter 9

1667 Words

Risalyn Naglilinis na kami sa cafe pero hindi ako mapakali. Habang nagma-mop ako, tumitingin ako sa kinaroroonan ni Sean. Paano niya alam na dalawang linggo na hindi nagpaparamdam sa akin si Hannah? Kilala niya ba si Hannah? O pinabackground check niya ako? Hayst talaga, dami ko ng problema, tapos dadagdag pa ito. "Pasulyap-sulyap ka kunwari-" Kaagad kong iniwas ang tingin ko at nagmop nang marinig kong kumakanta na sa tabi ko si Madeline. "Halata ka na, girl. Gusto mo talaga si Sir no."tabi narin sa akin ni Jona. "Hindi nga."sagot ko at nagpatuloy na ako sa pagma-mop. "Kanina ka pa kaya tumitingin sa kanya." "Akala mo hindi namin nahahalata." "Ayos lang naman 'yan, wala naman masama sa paggusto mo kay Sir Sean." "Oo nga girl, natural iyan, gwapo ng boss naten, alam ko 'yan."

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD