Hannah Nagmulat ako nang maramdaman kong tumatama na sa pisngi ko ang sinag ng araw. Tumingin ako sa kurtina na medyo nakahawi at dito sumisilip ang araw. Lumipat ang mga mata ko kay Friam na mahimbing paring natutulog sa tabi ko. Kaagad naman akong napangiti dahil sadya palang napakaamo ng mukha niya kapag natutulog siya. Hindi parin ako makapaniwala sa lahat ng nangyari kagabi. Hindi ko inaasahan na tatratuhin niya ako sa ganoong paraan. Ibang-iba sa mga pinakita niya sa akin noong una. Dinala ko ang daliri ko sa labi ko. May ingat ang halik niya sa akin. Iyong mga mata niyang nakatitig sa akin na puno ng pag-iingat. Nakangiti akong bumaba mula sa kama at nagtungo ako sa bathroom. Dumeretso ako sa harap ng countertop ng bathroom at naghilamos ng mukha. Hindi ko maintindihan