Risalyn Dinampot ko ang cellphone ko at kinalikot ito. Nang makita ko na ang hinahanap kong larawan, pinatong ko ang cellphone ko sa harapan nina Madeline at Jona. “Iyan ang fiancé ko, at pinsan ko naman ang babae na nasa tabi niya. Noong kasal nila iyan na dapat sana sa akin.” “Anong ibig mong sabihin?”maingat na tanong sa akin ni Jona. Naibaba naman ni Madeline ang beer can na hawak niya. “Katulad ng iniisip niyo ngayon, ako dapat ang bride pero pinalit nila ang pinsan ko limang araw bago ang kasal dahil-“saglit akong tumigil dahil nakatuon na sa akin ang buong atensyon ng dalawa. “Abangan bukas.”pabiro kong sabi at lumagok na ako ng beer. “Dahil ano nga?”walang pasensyang tanong ni Jona. Nakatingin lang naman sa akin si Madeline tapos nagsalita narin siya, “Huwag mong sabihin na