"Ihatid na kita para masigurado kong makaka-uwi ka talaga ng maayos." Tumitig siya kay Nathaniel ng pagkatapos nitong magsalita. Tsaka siya tumingin sa daan at kinamot ang kanyang bandang leeg. Pwede naman niya sanang tanggapin ang alok ni Nathaniel dahil maaari naman niyang sundan ito pagkatapos. Pero hindi niya maaaring ipaalam ang tirahan niya. It's a private apartment building of her agency. It's off-limits. Balak pa lang niyang maghanap ng apartment dito malapit dito dahil malayo ang apartment niya, dalawang sakayan pa ang kailangan niyang gawin bago makarating dito. Agad-agad na nagsimula ang kanilang trabaho kaya hindi na niya ito naihanda. "Attorney, ang alak bumaba sa tiyan ko, hindi tumaas sa utak kaya easy ka lang. Hmmm."balik na ulit niya dito. "Alam ko. Pero ako ang nagtul