Pumirma muna si Lori ng kontrata bago siya nagsimula sa ipinapagawa ni Nathaniel. At nabobobohan na lang siya sa mga naging sekretarya ng lalake nang makita niya ang halaga ng kanyang sahod. Mantakin niya, napakataas ang sahod pero binasura lang ng mga ito para sa kagwapuhan ng Attorney. "Attorney, ilan na ba ang naging sekretarya ni Attorney Nathaniel?"tanong niya sa babae habang inaayos niya ang mga papel. Nalaman niyang isa rin itong Attorney na nagtatrabaho kay Nathaniel. "Siguro, nasa dalawampu na ang bilang."napa-iling siya nang marinig niya ito. "Sana mapakain sila ng kanilang mga pagpapantasya. Sayang iyong makukuha sana nilang sahod dito." Ngumiti sa kanya si Attorney Linda at tumango ito. "Pero binasura lang nila dahil sa mukha ni Attorney Nathaniel."wika niya, saglit siyang