KABANATA 11

2661 Words
MAXI's POV Muli na naman akong napangiti sa kawalan matapos alalahanin ang nangyari kanina. Sinabi lang naman ng aking masungit na roommate na si Jake sa ex-boyfriend kong si Lyndon na magka-live-in na kaming dalawa. Can you imagine that? Ang masungit kong roommate na si Jake na bihira lang kung ngumiti ay nagsabing live-in partner ko siya sa talipandas kong ex-boyfriend. Na-appreciate ko ang ginawang iyon ni Jake para sa akin dahil halos lumubog na ako sa aking kinatatayuan kanina nang pahiyain ako ng aking dating boyfriend na si Lyndon sa harapan ni Jake, ng aking ahas na ex-friend na si Pauline, at ng landlady ng aking inuupahang apartment. Ang lakas ng loob ni Lyndon na tawagin akong mapaghiganti matapos kong hindi bayaran ang upa ngayong buwan sa rati nitong apartment. Did Lyndon really expect me to still pay his rent after I caught him cheating on me with my ex-friend? Natuklasan ko ang panloloko sa akin ni Lyndon sa loob ng mismong apartment unit na ako ang nagbabayad ng upa para rito. Hindi ko akalain na ganoon kakapal ang mukha ni Lyndon. Unti-unti ko nang nakikita ang tunay na kulay ni Lyndon na nabigo akong nakita rahil sa aking pagmamahal para rito noon. O maaaring magaling lang talagang magtago ng totoo nitong kulay si Lyndon kaya sa loob ng mga panahong magkarelasyon kami ay hindi man lamang sumagi sa aking isipan na kaya ako nitong lokohin? Anuman ang rason ay masaya pa rin akong nakawala na ako mula sa isang taong katulad ni Lyndon kahit na nga ba may nararamdaman pa rin akong sakit sa tuwing pumapasok sa aking isipan ang mga masasayang alaalang kasama ko ito. Mga masasayang alaalang hindi na ako sigurado kung totoo nga ba rahil hindi na rin ako sigurado kung minahal man lamang ba ako ni Lyndon sa loob ng halos dalawang taon naming magkarelasyon dahil nabanggit nito sa aking pinagtiisan lamang ako nito rahil sa aking pera. At dahil nga hindi na nakapagbayad ng upa ngayong buwan si Lyndon sa rati nitong apartment ay umalis na ito roon at ngayon ay magkapitbahay na kami rito sa inuupahan kong apartment. Ang masaklap pa ay kasama ni Lyndon ang aking traydor na kaibigang si Pauline sa paglipat nito rito sa apartment. Sa loob ng panahong magkasintahan kami ni Lyndon ay hindi man lang nitong naisipang yayain akong mag-live-in kaming dalawa pero ngayong karelasyon na nito si Pauline ay nag-live-in na agad silang dalawa. Oh well, ano ang malay ko kung matagal na akong niloloko nina Lyndon at Pauline? Hindi nga ba at tinawag ni Lyndon na girlfriend si Pauline nang mahuli ko silang dalawa sa akto ng panloloko sa akin? Hay. Kailangan ko nang tigilan ang pag-iisip kina Lyndon at Pauline kung talagang gusto kong tuluyang makapag-move on mula sa panloloko nilang dalawa sa akin. Bumangon ako mula sa pagkakahiga sa aking kama at nagsimulang magsuklay ng aking buhok sa harap ng salamin ng tokador na nasa loob ng aking inookupang kwarto rito sa apartment unit na aking inuupahan. Nagha-humming pa ako ng kantang "Hanggang Kailan Kita Mamahalin?" habang nagsusuklay ng aking buhok nang mapatili ako sa gulat dahil sa biglang pagtunog ng aking cellphone na ibinigay ni Kuya David. Dinampot ko ang aking phone sa ibabaw ng kama at binasa ang pangalang nakalagay sa screen ng phone. Ang aking kaibigang si Aris ang tumatawag. Si Aris ang lalaking matagal nang nagpahayag ng damdamin nito para sa akin pero tanging pagkakaibigan lamang ang kaya kong ibigay dito maliban pa sa may kasintahan ako rati. Malalim akong nagbuntung-hininga bago sinagot ang tawag ni Aris. Maxi: Hello, Aris? Narinig kong masayang tumawa si Aris mula sa kabilang linya. Aris: Hi, Maxi! Pati ako ay tumawa na rin dahil sa nakakahawang sigla sa tinig ng boses ni Aris. Maxi: Paano mo naman nalaman itong bagong number ko, Aris? Kabibigay lang sa akin ni Kuya David nitong bago kong phone noong araw na lumipat ako ng bahay. Narinig kong patawa-tawa si Aris mula sa kabilang linya. Maxi: At ang mga tinawagan ko palang gamit ang phone na ito ay sina Devon at Ruby. Tumatawa pa rin si Aris mula sa kabilang linya. Maxi: Buti nga at naka-save na ang mga number ninyo rito sa bagong phone bago pa ibigay sa akin ni Kuya David. Ayaw talaga ng kapatid kong pinahihirapan ako. Humihina na ang mga tawa ni Aris mula sa kabilang linya. Maxi: Bakit ka ba tawa nang tawa riyan? May nakakatawa ba, Aris? May halong kuryosidad ang tinig ng aking boses nang itanong ko iyon kay Aris. Narinig kong tumikhim si Aris mula sa kabilang linya. Aris: Alam mo, Maxi, nakaka-miss palang marinig ang boses mo, ano? Kaya nga ako natutuwa ngayon dahil lagpas isang linggo na mula nang huli tayong magkitang dalawa. Ang tinutukoy ni Aris ay iyong araw na inihatid ako nito rito sa aking inuupahang apartment. Maxi: Sus. Nambola pa 'to. Siguro may kailangan ka, ano? Mahabang katahimikan ang namagitan sa aming dalawa ni Aris bago ito muling nagsalita. Aris: May kailangan nga ako. Bigla akong kinabahan sa kaseryosohan ng tinig ng boses ni Aris mula sa kabilang linya. Maxi: A-ano naman iyon, Aris? Malalim na nagbuntung-hininga si Aris bago sinagot ang aking tanong. Aris: Ikaw. Ikaw ang kailangan ko, Maxi. Alam mo naman iyon, 'di ba? Sandali akong natigilan sa sinabing iyon ni Aris. Matagal ko naman nang alam ang damdamin ni Aris para sa akin pero hanggang ngayon ay nabibigla pa rin ako kapag ganitong seryoso ito sa pagpapahayag ng damdamin nito para sa akin. Maxi: Aris--- Biglang pinutol ni Aris ang aking pagsasalita. Aris: Oo, Maxi. Alam ko na ang sasabihin mo. Huwag mo nang ulitin para hindi naman ako masaktan ngayong gabi. Lalo na at masaya ako rahil muli kong narinig ang boses mo ngayon. Napangiti naman ako sa sinabing iyon ni Aris. Siguro kung ibang tao ako at hindi ko kaibigan si Aris ay magiging madali para sa aking tanggapin ang iniaalok nitong pag-ibig para sa akin. Hindi naman mahirap mahalin si Aris. Aris: Anyway, kay Kuya David ko hiningi ang bagong number mo. Alam mo naman na close ng napakagwapo mong kaibigan ang Kuya David mo. Bumalik na ang sigla sa tinig ng boses ni Aris. Maxi: Close? O feeling close? Pabirong parang nasaktan si Aris mula sa kabilang linya. Aris: Ouch! Ang sakit naman niyon. Sapul sa aking puso. Natatawa akong umiling dahil sa kalokohan ni Aris. Aris: Ipapaalala ko lang sa iyo, Maxi Retillon, na sa akin ka ipinagkatiwala ni Kuya David nang lumipat ka sa inuupahan mong apartment ngayon. Sa akin ka niya ipinahatid. Malakas akong tumawa rahil sa sinabing iyon ni Aris. Maxi: Paanong hindi ka pagkakatiwalaan ni Kuya David, eh, mga bata pa lamang tayo ay nakabuntot ka na sa akin? Hanggang College days natin ay nakikita ni Kuya David 'yang pagmumukha mo sa loob ng bahay namin. Narinig ko na namang pabirong nagsakit-sakitan si Aris mula sa kabilang linya. Aris: Aray, Maxi! Tama na. Masakit na. Dumurugo na ang aking puso. Para mo na ring sinabi na no choice na si Kuya David kaya sa akin ka niya ipinagkatiwala. Hay naku. Puro kalokohan itong si Aris pero kapag sumeryoso naman ay talagang natitigilan na lamang ako. Maxi: So, Aris, tumawag ka lang ba para muling marinig ang aking boses? Pabirong tumikhim-tikhim si Aris mula sa kabilang linya. Aris: Isang seryosong bagay iyang inaakusa mo sa akin, Maxi Retillon. Bumunghalit ako ng tawa matapos marinig ang seryosong tinig ng boses ni Aris. Aris: Maxi, ako'y napatawag para ikaw ay yayaing kumain sa labas bukas ng tanghali. Maaasahan ko ba ang pagtanggap mo sa aking imbitasyon, aking mahal na kaibigan? Nai-imagine ko ang seryosong mukha ni Aris habang binabanggit ang mga salitang iyon kaya naman hindi ko mapigilan ang aking pagtawa. Aris: Ako ba ay iyong hindi sineseryoso, aking mahal na kaibigan? Lalo pang lumakas ang aking tawa rahil ipinagpatuloy ni Aris ang kaseryosohan ng tinig ng boses nito mula sa kabilang linya. Maxi: Itigil mo nga 'yan, Aris. Hindi bagay sa 'yo. Pero, sige. Tinatanggap ko ang paanyaya ng aking kaibigan. Natawa rin ako sa aking sarili nang gawin ko ring pormal ang tinig ng aking boses habang tinatanggap ang paanyaya sa akin ni Aris. Aris: Okay. It's a date then! Napangiti ako sa aking nahimigang kasiglahan at kasiyahan sa tinig ng boses ni Aris. Sinabi sa akin ni Aris ang oras na susunduin ako nito kinabukasan at maya-maya ay natapos na rin ang tawag. Kahit tapos na ang tawag ay tawa pa rin ako nang tawa rahil sa kalokohan ni Aris. Tumatawa pa rin ako nang marinig kong may kumakatok sa pintuan ng aking kwarto. Agad kong binuksan iyon at nakita kong si Gigi ang kumakatok sa pintuan. Maxi: O, Gigi. May kailangan ka ba? Umiling si Gigi at maya-maya ay pabulong na nagsalita. Gigi: Kuya Maxi, ang lakas daw po ng boses niyo sabi ni Kuya Jake. Hindi niya po maintindihan 'yong pinapanood niya sa TV. Sandali akong lumingon sa direksyon ng sala kung saan nakahalukipkip na nakaupo si Jake sa couch at magkasalubong ang kanyang mga kilay habang nanonood ng isang action movie sa TV. Ayaw nga pala ni Jake sa maingay. Pero talaga bang umabot hanggang sa sala ang lakas ng aking boses habang kausap si Aris kanina? O baka rahil sa aking malakas na pagtawa? Oh well, palalagpasin ko ito rahil may maganda namang ginawa si Jake para sa akin kanina. Maxi: Sige, Gigi. Hihinaan ko na lang ang aking boses sa susunod. Nakangiting tumango si Gigi at lumakad na ito pabalik sa sala at sinamahan ang Kuya Jake nito sa panonood ng pelikula. Muli kong tiningnan si Jake at nakita kong may nakapaskil ng ngisi sa kanyang mga labi ngayon. Napa-eye-roll na lamang ako habang dahan-dahang isinara ang pintuan ng aking kwarto. Hay. Jake, Jake, Jake. Muli kong binalikan sa aking isip ang nangyari kanina. Kung paanong ibinangon ni Jake ang aking pagkataong tinapak-tapakan ni Lyndon. Nanlaki ang aking mga mata nang makitang kanang bisig ni Jake ang nakadantay sa aking balikat. Totoo ba ito? At saka bakit nakangiti si Jake sa akin? OMG. First time na ngumiti sa akin si Jake. Maya-maya ay tumingin si Jake kay Lyndon. Jake: Iyon ba ang narinig mong balita, pare? Na pinalayas si Maxi sa kanila? Nang lingunin ko si Lyndon ay nakita kong nakakunot ang noo nito at nakatingin sa bisig ni Jake na nakaakbay sa aking balikat. Muling lumingon si Jake sa akin at naroon pa rin ang ngiti sa kanyang mga labi. Jake: Hindi mo pa pala nasabi sa dati mong syota, babe? Ha? Sasabihin? Ang alin? At saka saan galing 'yong babe? Nakita kong ngumisi si Jake at umiling-iling pa bago muling humarap kay Lyndon. Jake: Ako ang bagong boyfriend ni Maxi, pare. At saka rito na siya nakatira sa unit ko rahil nagli-live-in na kami. Kitang-kita ko ang pagkabigla sa mga mukha nina Lyndon, Pauline, at Aling Ludy dahil sa sinabing iyon ni Jake. Habang ako ay nanlalambot ang aking mga tuhod at hindi pa rin makapaniwala sa mga nangyayari. Jake: Sige. Welcome, neighbors. Pasok na kami sa loob ng babe ko. Iyon lang at dahan-dahan na akong hinatak ni Jake papasok sa loob ng aming apartment unit kasabay nang pagsara niya sa pintuan ng aming unit. Gosh! Am I dreaming or what? Pagkasarang-pagkasara ng pintuan ng aming apartment unit ay agad na tinanggal ni Jake ang pagkakadantay ng kanyang bisig sa aking balikat. Mabilis akong lumingon kay Jake na ngayon ay hindi na maipinta ang mukha. Maxi: Jake--- Agad na pinutol ni Jake ang aking pagsasalita. Jake: Huwag mong isipin na totoo ang aking mga sinabi kanina. Hindi ko lang gusto kung paanong umasta ang lalaking iyon kanina gayong kararating pa lang niya rito sa apartment. Napalunok ako ng laway sa nakikitang inis sa mukha ni Jake. Maxi: Pero iisipin na nilang magkarelasyon tayo ngayon. Masama ang tinging ipinupukol sa akin ni Jake. Jake: Sinabi ko lang 'yon sa harapan ng tatlong tao. Sa mayabang na lalaking iyon, sa babaeng kasama niya, at sa landlady nating si Aling Ludy. Huwag kang umaktong parang buong mundo ang nakarinig ng aking sinabi. Oo nga naman. Huwag masyadong OA, Maxi. Maxi: But still, ano ang gagawin natin kapag nandiyan sila? Aarteng parang mag-boyfriend? Tinitigan ako ni Jake na may halong pagdududa. Jake: Talaga bang nag-aalala ka o natutuwa kang sinabi ko 'yon sa kanila? Siguro iniisip mong samantalahin ang pagkakataon kaya itinatanong mo 'yan. Napataas ang aking dalawang kilay dahil sa sinabing iyon ni Jake. Maxi: Excuse me lang, ha? Ako ba ang nagsabi sa 'yong sabihin sa kanilang magka-live-in tayo? Bakit parang it's my fault? Napahawak pa ako sa aking kaliwang dibdib habang sinasabi iyon. Tumingala sa kisame ng apartment unit si Jake at nagbuntung-hininga pagkatapos ay muling humarap sa akin. Jake: Mag-thank you ka na lang. Parang iiyak ka na roon dahil sa mga pinagsasabi ng kumag na 'yon kanina. Buti nga nakabawi ka sa kanya nang dahil sa akin. Shocks. Ginawa iyon ni Jake dahil nakita niyang teary-eyed na ako kanina. May pagka-sweet naman pala itong si Jake kahit papaano. Maxi: Th-thank you, Jake. Tumingin ako sa mga mata ni Jake pero iniwas niya ang kanyang mga mata mula sa akin. Jake: Ayos na 'yon. Saka na natin isipin kung paano tayo aakto sa harapan nilang tatlo. At saka, huwag mong iiyakan 'yong taong katulad ng ex-boyfriend mo. Hindi worth it. Matapos sabihin iyon ay tinalikuran na ako ni Jake. Grabe. Parang gusto kong kiligin sa mga sinabi ni Jake sa akin. In fairness, may soft side naman pala ang aking masungit na roommate. Muli na naman akong napangiti sa kawalan matapos alalahanin ang nangyari kanina. Paniguradong mas makikilala ko pa si Jake sa mga susunod na araw. Sa kabila ng ipinapakitang kasungitan ni Jake ay alam kong nagtatago ang isang lalaking may malambot na puso. ---------- THIRD PERSON POV Nakadapa sa ibabaw ng kama ni Vanessa sa loob ng kwarto ng condominium unit nito ang pawisang hubo't hubad na katawan ni David habang pinaglalandas ni Vanessa ang kaliwang paa nito sa pagitan ng dalawang malamang pisngi ng pang-upo ni David. Nakasandal sa headboard ng kama nito ang nakahubad na si Vanessa nang bigla itong magsalita. Vanessa: Daddy David, paano kapag kasal na kami ng best friend mo? Hindi mo na ba aalagaan si baby Kitty natin? Nahimigan ni David ang pagtatampo sa tinig ng boses ni Vanessa. Nakapikit ang mga matang inabot ng kanang kamay ni David ang pawisang kanang hita ni Vanessa at pinaglandas ang mga daliri roon. David: Bakit parang nagtatampo ang Mommy Vanessa kong 'yan? Hmmm? Napakagat-labi si Vanessa nang marinig ang malalim na tinig ng boses ni David. Vanessa: Eh, kasi kapag ikinasal na ako kay Ferdie ay mas magiging mahirap para sa atin ang magkita. Kinilig si Vanessa nang marinig ang bruskong tawa ni David habang marahang naglalandas ang mga daliri ng lalaki papunta sa kanang singit nito. Nagsalita si David habang hinihimas ang kanang singit ni Vanessa kung saan naghahalo ang pawis at ang mga katas nito at ang likido ni David na umaapaw palabas mula sa loob ng hiyas ni Vanessa. David: Ano ka ba, Mommy Vanessa? Hindi mo ba alam na mas exciting para sa akin ang makipagkita sa babaeng kasal na? Kaya hindi na ako makapaghintay na maikasal ka sa aking matalik na kaibigan. Pinaglandas ni David ang kanyang isang daliri sa hiwa ng hiyas ni Vanessa. David: At walang makapipigil sa dalawang taong libog sa isa't isa. Kaya naman maaalagaan ko pa rin si baby Kitty natin. Isang malakas na tili mula kay Vanessa ang pumailanlang sa loob ng kwarto nito nang biglang ipinasok ni David ang kanyang dalawang daliri sa loob ng mainit na yungib ni Vanessa. Ilang sandali pa ay sinundan nina David at Vanessa ang tatlong rounds ng kanilang pagtatalik nang araw na iyon. Si David ay tuwang-tuwa rahil muli na naman niyang naisahan ang matalik na kaibigang si Ferdie. ---------- itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD