Chapter 8

3570 Words

"TYRON, ano'ng ginagawa mo diyan?" gulat na bulalas ni Anicka, habang dali-daling binubuksan ang pinto sa terrace at pinapasok siya. Luminga-linga pa ito sa paligid, bago isinarang muli ang pinto at dali-daling tinakbo ang pinto ng silid nito, upang siguruhing naka-kandado iyon. "Tyron, talaga? Mahal naman, eh, huwag ka nang magalit," malambing na sabi niya rito. "Ano'ng ginagawa mo rito? Hindi mo ba alam na napaka-delikado ng ginawa mo? Kapag may nakakita sa'yo, hindi ko alam kung ano ang puwedeng mangyari," tuloy-tuloy na sita sa kanya ng kasintahan na hindi pinansin ang sinabi niya. "Huwag kang mag-alala, mahal, dati ako'ng ninja!" sabi niya ritong may pilyong ngiti sa labi, sabay kindat. "Puro ka kalokohan. Bakit ka ba kasi nandito?" anito sa tila naiinis na tinig, bago padarag n

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD