Chapter 7: Pursuing Riyi's POV "Nasa'n na yung pinapakuha kong repory about the new popular in Business?!" Nagitla ako ng marinig ko ang malakas na pag-sigaw ni Sir. Naka tayo ako ngayon rito sa gilid ng pinto niya. Nakayuko at hindi makatingin sa kan'ya. Kaninang umaga pa mainit ang ulo, at hanggang ngayong tanghali ay high-blood pa rin s'ya. kasalanan ko ito e, Hays. Sa dami ng pinapagawa sakin ni Sir ay nawala sa isip ko yung report about riyan sa hinahanap n'ya. Of all things, yung pinaka importante pa ang nakalimutan ko. Mariin akong napapikit at madiing napakagat-labi. Mahina kong binatukan ang ulo ko dahil sa ka eng-eng-an. "RIYI!!" Taranta akong nag-angat ng tingin ng marinig ko ang malakas n'yang isinigaw ang pangalan ko. "Y-yes, sir?" Kabado kong tanong. Pusang gala.