Chapter 2: Bankrupt
Babi's POV
Nakangiti akong bumaba sa sasakyan. At mabilis na tumakbo papasok sa man'syon. Naghilera naman ang lahat ng maids at ng guards.
Nakangiti akong kumaway at matamis na ngumiti sa kanila.
"Hello sa inyo!"
"Welcome home, miss Babi."
"Hehehe. Manang! dumating na ba si Daddy?"
"Wala pa po, Miss."
"Ah ganon ba? pakitulungan naman po akong magluto. Ipagluluto ko po si daddy."
"Pero miss--"
"No buts manang, I know that we already have a chef but I want too cook for my dad."
Pagmamatigas ko pa rito. Hindi ko na s'ya pinansin pa at patakbo akong pumunta ng aking silid. Nagbihis ako ng damit pambahay at saka dali-daling bumaba.
Sa baba ay nasalubong ko si Manang. Ngumiti ako sa kan'ya at saka nagpamauna papuntang Kitchen.
"Manang! magluluto po ako ha? wala pong tutulong. Paki-ayos na lang po lahat ng gagamitin ko."
"Sige po, miss."
"Hehehe. Sige na."
Nakangiti akong nagsuot ng apron at hairnet. Saka naghugas ng kamay. Napatingin ako sa ingredients na narito sa harap ko.
Nag-iisip kung anong maari kong iluto. I learned how to cook when I was elementary. our chefs taught me how to cook, Sometimes manang teaching me.
I just want to learn how to cook, daddy said that my mom is the best cook ever. even though I didn't got to see my mother I know that she's a great woman. That's why I want to become like her.
I know household doings too. Manang taught me. napatingin ako sa relo na nasa wrist ko at nakitang it's almost 6 PM. Mayro'n na lamang akong 1 and half hour to cook.
Kinuha ko ang tatlong patatas at inumpisahang balatan, sunod kong binalatan ay ang carrots. I will cook Spicy Adobong manok. Lalagyan ko na rin ng itlog at gulay.
Kahit na mayaman kami ay hindi ako nasanay sa foreign food. I always love to eat filipino food. sinimulan kong hugasan ang mga gulay pati na rin ang manok na gagamitin ko.
Matapos hugasan ay eksperto kong hiniwa ang mga gulay ayon sa katamtamang laki. Pero bago ako magpatuloy ay kumuha ako ng dalawang itlog at saka 'yon pinakuluan.
Binuksan ko ang Gas stove at saka hinayaan na gano'n lamang. Binalikan ko ang hinihiwa kong carrots at potato.
Sunod kong hinati ay ang pitsong manok. Dad doesn't like bone on food. even on fish, he wants fish to be boneless.
Matapos ng ginagawa ko ay sinipat ko ang wrist watch ko at napagtanto na sampung minuto na agad ang nakalipas.
Binuksan ko ang isang kalan sa tabi at saka ako nag-gisa ng bawang at sibuyas. Matapos ay sinunod ko ang manok. Hinalo-halo at saka tinakpan.
--
"Manang! is the dinner table is ready?"
"Opo, miss."
"Salamat manang!"
"Hay nako ka bang bata ka, trabaho ko ang ginagawa mo."
"Ano ka ba manang, minsan lang ito. At saka gusto ko talagang ipagluto si daddy."
Ngumiti naman si manang na para ng maiiyak kaya naman napatigil ako sa ginagawa kong pag-aayos ng mga plato na ginamit ko sa pagluluto.
"Bakit manang? may problema ka po ba?"
"Wala naman Hija. Natutuwa lang ako at lumaki kang mabait at masunuring dalaga."
"Nako manang ha, ayan kana naman sa pambobola mo. Hahahaha."
"Hay nako, hindi ako nambobola. Natutuwa lang ako at masuwerte ang iyong ama dahil sa'yo."
"Talaga po manang?"
"Hmmm...Naaalala ko sa'yo ang iyong ina."
Natigilan ako sa sinambit n'ya. At unti-unting nawala ang ngiti ko sa aking labi.
"Naalala ko, nung magka relasyon pa lamang ang 'yong magulang. Napaka sweet nila sa isa't isa. Mabait at maunawain ang mama mo Hija. At sa tingin ko ay namana mo ang ugaling 'yon. May pagkakahawig kayo ng ina mo. Gawin mo lamang kulot at mag pa full bangs ka ay tiyak na kamukhang-kamukha mo ang 'yong ina."
"Talaga po?"
"Aba oo naman, naalala ko pa. Ang daddy mo ay madalas magselos, dahil sa kahit na mag-asawa na sila noon ay talaga namang sikat na sikat ang iyong ina at maraming nagkakagusto."
"Ano po ba ang trabaho ni mommy noon?"
"Isa s'yang Fashion Designer, at s'ya rin ang model ng ginagawa n'yang damit."
"Talaga po?"
"Hmmm, naalala ko pa. Palaging sinusundo ng daddy mo ang mommy mo."
"Ang sweet naman po nila."
"Hindi ba nagku kuwento ang iyong ama sa'yo?"
Napayuko ako sa naging tanong n'ya. Ayo'ko kaseng magtanong kay Daddy. I know that he's hurt until now. That's why I don't want to remember his past.
"Ayaw ko po kase na maalala pa ni daddy yung nakaraan n'ya po. Ayaw ko po na masaktan s'ya."
Determinado kong sagot kay manang. Kahit n super curious ako. Ayaw ko pa rin. ayo'kong masaktan si Daddy. Kaya kahit na gaano ko kagusto na malaman ay pinipigilan ko ang sarili.
"Hay nako. Napakasuwerte talaga ng 'yong ama sa iyo Hija. Sana lang makita mo ang tamang lalaki na magmamahal sa'yo."
"Ay naku manang, wala pa po sa isip ko 'yan. I just want to enjoy being daddy's princess. I know na hindi pang-habang buhay 'yon."
"Isa kang biyaya sa 'yong ama. Nawa'y makakita ka ng taong tunay na magmamahal sa'yo."
"Sana nga po---Daddy!"
Mabilis akong tumakbo sa pintuan ng makita ko agad si Daddy. Ngumiti s'ya sa akin. Ngunit hindi kagaya nung mga nakaraang araw ay parang may mali sa ngiti ni dad. Hindi ko nalang 'yon pinansin at saka niyakap.
"My Princess, How are you?"
"I'm okay dad. how 'bout you?"
"See? I'm fine. Let's eat. Daddy's hungry na."
"Kyahh! Dad. I've cooked foods for yoy dad!"
"Really?"
"Yes, common dad! let's eat."
Hinila ko ang kamay n'ya papunta sa table. At as usual ay nakasunod ang secretary ni daddy na si Mr. Kim. Pinaupo ko si daddy sa madalas n'yang upuan.
"Mr. Kim, umupo na rin po kayo at kumain."
"Ay hindi na po, miss Babi--"
"Hay nako, hindi puwede! umupo kana okay? dadddd?"
"Yeah, Just sit down Kim. You are not different with us."
"Salamat po, Sir."
"Drop the formalities, let's eat. Babi, Anong ulam natin?"
"Dad! I cooked Spicy adobong manok! you're favorite."
"Really? let me taste it."
Nakangiti kong sinandukan si Daddy. At saka hanggang pagsubo nila ay nakatingin lamang ako sa kanila at nakangiti.
"So, How's my cooking skill dad?"
"Perfect honey, Just like how your mom cooked."
Lumapit ako kay daddy at saka s'ya niyakap.
"Dad, do you miss mom?"
Ramdam kong natigilan s'ya kaya naman napayakap ako ng mahigpit sa kan'ya.
"I miss mom too. But don't worry, as long as you're here with me. That's enough for me dad. Thank you for raising me, Dad. I love you po."
Naramdaman ko na hinawakan n'ya ang kamay ko at saka malungkot na ngumiti sa akin.
"Thank you sweetie, Daddy loves you too."
Kumain kami ng masaya at nag-aasaran. I know that this won't last long. I know something's wrong in the company, I need to find that out. I need to help dad.
"Mr. Kim."
Nandito talaga ako sa labas para abangan si Mr. Kim, Si Mr. Kim ay may isa ng anak at asawa. Kaya naman parang anak na rin ang turing n'ya sa akin.
"May kailangan po kayo miss?"
"I know that something is wrong, can I know what happened to dad?"
"M-miss..."
"Please Mr. Kim, I want to help Dad."
Kita ko ang pag-aalinlangan sa mga mata n'ya kaya naman mas lalo akong nagmakaawa.
"Please..."
Kita ko na napalunok s'ya ng laway n'ya at saka huminga ng malalim. saka determinadong tumingin kay dad.
Nagsimulang bumuka ang labi n'ya at saka sinimulang ikuwento ang lahat. nanginig ang buong katawan ko sa nalaman. at saka sunod-sunod na tumulo ang luha ko sa aking mata.
---
Nasa gitna ako ng klase, ngunit wala ang atens'yon ko sa aming guro kung hindi sa mga sinabi sa akin ni Mr. Kim kagabe.
"Babi."
Flashback
"It's about your company Babi. nagsisimula ng malugi ang kumpanya ninyo. Marami na rin ang utang n'yon sa bangko. I don't think your father can save in anymore..."
"W-What? S-since when?"
"Matagal n'ya ng itinatago 'yon sa 'yo. Ayaw n'ya kase na mamroblema ka. At ayaw n'yang malaman mo. Ayaw n'yang makita na malungkot ka."
"W-What?!"
"I'm sorry. Sinabihan ako ng daddy mo na huwag kong sabihin sa'yo. Kaya naman nanatiling tikom ang aking bibig. Ngunit hindi na kaya ng konsens'ya ko. You need to know the truth."
Nakaramdam ako ng panghihina ng tuhod. Kaya naman natumba ako, mabuti na lamang at inalalayan ako ni Mr. Kim.
"Babi, ayos ka lang ba?"
"H-How? How can I help...Please Mr. Kim. Tell me, how can I save our company?"
"Miss Babi..."
"Please...T-tell me...P-please."
Kita ko muli ang pag-aalinlangan sa mukha n'ya. But I'm too stubborn so he don't have a choice.
"Mr. Yvo Ezekiel Zeron. He can help you. But your father begged to him but he's too cruel in business. He's the only person who can help you. Convince him. sa isang araw na ia announce ang bankruptcyng kumpanya ninyo."
"N-No..."
"I'm sorry...I should've told you before, bago pa umabot sa ganito."
Tumulo ang luha sa aking mata dahil sa sinambit n'ya. The company is my father's whole life. He dedicated his whole life with this company. And I know It hurts to him.
"It's Okay, I will talk to this man you've mentioned after my school. Sunduin mo ako and bring me to this man."
"P-pero miss babi."
"You're guilty for not telling me right? this is the only way you can make it up with me."
"S-Sige po."
Ngumiti lang ako sa kan'ya at saka tumalikod.
Flashback ends
Napasabunot ako sa aking buhok sa naging desisyon ko. Sana naman mapapayag ko s'ya.
"Babi."
Ayaw kong mapunta sa wala ang pinaghirapan ni daddy. I want to help him, kahit na ito lang.
"BABI!"
"Ay Babi! yah!"
"Hahahaha..."
"Ano ba kurt! hmmp, hindi nakakatuwa ha."
"Ano ba kase nasa isip mo at lutang ka maghapon? wala ka bang balak umuwi? kanina pa nagsialisan mga classmate naten."
"Ano?!"
Napasigaw ako at napatayo dahil sa sinambit n'ya. halaaa! gano'n na ba ako kalutang at hindi ko napansin na wala na sila?!
Mabilis akong tumingin sa wrist watch na nasa bisig ko. At gano'n na lang ang panlalaki ng mata ko ng makitang late na ako sa usapan namin ni Mr. Kim.
"Sige kurt, mauuna na ako sa'yo ha?"
"Sandali---"
"Bye!"
Hindi ko na s'ya pinansin pa at mabilis na tumakbo palabas ng aming silid-aralan.
"Mr. Kim!"
"Misa babi."
"Pasens'ya na po kayo."
"Ayos lang po, pasok na po kayo sa loob ng sasakyan."
Umupo ako sa Shotgun seat. At saka ilang beses na huminga ng malalim.
"Kaya ko'to."
Saka ako ngumiti ng matamis at inayos ang sarili.
To be continued...
K.Y.
Hi to my fellow readers! thank you sa pag-aabang! salamat sa pagbabasa. I will update soon as possible. Next episode will be about Yvo Ezekiel. So, abangan nating pare-pareho. Leave a comment about your thoughts.