LOPEZ SHIPPING LINE..
Breaktime ng mga empleyado ng Lopez shipping line,
Habang si Damon ay nanggagalaiti kasi maraming nakabinbin na gawain ang secretary niya tapos absent pa ng dalawang araw. Kanina lang nagbigay ng notice na nagkasakit ang anak nito maiintindihan naman niya sana ito. Kaya lang sana ay nagpaalam na aabsent di yung hihintayin ang ikalawang araw bago magsabi.
Mainit ang ulo niya sa dami ng mga pending na papeles halos hindi niya na maigalaw ang kanyang leeg matapos maayos ang kanyang kinakailangan na permahan. Unang batch palang may natira pang isang set kaya lang ay kumakalam na ang kanyang sikmura. Ayaw niya mang iwanan ang ginagawa ay mahal parin naman ang sikmura niya. Yun ang bagay na iniisip niya di bale na hindi matapos agad ang trabaho basta pag oras ng kain ay makakakain siya.
Pumunta siya ng cafeteria kasi wala na siyang time lumabas nadaanan niya ang mga empleyado sa hr department na nagtitipon tipon. Pasimpleng lumapit siya sa mga ito na pawang nagpupunas ng luha ang mga ito. Ayos lang mag kumpulan ang mga ito dahil breaktime naman ang mahalaga sa kanya ay nagagampanan ng mga ito ang mga kanya kanyang obligasyon sa trabaho.
"Grabe naman yung tatay ng batang yun, natiis yung anak niya." sabi ni Ms.Monica yung head ng Human resources department. The woman work for this company for a decade now and he know how she work hard for the company and she really deserve the position.
Pag tingin ko sa laptop,isang cute na batang babae na sa tantiya ko ay apat na taong gulang. Maputi ang bata di mataba ngunit di naman payat kumbaga ay tama lang sa edad nito ang katawan. Maganda ito lalo na siguro kung lumaki na at magdalaga.
"Dad if you are watching this video pakicontact naman po ako. I always wanted to meet and hug you, since then Mommy can't answer me even what's your name. I am also wondering why you left Mommy she's so pretty and sexy but you left her please please meet me, I'm Mesha thank you." Sabi ng bata
Napatitig ako sa bata na napakaamo ng mukha at batay sa hitsura ng bata, masasabi niyang maganda ang ina nito. Kaya naman naagaw nito ang kanyang pansin.
"Sir-"nagsipulasan ang mga ito ng makita siya.
"What is that?"tanong ko sa mga ito, tila takot pa ang mga ito e break time naman. I don't care if they chat and chat as long as it is not working time.
"Naku sir trending po yan sa social media ,isang batang naghahanap ng tatay." si Ms.Ai na time keeper nila ang naglakas loob na harapin siya.
"Naku sir, baka nabuntis ang nanay niya tapos di pinanagutan, pero kung ako naging lalaki kung ganyan naman ka cutie ang junakis ko e go na." sabi ng isang bakla. Mukhang napuna nito na di siya magagalit sa mga ito.
"Pepwede rin na may pamilya na ang nakabuntis sa nanay niya."
Yung isang lalaki naman na nasa dulo nakaupo. Sabagay we have our own opinion about everything, may sarili tayong paniniwalaan and only her mother can answer those questions they have in mind.
"Naku baka rape victim ang nanay niya,kaya hindi sinasagot ang tanong ng bata."si Ms.Monica na tila yun din ang naisip ng katabi na tumango tango pa.
"Yung nanay lang ang makakasagot niyan, anyway Ms,Ai pwede ba kitang mahiram saglit later. Absent kasi ang secretary ko." sabi ko dito.
"Sure Sir ngayon na po ba?" Tanong nito.
"I will just eat my lunch first just go inside my office after lunch break." Sabi ko bago palihim kung tiningnan ang pangalan ng nagpost nun. May fbook account ako pero madalang ko buksan dahil si Mommy pa ang gumawa bawal kasi sa kanila yun nung nasa service pa sila para ma protektahan na din ang kani kanilang mga pamilya.
Pero ginagamit naman niya ang messaging app nito lalo sa group chat nila ng mga abnormal niyang kaibigan. For gala and chicks purposes ang group chat nila. Lalo dahil tamad magpa line ang iba lalo na ang mga kuripot.
Nang bumalik ako sa office ko dali dali kung inayos ang mga gamit ko at nag instruct lang ako kay Ms.Ai ng mga gagawin. At pinermahan ang mga nangangailangan ng kanyang mga assignatures nang matapos permahan ay nagligpit na ako para umuwe, sa labas ako kakain, wala na naman akong meeting today. Naubosan siya ng pagkain sa cafeteria dahil medyo late na siya bumaba.
Minsan naiisip niya na sana katulad ng mga kuya niya ay makita niya din ang kanyang magiging asawa. He saw how his brothers wife took care of his brother lalo na ang kanyang Kuya Clark na tila baby kung alagaan ng asawa nito. Pero takot naman ang kapatid niya rito.
Habang daan sumagi sa isip ko ang bata nakaramdam siya ng awa para rito. He believes that everyone deserves a complete family. Kaya nilabas niya ang smart phone niya at namalayan niya nalang binabrowse na niya ang fbook niyang matagal ng di nabuksan, medyo di siya pamilyar sa mga icons pero kung marunong naman na magbasa ay maiintindihan naman.
Maya maya tinipa na niya ang Farrah Bartolome, Lumabas ang profile picture ng bata she's really pretty. Baka ikapahamak nito ang pag post ng video sa social media lalo at maganda ang bata. He will just try to be a friend to that kid. It is the first time na magaan ang loob niya sa bata kahit di nya iyon kadugo.
In add ko agad ito at wala pang ilang minuto ay inaaccept agad. Mabuti at may driver siya ngayon kaya naman ay mai stretch nya ng bahagya ang kanyang katawan. Picture namin nila Mommy ang profile picture ko kaya siguro ay nag accept agad siya.
"Hi!" Agad kung send ng message dito.
"Hello!" Maya maya ay reply agad nito. Mukhang nag aabang ng chat talaga ang may ari ng account.
"Ikaw ba yung nanay ni Mesha?" tanong ko. Imposible naman kasi na si Mesha ang makachat niya. He think Mesha is just a kid and maybe she can write and read but as her age she is not that smart to know how to post something like that in fbook. Maybe her mother post it there possibility is gusto lang magpapansin or sumikat.
Nowadays those tricks really works. You can just post it on where ever you wish to be posted and do some gimmick to be unique with other post so you can gain more popularity shares, likes and followers.
"Hindi po,lola niya ako."
sagot nito.
Napangiwi ako lola na siya pero po niya ako.