Maaga palang naghanda na ang lahat sa pagbaba sa bundok ,inihaw niya ang ibon at ang saging yun ang naging agahan nila. Masukal ang kabundokan ,pero mistulang payapa ang paligid, di tulad sa pinanggalingan nila na maraming mababangis na hayop, buti at medyo sanay na si Mara sa mahabang lakaran, tatlong linggo din ang binuno nito sa training, at hindi biro ang unang tatlong linggo na iyon, pinagpapasalamat nila na makapit ang bata sa sinapupunan nito. "May mga pamilya kapa po ate Mara?" tanong ko pa, matanda lang si ate Mara ng dalawang taon sa amin.di lang halata sa mukha. "Sa kombento na ako lumaki at nagkaisip at taliwas sa inyo, binenta ako ni Mother superior sa sindikato." pagkukwento pa nito. "Eh sino ang nakabuntis sayo?" si Trina mukhang yun ang bumabagabag sa babae. "Ang nobyo