Masaya si Mesha na may tila naging bagong pamilya ito sa katauhan ng Daddy Damon nito at ang Lola nito. Yung Sam naman ay pinilit na Papa ang itawag ng bata dito sa halip na Tito. Medyo nakakailang lang na tumingin ang lalaki dahil sa mga padinig nito. Like gusto nito sa babae ang responsable, yung maalaga sa anak, yung alam nitong di titingin sa iba dahil seryuso na sa kinabukasan. Bukod pa sa pahaging at panunukso ng matanda sa kanila. "Ang saya saya ko po Mama, mabait po ang bago kung family." Masayang pagbibida nito naghahanda na sila sa pagtulog. "Mabuti naman kung ganun, basta wag ka parin munang lalayo kay Mama okay!" Bilin ko dito. "Mama babalik ba tayo dun sa castle?" Inosinteng Tanong nito. "Castle? Masiyon yung baby, Oo sundoin daw tayo ni Papa Sam mo bukas ng umaga at mag