17 - Reddish Peanut

1647 Words

NAPATINGIN si Ndrew sa ayos ng hapag kainan pagbungad niya sa komedor. Kagaya pa rin ng dati ay nasa bandang gitna ng mahabang mesa ang plato at kubyertos para kay Elaina, masyadong malayo sa puwesto niya sa kabisera. Wala pa rin doon ang dalaga. Napatingin siya kay Elvira na noon ay nahuli pa niyang nakatitig sa kaniya bagama't kaagad na nag-iwas ng tingin. Humakbang siya palapit sa kaniyang silya at naupo. "Si Carlina?" "N-nasa taas po, Señorito Ndrew, tinatawag po si Elaina para sa agahan." "Bakit ginagawa n'ya 'yon? Sinabi ko naman sa kaniya sa umpisa pa lang na hindi Señorita rito si Elaina. Akyatin mo si Carlina, sabihin mo ipinatatawag ko siya,” paasik na utos niya kay Elvira. "Opo, Señorito Ndrew." Ngunit bago pa lamang ito kikilos ay dumating na si Carlina. "Señorito Ndrew,

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD