13 - Savanna

1856 Words

NASA emergency room pa si Elaina nang dumating si Ndrew sa ospital. Hindi niya maawat ang sariling makadama ng pagkabalisa nang mga sandaling iyan simula pa kanina nang makatanggap siya ng tawag buhat kay Robbie at sinabing sa ospital daw nito diniretso si Elaina imbes na sa mansion kagaya ng utos niya. Nagbi-bleed daw ito. Nang makita niyang lumabas ang isang doktor sa ER ay kaagad siyang lumapit dito. "Kumusta siya, Doc?" kaagad niyang tanong dito. "Alin po sa dalawang pasyente sa loob ang tinutukoy mo, Mr. Montana?" pantay ang tonong tanong nito. "Yong buntis po," mabilis niyang sagot kahit pa nga medyo napaangat ang mga kilay niya dahil sa pagtawag nito sa kaniya. "Nagsasagawa na po ng immediate evaluation and care ang OB-Gyne doctor sa kaniya sa loob. Magiging maayos po ang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD