7 - Sweet Moan

1966 Words
TININGNAN ni Ndrew si Carlina nang bumalik ito sa komedor. Nakaupo na siya at nakaharap sa mesa upang maghapunan. "Señorito Ndrew, masama po ang pakiramdam ni Elaina at ayaw niyang bumangon buhat sa higaan," sabi nito. Inaasahan na nga niya iyon dahil naramdaman nga niya ang kakaibang init sa katawan ni Elaina habang sakay sila sa kabayo kanina at nakayakap ito sa likod niya. Tinitigan niya si Carlina tapos ay tiningnan si Elvira na nakatingin din sa kaniya. "Bakit ganiyan ninyo akong tingnan?” malamig ang boses na paninita niya sa mga ito. Alam niyang sa paraan ng pagkakatingin ng mga ito sa kaniya ay sinisisi siya sa nangyari kay Elaina. "Pasensiya na po, Señorito Ndrew," halos kuros pa ng mga ito. Hindi siya kumibo. "Malapit na raw po si Señorito Adrian," kapagkuwan ay pagbibigay alam ni Carlina. "Mabuti kung ganoon, sabihan mo ako kapag nakarating na siya," sabi lang niya at ipinagpatuloy ang pagkain. "Dadalhan ko po ba ng pagkain si Elaina sa silid niya?" tanong ni Carlina. Huminto siya sa pagnguya at napatitig sa pagkaing nasa harap niya. "Tatayo siya kung makaramdam siya ng gutom.” Napakunot ang noo ng dalawa matapos ang sinabi niya pero walang nangahas na ibuka pa ang bibig. Gayunpaman ay hindi napigil ng mga ito ang pasimpleng tinginan sa isa't- isa. Ipinagpatuloy naman niya ang kaniyang pagkain. ••• NAKATAGILID ng higa sa kama si Elaina patalikod sa pintuan pero nang bumukas iyon ay hindi siya kumibo upang tingnan kung sino ang pumasok. Mas sumama pa ang pakiramdam niya ngayon kaysa kanina. Parang napakabigat ng kaniyang ulo pati na rin ang katawan. Naramdaman niya ang pag-upo ng kung sino sa gilid ng kama at ikinagulat niya ang kasunod na ikinilos nito. Bigla siya nitong hinalikan sa balikat na nakahantad sa suot niyang sleeveless. Masama man ang pakiramdam ay kaagad siyang lumingon at nagalak nang makita si Adrian. Hindi siya nakapagsalita dahil kaagad nitong siniil ng halik ang kaniyang labi. Parang kagyat na gumaan ang pakiramdam niya, napaglaho ng halik nito ang bigat na kaniyang nararamdaman. Napayakap siya rito ganoon din ito sa kaniya. Ilang saglit nilang pinagsaluhan ang halik na iyon na punong-puno ng pananabik. Humihingal sila nang maghiwalay ang kanilang mga labi. "I've missed you so much…" masuyong anas ni Adrian sa kaniya. Napaluha siya habang nakangiti. "Sobrang namiss din kita, Adrian. Bakit ngayon ka lang dumating?" Subalit imbes na tugunin nito ang tanong niya ay muli siya nitong hinalikan sa labi. "Bakit parang napakainit mo naman?" puna nito bagama't hindi inilayo ang labi sa labi niya. "Sinat na lang 'yan, Hon," tugon niya. Bahagya itong lumayo sa kaniya. "Sinat nga ba?" pilyong tanong nito sa kaniya. Ngumiti lamang siya. Tinitigan siya nito bago kumilos at sumukob sa kumot. Kaagad niyang pinaghiwalay ang mga hita upang mas maramdaman ito sa kaniyang katawan. Muli ay siniil siya nito ng nananabik na halik sa kaniyang labi na kaagad naman niyang tinugon. Yumakap sila sa isa't isa, mahigpit. "Miss na miss kita Elaina…” anas nito sa puno ng tainga niya bago iyon dinilaan. Napapikit siya. Magiliw ang kiliting nadama niya buhat sa mainit nitong dila sa puno ng kaniyang tainga, kiliti na mas nagpataas sa temperatura niya. Pakiwari niya ay mauuwi siya sa kombulsiyon dahil sa ginagawa nito. "Adrian…" napapasinghap na anas niya sa pangalan nito. Bumaba sa leeg niya ang nag-aalab nitong labi at nagpabalik-balik doon. Tiniyak na bawat bahagi ng kaniyang leeg ay sinasayaran ng animo'y nag-lalagablab sa apoy na labi at dila nito. Napasinghap ulit siya kasabay ang pagmulat ng mga mata nang maramdaman ang agarang pagbaba ng kamay nito sa pagitan ng mga hita niya at masuyong pumisil-pisil doon. Lumalagos sa kaniyang suot na pajama at panty ang init ng palad nito. Naipulupot niya ang mga braso sa batok nito kasabay ang bahagyang pagliyad ng katawan. Sabik na sabik siya sa bawat haplos at pagpisil nito. Pumasok ang kamay nito sa suot niyang panty at doon ay mas nadama niya ang mainit nitong palad. "Ohhh..." masuyong ungol niya at napakagat-labi pa. "Elaina…" anas nito sa pangalan niya. Bakas sa boses ang labis na pananabik sa kaniya. Pinisil-pisil nito ang kaniyang p********e at nilaro-laro ng daliri ang clit niya. "Ohmmm..." ungol niya habang sinisikap na panatilihing nakabukas ang kaniyang mga mata upang matitigan ang mukha ni Adrian kahit pa nga pakiramdam niya ay namimigat na ang talukap ng kaniyang mga mata. Animo'y nalalasing siya sa ginagawa ni Adrian sa p********e niya. Naramdaman niya ang paglabas-pasok ng daliri nito sa lagusan ng p********e niya na sinasabayan nito ng pagpisil doon. Napaawang ang labi niya. Napakasarap sa pakiramdam ang ginagawa nito at hindi niya mapigil ang pagkislot ng kaniyang balakang. Maya-maya ay hindi na ito nasiyahan. Hinubad nito sa kaniya ang pajama kasabay ang panloob niya at mas niluwangan ang pagkakabuka sa mga hita niya tapos sabik na sabik na sinibasib ng labi at dila nito ang namamasa niyang p********e. "Ohhhhhm..." napasigaw na ungol niya dahil sa ginawa nito. Napahawak siya sa ulo nito at naisubsob ito sa pagitan ng mga hita niya. Iniangat niya ang ulo niya upang mapagmasdan ito sa ginagawa nito roon. Bawat paggalaw ng mainit nitong dila sa p********e niya ay ibayong sarap at ligaya ngunit pinabibigat ang paghinga niya. Wala sa loob na nakagat niya ang mga daliri sa kamay kasabay ang pamamaluktot ng mga daliri niya sa mga paa dahil sa tindi ng sensasyong nadarama. ••• PALAPIT na sana sa kama si Ndrew nang matigilan dahil sa marahang katok sa pintuan. Inis na napatingin siya roon. Katatapos lang niyang maligo. Dahil wala siyang saplot sa katawan ay kinuha niya ang kahuhubad lamang na bathrobe at muli iyong isinuot. Palagi siyang walang saplot sa gabi dahil sanay siyang matulog ng ganoon kahit pa nga nakasagad naman ang kaniyang air-con doon sa master bedroom suite niya. Tinungo niya ang pinto at kaagad na binuksan, si Carlina ang nandoon. "Bakit—" "Dumating na po si Señorito Adrian," mahinahong putol nito sa kaniya. "Dumiretso po siya sa kaniyang silid. Napabuga siya ng hangin bago tumango siya. "Sige, Carlina, maaari ka ng matulog," sabi niya. Medyo malalim na noon ang gabi, pero dahil mahalaga ang impormasyon na dala nito ay palalampasin niya ito sa paglabag sa kaniyang second rule sa ngayon. "Sige po, Señorito Ndrew," wika nito bago tumalikod. Sinundan niya ito ng tingin bago tinanaw ang pintuan ng silid ni Adrian na noon ay bahagyang nakaawang. Iniisip niya kung ipagpapabukas pa ba niya ang pagkausap dito. Tiyak na napagod ito sa biyahe at baka nais na nitong magpahinga. Pero naisip din niya na baka kagaya ng mga ginawa nito sa una ay takasan siya nito at wala na naman siyang magawa kun'di ang magplantsa ng gusot nito. Namimihasa na ito. Sa huli ay naisip niyang kausapin na ito ora-mismo. Lumakad siya patungo sa silid nito. Nang makalapit sa pinto ng silid ni Adrian ay kumatok siya bago itinulak ng marahan ang dahon ng pintuan upang luwangan ang pagkakabukas pero kaagad siyang natigilan. Sumalubong sa paningin niya ang mainit na eksena sa pagitan ng dalawa. Magkapatong ang mga ito at maghigpit na magkayap sa ibabaw ng kama, sa ilalim ng makapal na kumot ay nakikita niya ang paggalaw ng balakang ni Adrian. Para siyang natulos sa kinatatayuan niya at ‘ni hindi magawang ikurap ang mga mata habang nakatitig sa mga ito. Rinig na rinig niya ang masusuyong mga ungol ni Elaina, puno iyon ng kaligayahan at pagmamahal habang binibigkas ang pangalan ni Adrian paulit-ulit at halos i-awit. Nakapikit ang mga mata nito at kitang-kita ang bawat pabaon na pagtaas-baba ng ulo nito sa malambot na unan dahil sa mabilis at madiing paggalaw ng balakang ni Adrian sa pagitan ng mga hita nito. Nang nagpapanabay na sa malakas na pag-ungol ang dalawa ay parang noon lang siya natauhan. Mabilis siyang kumilos paalis doon at malalaki ang hakbang pabalik sa master bedroom suite niya. Nang makapasok ay kaagad niyang inilapat ang pinto at napasandal doon. Natulala siya habang tila nakikini-kinita pa niya ang reaksiyon ng mukha ni Elaina, maging ang mga pag-ungol nito ay parang naririnig pa niya. "Buwisit!" inis na sabi niya at napahampas pa sa nakapinid na dahon ng pintuan. ••• NAPABALIKWAS si Ndrew ng bangon nang pagmulat ng kaniyang mga mata ay makitang kalat na ang liwanag sa kabuuan ng silid niya. Nagmadali siya sa pag-ibis sa kama at tinungo ang bathroom. Sa walk-in shower siya dumiretso nang makapasok doon. Habang nakatapat siya sa shower ay hindi niya maiwasang mainis sa sarili. Masyado siyang inabala ng mainit na eksena kagabi na nasaksihan ng makasalanan niyang mga mata. Ilang beses niya iyong iwinaksi sa kaniyang isipan pero para iyong magnetong kumapit sa buong sistema ng utak niya. Minadali niya ang pagsa-shower at pumasok sa pintuan ng walk-in closet na kanugnog ng bathroom at nagbihis doon. Sa kabilang pinto ng walk-in closet na siya lumabas kung saan ay ang malawak at malaking kama niya ang mabubungaran. Dumiretso siya sa pintuan upang bumaba sa komedor at magpahanda ng pagkain kay Elvira. Subalit natigilan nang makitang nakatayo sa labas ng silid niya si Adrian. Nakaangat ang kanang kamay nito at akmang kakatok na sana. "Hi..." alanganin ang ngiting bati nito sa kaniya. Naiiwas niya ang tingin sa kapatid. Pakiwari niya kapag nakatingin siya rito ay nakikinita niya kung paano nito angkinin si Elaina. "Ndrew," mahinang tawag nito sa pangalan niya. "Adrian," malamig ang boses na bigkas naman niya sa pangalan nito. Sinikap pa rin niyang hindi dumako rito ang paningin niya. "I can't leave with her," halos pabulong na sabi nito. Kaagad na nagsalubong ang mga kilay niya at hindi napigil ang sariling tumingin dito. "Ano'ng ibig mong sabihin?" nainis niyang tanong. Napabuntong-hininga ito habang titig na titig sa kaniya. "Ndrew, I've given this a lot of thought, at kailangan ko itong sabihin sa iyo ng malinaw. I’m not ready to start a family. I’m unsure about how to raise a child, and it’s important to me to be fully prepared before taking on that responsi—" Pinutol niya ito sa pagsasalita sa pamamagitan ng pagsuntok sa panga nito. Napasuray ito pero mabilis na na-balanse ang sarili kaya hindi ito bumagsak sa sahig, subalit napaluha ito sa sakit habang sapo ang pangang tinamaan ng suntok niya. Matapos nitong maglunoy sa pagitan ng mga hita ni Elaina kagabi ay sasabihin nito ito sa kaniya ngayon? Ano'ng klaseng lalaki ito? "After all, sasabihin mo sa akin 'yan?!” umuusok siya sa galit dito. “Nasaan ba ang utak mo? Nandiyan ba sa mismong ulo mo o nandiyan sa t**i mo?!" Nagsasaltik ang mga bagang niya. "Ndrew, mahal ko si Elaina, pero baon pa rin ako sa utang—" "Baon sa utang?!” putol na naman niya rito. "Adrian, ilang beses na akong nagbayad sa mga utang mo pero hanggang ngayon may utang ka pa rin? Sabihin mo nga sa 'kin ang totoo, nagka-casino ka pa rin ba hanggang ngayon?!" Hindi ito nagsalita. Indikasiyon iyon ng pag-amin kaya oo ang sagot nito para sa kaniya. Nabuwisit siya nang tuluyan dito. Tiim-bagang na nilampasan niya ito. "Ndrew, please?” pakiusap nito na mabilis sumunod sa kaniya at pinigilan siya sa braso. "Buntis siya, at natatakot ako na hindi ko mabigyan ng magandang buhay ang magiging anak namin." Natigilan siya. ‘Buntis nga talaga si Elaina?’ sa isip niya. Marahas siyang napabuntong-hininga sabay haltak ng braso niya buhat sa pagkakahawak nito. "Adrian, you must have considered that umpisa pa lang. Take her with you pag-alis mo," may awtoridad na sabi niya. "Huwag mo siyang iiwan dito sa pamamahay ko, kung ayaw mong sa silong ng bato siya abutan ng panganganak niya!" Tinalikuran niya ito at malalaki ang mga hakbang na tinugpa ang pasilyo patungo sa hagdanan. "Ndrew!" tawag nito sa kaniya pero hindi niya ito pinansin pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD