Chapter 15 'Poisoned' Heaven's PoV Nagising na lang ako na para bang nasa komportableng kama ako. I can't open my eyes dahil sa sikat ng araw na nagmumula sa bintana. Bintana? Hindi ba't sa rooftop ako natutulog? This manly scent is familiar. Saan ko nga ba 'to naamoy. "Okay, pupuntahan ko pa si Brent. Titignan ko kung may malay na siya." Napamulat ang isa kong mata nang marinig ang boses ni Hell. Then I realize na wala ako sa rooftop at wala rin ako sa room ko. Hindi ako kumilos dahil nagbabaka sakaling may makukuha akong impormasyon sa kung nasaan si Brent. "No, Fire! Mag-usap tayo mamaya." Sabi ni Hell. Nang mahalata kong lilingunin niya ako ay agad akong pumikit. "Ford, alam ko kung tulog o nagtutulog-tulugan ang isang tao." Sabi ni Hell at wala akong ibang nagawa kundi ang mag