Chapter 20 'Kidnapped' Heaven's PoV Pabagsak kong inihiga ang sarili ko sa kama. Grabe talaga sa kakulitan ’tong dalawang babaeng ’to. Wala naman talaga akong balak sumama sa kanila kanina sa palasyo. But they didn't stop pestering me kaya napilitan na akong sumama. "Hayaan mo Heaven, kakausapin ko si Vlad para hayaan ka niyang makapunta sa birthday party," sabi ni Tiffany. As if naman gusto ko talagang pumunta? "No need. Pumayag man si Vlad o hindi, hindi ako pupunta." Sabi ko. "Eh pero bakit?" "I have my own business that time." Nagtaklub na ako ng kumot at nahiga. Nag-usap pa silang dalawa pero ako ay nakatulog na. Kinabukasan, mukha namang normal ang lahat. Sabay-sabay kaming pumasok sa cafeteria para mag-almusal. Ngunit ’yung alucards at si Fire, may mga sariling pagkain. Sina