Chapter 1

1053 Words
Kumuyom ang kamao ni Danreb kasabay ng paggalaw ng magkabila niyang panga. Hindi niya matanggap ang nakasaad sa resulta ng test. Hindi siya baog gaya ng nakasulat sa kapirasong papel na 'yon. Napayakap naman sa kaniya si Aika, ang asawa niya. Limang taon na silang kasal at umaasa na bibiyaan sila ng kahit isang sanggol man lang. Pero ang matagal nilang paghihintay ay nauwi sa wala nang malaman nila ang resulta ng test kay Danreb. "We can seek another doctor for a second opinion, mahal." Nakayakap si Aika sa asawa. Sumungaw ang luha sa mga mata niya subalit agad niya iyong pinunasan dahil ayaw niyang makahalata si Danreb. Walang kasing sakit ang pakiramdam ni Aika sa kaalamang kahit kailan ay hindi na matutupad ang pangarap niya na maging isang ganap na babae. Hindi sila magkakaroon ng anak ni Danreb, not unless kung mag-ampon sila na ayaw namang gawin ng huli. Gusto kasi nito ay sarili nilang laman at dugo ang batang palalakihin nila kung sakali. "That's bullsh*t!" sigaw ni Danreb saka tumayo at sinuntok ang sementadong pader ng kanilang bahay. Agad na dumugo ang kabila nitong kamao pero hindi pa rin tumigil sa pagsuntok sa matigas na pader. "Tama na, mahal," saway ni Aika saka niyakap ito mula sa likod. "May paraan pa." Hinarap niya si Aika. Dumaloy ang luha sa mga mata niya. "Paraan? Nahihibang ka na ba? Wala ng paraan, Aika. Baog ako at kahit kailan ay hindi ako magkakaroon ng anak kagaya ng mga kapatid ko." Isinandal niya ang likod sa pader. Mayamaya ay padausos siyang napaupo at sinapo ang ulo gamit ang dalawang palad. Napahagulgol siya. "Mahal," alo ni Aika. Lumuhod siya at niyakap si Danreb. Maging siya ay nagulat sa resulta ng test. "Hindi ako naniniwala sa resulta na 'yon." "Ilang taon na tayong kasal, Jessica," nanggigipuspos na saad ni Danreb matapos ang ilang minuto. Nakaupo pa rin ito at nakasandal ang likod sa pader. "Pero ni minsan ay hindi ka nagbuntis. Sapat na iyong palatandaan na wala nga akong kakayahang magkaroon ng anak." Napailing-iling si Aika. "Tao lang ang may gawa ng test na 'yon. Hindi sila Diyos para paniwalaan natin." Pinunasan ni Danreb ang mga luha sa mata gamit ang kanang palad at mapait na nagsalita, "Bakit ako pa? Mabuting lalaki naman ako, responsable at wala akong nilokong babae." "Danreb mahal..." "Bakit si Kuya Nolan na kaliwa't kanan ang mga babae, ay biniyayaan ng anak? Si Kuya Aris na walang trabaho ay sampu na ang anak kahit hirap na hirap sila sa buhay? Ako, tayo na may mga trabaho pareho at kayang magpalaki ng bata ay bakit hindi mabiyayaan ng anak? Unfair talaga ang buhay." Hindi na nagsalita pa si Aika. Dama niya ang sakit na pinagdadaanan ng asawa. Parang gumuho ang kaniyang mundo dahil sa kapirasong papel na iyon. Makalipas ang ilang araw ay napapansin niya ang pagiging tahimik ni Danreb. Oo, pumapasok ito sa trabaho, pero pagdating sa bahay ay palaging nakatulala at alak ang kaharap. Minsan ay iniimbita pa nito ang mga kabarkada na uminom hanggang umabot ng madaling araw. Napapailing na lang si Aika, pero hindi naman niya mapagsabihan ang asawa. Alam niya kasi na ang pag-inom nito ng alak ang tanging makapagpapalubag sa bigat na dinadala nito sa dibdib. Kilala niya ang asawa at napapansin niya na tila nawalan ito ng tiwala sa sarili. Na wala itong silbi. "Baka puwede mag-leave muna tayo sa trabaho, mahal," masiglang wika ni Aika isang umaga. Parehas silang sales representative sa isang kilalang hardware store sa bansa. Regular sa trabaho, ngunit magkaiba sila ng branch na pinapasukan. Pitong taon na silang empleyado ng nasabing hardware. Doon sila nagkakilala at nagkaibigan hanggang sa ipinasya nilang magpakasal matapos ang tatlong taon ng pagiging magkasintahan. Sa loob ng mga panahon na iyon ay sobra nilang minahal ang isa't isa. Nagkakatampuhan sila na agad namang nagagawan ng paraan. "Simula kasi nang ikasal tayo ay hindi na natin nakuha pang magbakasyon. Masyado tayong tutok sa trabaho. Baka puwede kahit isang linggo, mahal. Umuwi tayo sa probinsiya. Tiyak kong matutuwa sina mama at papa." Umiling si Danreb nang maalala ang sariling mga magulang. "Kukulitin lang nila ako kung bakit hanggang ngayon ay wala pa tayong anak." Ibinaba nito ang hawak na tasa saka sumandal sa upuan. "Limang taon, mahal," saad nito matapos bumuntong-hininga. "Limang taon na nila akong kinukulit na bigyan sila ng apo." "Ay sus!" tugon ni Aika saka tumawa para maging magaan ang tensiyon na kanina pa bumabalot sa kanilang dalawa. "Para 'yon lang. Sabihin natin na naghihintay tayo ng tamang panahon. Na nagpaplano tayo at hindi basta-basta magbubuntis nang walang ipon. Alam mo na, mahirap ang buhay ngayon. Ang mahal kaya ng bigas." "Remember na hindi tayo bumibili ng bigas." Inabot Danreb ang isang plato na puno ng sinangag at nilagyan ang sariling plato. "Pinapadalhan tayo ng bigas ng mga magulang ko." Totoo iyon. Hindi sila namomroblema pagdating sa bigas dahil malawak ang palayan ng mga magulang ni Danreb sa probinsiya. Simula ng ikasal sila ay ni minsan ay hindi sila bumili ng bigas. "Well..." Nawalan na ng irarason si Aika. Nag-aalala siya sa asawa. Tila nawalan na ito ng ganang mabuhay. Palagi na lang matamlay. Mabuti na lang sa field na ito naka-assign at hindi mismo sa store. Installer si Danreb ng shower set, water heater at kung anu-ano pa na ibenebenta sa store. Kapag may customer sila na nakaririwasa sa buhay ay malaki ang tip na binibigay sa kaniya kaya malaki ang naiipon nilang mag-asawa. Katunayan, sa limang taon nilang pagsasama ay nakabili na sila ng bahay na may dalawang palapag. Fully furnished na rin iyon at isa na lang talaga ang kulang sa buhay nila—sanggol na magdadala ng apelyido ni Danreb. "Alis na ako, mahal," wika si Aika matapos mag-almusal. Mamayang hapon pa kasi ang pasok ni Danreb at ayaw na niyang magpahatid dito. May hangover pa kasi ito dahil madaling araw na natapos ang inuman session. At dahil walang tricycle na dumadaan ay naglakad si Aika palabas ng subdibisyon. Doon na lang siya mag-aabang ng sasakyan tutal maaga pa naman. Limang minuto ring lakaran iyon at exercise na rin para sa kaniya. "Jessica?" saad ng isang lalaki kay Aika habang naghihintay ng masasakyan ang huli. Nangunot ang kaniyang noo, subalit agad din siyang napangiti nang mapagsino ang lalaking tumawag sa kaniya. "James?"

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD