Kapag nagmahal ka ba kailangang mahalin ka rin?
Kapag sinaktan kaba kailangang saktan mo rin?
Kapag nakita mo ba siya na masaya sa piling ng iba magiging masaya ka rin ba para sa kanya?
Ano ka martir?
Di na uso yon noh!
Para akong lutang habang na nunuod ng tv sa aking kuwarto, di sinasadyang paglipat ko ng channel ay mapasadahan ko ang isang variety show na special guest sina Jeff at Chloe at pino-promote ang kanilang pelikula.
Ano pa at nakaramdam na naman ako ng kirot sa aking puso.
Wala na kami ni Jeff but I can't get him out of my system, maraming mga bagay na nagpapaalala sa akin sa kanya.
Alam kong kailangan ko na siyang kalimutan para naman maging maayos na rin ang buhay ko, habang ako ay nagmumukmok dahil sa sama ng loob siya naman ay kitang kita kong masayang-masaya.
Kaya naman pinatay ko na lang ang tv, nawalan na ako ng ganang manuod.
Tama si Moira ipapahinga ko na aking puso. Simula sa araw na ito hindi na ako maiinlove. Siguro tamang kalimutan ko na ang salitang Pag-ibig, pati ang mga lalaki kakalimutan ko na, kaya ko namang mabuhay ng wala sila. Ngayong single na naman ako mas marami na akong time para sa sarili ko. Hindi ko dapat hayaang maging miserable ako habang buhay.
Nabuo ang isang desisyon.
OPERATION TOTAL MAKEOVER
First Stop: Sa optical shop para magpasukat ng salamin. Dahil hindi naman na 20/20 ang vision ko dinadaan ko lang sa contact lense na may grado ang mata ko dahil ayokong mag suot ng reading glasses kapag ako'y nasa labas feeling ko kasi ang lakas makatanda pero ngayon parang feel ko ng magsuot ng salamin sa mata. Kaya naman nagpasadya ako ng geek glasses.
Second Stop: Sa dentist para magpalagay ng braces up and down.
Hindi bilang pang porma dahil mas pinili ko yung makapal para medyo umumbok ang nguso ko, at shocks ang mahal pala nun. Gosh! naubos yung naipon ko buhat sa aking mga allowance.
Third Stop: Sa parlor para ipakulot ang mahaba, makintab at straight na straight kong buhok. Kaya maalsa na siya ngayon feeling ko tuloy parang lumaki ang ulo ko.
Yes, you got it right dear!
Kung lahat sila nagpapa make over para gumanda ibahin ninyo ako, nag total make over ako para pumangit.
Ilang araw ko na ring di pinapaayos ang mga kilay ko kaya naman kumapal na ito at nawala na sa tamang korte.
Ako mismo nagulat ng makumpleto ko na ang aking misyon at ng ako ay humarap na sa salamin para makita ko ang naging out come.
O-to the- M- to the G- as in OMG.
Ibang -iba na talaga ang itsura ko ngayon.
Hindi ko na talaga makilala ang aking sarili.
This is exactly what I wanted to happen.
New look, new life, new me.
From now on wala na ang Maxine na crush ng bayan, Maxine na Ex ng mga Campus Personalities.
I'm a Geek Chic now and my main objective is for me to be not identified.
Gusto ko lang manahimik yun yon.
The Beautiful Maxine doesn't exist anymore, nawala na siya kasama ng isang pangako.
Pangako na kakalimutan na ang mga lalaki at ang salitang PAG-IBIG.
~
"Excuse me miss hindi kami nangangailangan ng bagong katulong, sa iba ka na lang mag-apply." Mataray sabi ni Ate Sally ng ako'y mag doorbell at pag buksan niya ng pinto.
Nangunot ang noo ko sa sinabi nito, lumingon ako sa kaliwa, sa kanan at ganun din sa aking likuran ngunit wala namang ibang tao kung hindi kaming dalawa lang.
Ako ba talaga ang kausap nito o baka meron itong nakikita na hindi ko nakikita.
Gosh, Di kaya may katabi akong multo?
Bigla tuloy nagtayuan ang aking balahibo.
"Ako ba ang kausap mo Ate Sally?" Tanong ko dito na itinuro ko pa ang aking sarili, lumabas kasi ako kaninang umaga para kuhanin ang pinagawa kong salamin at ganun din ipinakabit ko na ang aking braces pagkatapos nun dumiretso na akong parlor para magpakulot.
Nanlaki ang mga mata nito.
"Kilala mo ko? Budol-budol ka noh!
Matagal mo na ako sigurong minaman manan. Pwes matalino to uy! Di niyo ako maiisahan. Des haws es prutikted by SESETEVE (CCTV) kaya kung may gagawin kang kalokohan, madali kang makikilala ng mga pulis."Lintanya nito, pinagmukhang matapang ang sarili.
" Ate Sally puro ka kalokohan, ako ito si Maxine, papasukin mo na nga ako at nangangawit ng mga paa ko." Reklamo ko dito at itinulak ko ng bahagya ang pinto upang ako ay makapasok.
Dirediretso ako sa sala at pabagsak na umupo sa mahabang sofa.
Nakasunod naman ito sa akin.
Manghang-mangha ang itsura nito.
Maya'y lumapit sa akin at hinawakan ang magkabilang pisngi ko ibiniling pa ito sa kaliwa at kanan.
"Maxine, ikaw ba talaga yan? Anong nangyari sayo?"
"Ako nga ito Ate Sally, wala naman, gusto ko lang ng new look. Bagay ba?" Nakangiting tanong ko.
Sunod-sunod ang iling nito.
"Hinde, Ang pangit mo na!"
"Ouch, Sakit nun ah!" Umarte pa akong kunwa'y nasasaktan.
Maya'y may naalala ako.
" Ate yung mga picture ko nga pala na naka display dito sa bahay itago mo na sa bodega." Utos ko dito.
"Hah!" Takang nasabi lang nito.
"Basta sundin mo na lang yung sinabi ko, okay."
"Sige akyat muna ako sa kuwarto ko matutulog muna ako, pakigising na lang ako kapag dumating na si Mommy." Hindi ko na inantay na sumagot ito tumayo na ako at lumakad paakyat sa second floor ng aming bahay kung saan nandoon ang aking kwarto.
~
"Don't take this wrong anak, I am just concern, why don't you consult a psychiatrist, this past few days lagi ka lang nakakulong sa kuwarto mo madalas nakikita kitang umiiyak and now pag uwi ko galing trabaho sinabi ni Sally na nag iba ka na daw. Anak if you have a problem don't hesitate to tell me I'm always here to listen." May pag aalala sa boses ni Mommy.
Pagdating galing trabaho ay dumiretso agad ito sa aking kuwarto hindi na nga nito nagawang magpalit pa ng damit.
Makailang beses pa itong bumuntunghininga.
"Mom, I'm okay, I know what I'm doing just trust me okay, Its for the better, believe me." I gave her the assurance.
"Anak you're the only one I have, please don't make this hard for me, maging open ka naman sa akin kahit minsan." Lumapit siya sa akin then she sat on the edge of my bed, she even caress me, enough to make me feel better.
"I'm sorry Mom, It's just that I don't want to give you worries. I'll be okay soon, broken hearted lang ako but I'll fixed things right, hayaan mo lang ako sa ganito." Yumakap ako sa kaniya, kahit busy ito sa trabaho hindi naman ito nawawalan ng time para sa akin and I am very thankful dahil kahit wala na si Dad, Mom stood up for us, hindi kami naghihirap she's a good provider and now I want to give back her sacrifices for me.
"Okay, I don't know what's the reason behind that transformation but If that whats you want, I'll support you." Then she smiled at me.
"Whatever you looks like, you're always be beautiful Maxine because you have a good heart anak and I love you so much." She gave me a hug and kissed my forehead.
Hindi ko alam kung anong naghihintay sa akin sa bagong ako.
Pero ito na siguro yung tamang gagawin ko.
I'll stick on my decision and I'm willing to take the risk.