Habang hinihintay kong dumating sina Mommy at Tito David minabuti kong pumunta sa kusina para tumulong kina Ate Sally at Manang Choleng sa pagluluto ng hapunan, ang sarap nga ng kuwentuhan namin, kahit ayaw naman nilang makialam pa ako sa pagluluto sa kapipilit ko ay hinayaan na lang nila akong magbalat ng patatas. Hindi ko mapigilang mapanganga ng pumasok si Lucas sa kusina, para naman akong nabatubalani sa kagwapuhan nitong bihis na bihis at napaka bango. Sinundan ko siya ng tingin na diretsong lumakad papunta sa ref para kumuha ng malamig na tubig na maiinom. "Ouuuchhhh!" Hiyaw ko ng hindi ko namalayan na daliri ko na pala ang aking nahiwa. "Ohhhh, What happened?" Si Lucas na nakalapit na pala sa akin. Nagkalat ang dugo ko sa chopping board, mangiyak-ngiyak na ako sa kirot. Kundi k