Chapter One Campus Personalities Of Furukawa University

1205 Words
Ito na yata ang pinakamalungkot na araw para kay Maxine limang box na ng tissue paper ang kaniyang nauubos dahil sa maghapong kaiiyak ngunit hindi pa rin gumagaan ang kaniyang pakiramdam dahil sa ikaapat na pagkakataon siya si Maxine Mae Lee ay isa nanamang bigo ng dahil sa letseng pag-ibig. Pag-ibig na binibigyan siya nang lakas pag-asa at insiparasyon sa buhay, paulit-ulit siyang nasasaktan ngunit paulit-ulit pa din siyang nagmamahal, ang babaeng walang kadala-dala. Nag mahal, nangarap, umasa at nasaktan. *Flashback* Kaninang umaga habang masayang naghahanda para pumasok sa eskuwelahan hindi pa lubos na naayos ang kanyang sarili ay bigla na lang tumunog ang kanyang cellphone na nakapatong sa kaniyang kama. Excited na kinuha iyon at mas lalo pang nadagdagan ang excitement ng mapagsino ang tumatawg, walang iba kung hindi ang kaniyang nobyo na si Jeff. "We need to talk!" Ang sabi nito sa kabilang linya sa tono ng pananalita alam mong seryoso ito. "Ha- Why? Is there any problem?" Takang tanong niya dito. Ang ipinagtataka pa niya ay hindi man lang siya nagawang batiin muna, straight to the point agad. "Meet me at the cafeteria after class." Yun lang at pinatay na nito ang telepono. Sasagot pa sana si Maxine ng mapagtantong wala na sa linya ang kaniyang kausap. Problema nun? Naguguluhan man sa sinabi ng nobyo ay isinawalang bahala lang niya iyon. Kibit balikat na lumabas ng kaniyang silid. "Anak hindi ka na ba mag aalmusal?" Tanong ng kaniyang ina nang sadyain niya ito sa kusina upang magpaalam. "Hindi na Mom. Sa school na lang ako mag be-brakefast male-late na po ako eh, sige bye Mom I need to go." Nagmamadaling humalik ito sa pisngi ng ina. ~ Ako si Maxine Mae Lee third year college sa Furukawa University taking up tourism. Sikat ako. Why? Na inlove lang naman sa akin ang mga sikat na Campus Personalities sa school namin. First Ivan Policarpio- My first boyfriend sikat sa campus dahil sa pagiging matalino he was born to be a leader ika nga dahil halos lahat ng clubs ay siya ang presidente, deans lister at idagdag pang guwapong-guwapo talaga ito. Honestly speaking walang ligawang nangyari bigla na lang naging kami at hindi namin pinag-usapan. The feeling is mutual he likes me and I like him. Sineryoso ko naman siya actually first boyfriend ko yun eh, isa pa talaga namang minahal ko siya bukod sa sweet siya sa akin he's a good influence too, kaso bigla na lang akong iniwan, nawala na lang na parang bula ni ha - ni ho, wala. Wala man lang pasabi, nag drop out sa school. Hanggang ngayon clueless pa rin ako kung nasaang lupalop siya ng mundo naroroon. Iniyakan ko yun ng sobra. Wala naman kaming formal break up. Oh my gosh! di nga rin pala pormal na naging kami so anong habol ko? Wala. Nganga. Dinaan ko nalang sa iyak almost 8 months din kami ng mokong na yun eh. Second Matt Jimenez- The heart rob. Sikat sa campus dahil star player ng basketball, all time MVP, he have the guts and the looks ang dami ko ngang kaaway eh, actually lagi akong napapa-away ng dahil sa kanya. Well nanligaw siya sakin almost one month and consistent, like the typical na panliligaw nagbibigay ng chocolates flowers hatid sundo sa school. Actually he treated me like a princess and I like the feeling ang haba ng hair ko diba? Kaso isang araw kinausap niya ako telling me na hindi niya daw ako totoong mahal napagkatuwaan lang daw nila akong magbabarkada na pagpustahan. Pakshet sila! Ang sama nila ang sakit kaya sobrang sakit. Lalo na't kumalat sa campus that our relationship was all lie. Third Patrick Coonie- Sounds imported diba? Well he's a half Filipino, half American. Sikat sa campus dahil bukod sa guwapo anak mayaman pa ito. Ang kaniyang Daddy ay may ari ng mga high rise condominium sa New York. Naramdaman ko minahal niya talaga ako, lahat ng gusto ko ibinibigay niya kahit nga hindi ko gusto basta gusto niya para sa akin bibilhin niya, he pampered me all the time. Kaso may di kanais-nais na pangyayari, isang napakasamang balita, may nabuntis itong babae. Ang sabi niya lasing daw siya nung nangyari yun at isang beses lang daw at hindi siya sure kung sa kanya talaga ang ipinagbubuntis nito. Yes, kami pa pero nagagawa niyang makipag flirt sa iba, ang sakit diba? Wala akong nagawa kung hindi i- let go siya ginusto niya yun eh, It was a shot gun wedding, anak ba naman ng general ang nabuntisan niya good luck sa kaniya! Iyak galore na naman ang lola niyo, wala eh mahaba nga hair ko kaya lang hindi pala sapat iyon. Pero okay na rin nosebleed eh. Sunod-sunod na kabiguan ng dahil sa pag-ibig ngunit hindi talaga ako nadadala hanggang dumating sa buhay ko ang boyfriend ko ngayon ang pang apat kong boyfriend. Fourth Jeff Escarlon- The Superstar. Sikat sa school kasi naman isa siyang artista. Anong say niyo, ang ganda ng lola niyo diba? Ligawan ba naman ako ng sikat na sikat na teen actor. Well sakit lang sa ulo yung mga fans lagi akong bina- bash but I get used to it, three months na kami eh and still going. Habang iniisip ko ang mga bagay na yan siyempre naman wag niyong sabihing puro pag boboyfriend lang ang inaatupag ko sa eskuwelahan. FYI nag aaral ako ng mabuti at ang mga boys, they are just my inspiration. Kaso yung mga inspiration na yan bakit para bang naging frustration na lang? ~ Pagpasok ko palang sa campus lahat ng makasalubong ko binabati ako. Sensiya na sikat eh! "Hi Maxine!" Girl 1 "Hi!" Nakangiting sagot ko. "Beautiful as always." Boy 1 "Thanks. " Flattered naman ako. "Max join ka sa club namin kailangan namin ng muse." Miyembro ng Cheering Squad. Haller.. feeling close Max talaga, Wheew. "Okay, pag iisipan ko muna." Sagot ko Nang makarating ako sa aming class room sinalubong agad ako ng aking kaibigan na si Moira. " Kanina pa kita inaantay bruha ka!" A pa nito, hindi pako nakaka upo natawag na agad akong bruha, samantalang kanina lang puro compliment ang natatanggap ko buhat sa aming mga schoolmates, pero pagdating talaga sa best friend kong ito napaka harsh niya sa akin. Lagi nalang ipinamumukha ang mga kagagahan ko sa buhay. Aminado naman ako duon. Sabagay best friend ko nga eh, gusto niya lang itama ang mga pagkakamali ko. Mahal ko naman siya, four years ko ng bestfriend yan eh. "Ano na naman?" Kunot noong tanong ko. "Nagbasa ka na ba or nanuod ka ba ng news today?" Tanong pa nito. "Hindi pa. Why?" "Well, laman lang naman ng news ang bf mo, trending topic bruha!" Naguguluhang tumingin ako dito. "And whats with the news?" Tanong ko. Saglit na tumigil ito at tumingin sa akin. "Are you sure you want to hear this?" Nag-aalangang tanong nito. Tumango lang ako. Curious talaga akong malaman. "Then ready your self." Ang sabi pa nito. " Go, Wag mo na kong bitinin! My ears are on you kanina pa." Iritadong sabi ko. Okay badtrip natigil ang usapan namin kasi dumating na ang professor namin para sa first subject. Haisst.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD