"Totoo ba yung sinabi mo na lilipat na kayo ng bahay?" Ulit tanong ni Moira sa akin kasasabi ko lang na lilipat na kami ng bahay inulit na naman. "Oo nga sabi." " So, saan kayo titira?" "Sa New Haven Executive Village." Napanganga si Moira sa narinig. " Friend ang yaman naman ng napangasawa ng Mommy mo mga Mansiones ang bahay dun diba?" "Ganun ba?" Hindi interesadong nasabi ko. "Oh, bakit next month pa kayo lilipat?" "Ipapa-renovate pa daw kasi yung masters bed room pati yung magiging kwarto ko ipapabago din." "Wow, Maxine donya ka na!" "He. he.he! Si Mommy lang ang donya sabit lang ako." _ Vacant period namin, nasa school grounds kami nakaupo sa bench sa lilim ng malaking puno, paborito naming tambayan ni Moira, mahangin kasi dito. "Pumapasok na nga pala si Jeff." Pag iiba n