Pagbaba ko ay may hindi pamilyar na lalaki akong nakita sa sala komportableng -kumportable ito sa pag kakaupo mukhang madalas na ito sa mansyon, may itsura ito masasabi kong gwapo, moreno at mukhang anak maya man. Naka uniporme ito ng katulad kay Lucas. Bigla itong napatingin sa akin ng maramdaman ang presensiya ko sabay ngiti. "Maxine right?" Ang sabi nito mabilis na tumayo at lumapit sa akin itinaas ang kanang kamay upang makipag shake hands. Alanganing tinanggap ko ang kamay nito. "My name is Diego, Diego Monteclaro, best friend ni Lucas, dyan lang ako nakatira sa tapat." Ang sabi nito sabay turo sa labas. "Ah, ok!" Matipid na sagot ko. "Papasok ka na?" Tanong pa nito. "Yes." Matipid na sagot ko uli. "Hahaha! Ang tipid mo namang mag salita." Ang sabi nito . Nag smirk ako dito.