Abot-abot ang aking kaba ng nasa harap na ako sa cafeteria na malapit lang sa aming paaralan. Uwian na nuon at pinauna ko ng umuwi si Moira. Hindi ko alam kung gaano na ako katagal nakatayo sa harapan ng salaming pinto medyo nagulat pa ako ng bigla nalang mag vibrate ang cellphone ko na nakalagay sa aking bulsa.
Alumpihit na kinuha ko iyon at nang buksan ko ay may text galing sa aking nobyong si Jeff.
[ How many hours do u want me to wait?/ I have lotz of commitments/We need to talk/It's now or never]
With matching imoticons na galit.
"Gosh!" Totoo yata ang naiisip ko kanina.
Lalo tuloy akong kinabahan, wala naman na akong choice, kaya naman itinulak ko ang salaming pinto upang ako'y makapasok.
Palinga-linga ang aking mga mata sa paligid hanggang sa magawi ang mga ito sa pinaka dulong parte ng cafeteria.
Si Jeff nakaupo as usual naka disguise na naman naka shades at jacket na may hoody. Ngunit ganun pa man nakilala ko kaagad ito.
Kaya naman mabilis ang mga hakbang na lumakad ako sa direksyon niya.
"Take a sit!" Ang sabi nito ng makita akong nakatayo lang at nakatingin sa kanya. Itinuro pa nito ang katapat na upuan table for two ang inokupa nito.
Di pa rin ako natinag sa kinatatayuan.
Kaya naman nangunot ang noo nito.
"Damn, Max what took you so long?" Singhal niya, medyo napalakas ang boses dahilan upang mapalingon ang iba sa direksyon namin.
Napakislot ako at waring natauhan kaya naman hinatak ko palabas ang bangko mula sa lamesa upang ako ay makaupo.
"I'm sorry I'm late!" Bungad bati ko dito.
"Let's call it quit Maxine!." Ang sabi nito sa akin.
Ano daw?! Nabibingi naba ako o sadyang di lang nag sink in sa utak ko ang sinabi niya.
" What?" Tanong ko dito kahit alam ko na kung anong ibig sabihin nuon gusto ko lang siguraduhin na tama ba talagang pag kakaintindi ko.
*sigh*
"I'm breaking up with you!" Sagot nito.
Parang bombang sumabog sa pandinig ko ang mga sinabi niyang iyon.
Bakit ba ganito ang lalaking ito?
Laging straight to the point.
Grabe siya!
Parang napaka simple lang sa kanya ang mga binitawang salita.
"Ba-bakit may nagawa ba kong mali para makipag hiwalay ka sa akin ng ganyan kadali?" Naguguluhang tanong ko.
Pinipigil kong huwag pumatak ang namumuong luha sa gilid ng aking mga mata.
Bwisit huwag kang babagsak, huwag muna ngayon please lang!
Take it easy Maxine hindi ito ang unang beses na nangyari saiyo ang ganitong senaryo, dejavu, okay. Paulit -ulit na lang eh dapat masanay kana.
Pigilan mong luha mo mas lalo ka lang magmumukhang kawawa sa harap niya.
Kaya naman huminga muna ako ng malalim at buo ang loob na tumingin ako dito.
"I think I deserve an explanation
Mr. Escarlon." Ang sabi ko.
Saglit itong natahimik.
"The management ask me to do so.
Makakasira daw sa career ko at sa love team namin ni Chloe kung ipagpapatuloy ko pa ang relasyon ko sayo, marami pa kaming project na naka line up together." Paliwanag niya.
Sa sinabi nito, alam ko ng mas pinili niya ang kaniyang career kaysa sa akin.
So whats the use of arguing kung nakapagdesisyon na naman pala siya.
Tumango tango ako.
"I understand." Ang sabi ko iniwasan kong huwag gumaralgal ang aking boses, I tried to stay calm.
"But before I leave I just want to ask you a question? No need for further explanation, just answer me yes or no." Gusto ko lang marinig ang totoo mula sa kaniyang bibig mismo.
" Is it true that you're courting Chloe?"
Sandaling katahimikan
"Yes!" Maya'y sagot nito.
"Bu___." Magsasalita pa sana ito
but I cut him off.
" Enough, that is all I wanna here from you."
At pagkatapos nuon ay dali-dali akong tumayo at walang lingon likod na iniwan ko si Jeff sa cafeteriang iyon dahil ano mang oras ay magsisimula ng pumatak ang aking mga luha mga luha na kanina ko pa pilit pinipigilang umalpas.
Kasabay ng pagpatak ng aking mga luha ay siya ring pagpatak ng ulan pero parang wala ako sa sariling naglalakad sa gitna ng ulanan, hindi ko alintana na ako'y nababasa na basta dirediretso lang ang aking paglalakad, bahala na kung saan ako dalhin ng aking mga paa.
Lahat ng madaanan ko ay nakatingin sa akin pero wala akong pakialam kung anong isipin nila.
Ang sakit eh, ano bang ginawa ko nung past life ko at ganito na lang ang nangyayari sa akin ngayon?
Sadyang ipinanganak ba kong malas?
Lahat na lang ng lalaking mahalin ko iniiwan din ako.
Katulad na lang ni Daddy ten years old palang ako ng mamatay siya sa car accident yun yung pinakamasakit na naramdaman ko kahit ngayon kapag naalala ko siya nasasaktan parin ako.
Miss na kita Dad!
Kung nandito ka lang sa tabi ko ngayon sa mga ganitong pagkakataon sa buhay ko alam kong ico-comfort mo ako isang salita mo lang ngingiti na ako tapos mag jo-joke ka talagang tatawa na ako ng sobra at yun ang magpapagaan ng kalooban ko.
Bakit ba hindi mo pa ko isinama Dad?
Habang naglalakbay ang aking isip sa kawalan, bakit parang hindi ko na nararamdaman ang ulan?
Manhid na ba talaga ako?
Nang idilat ko ang aking mga mata na saglit kong ipinikit dahil nahihilam na sa luha at tubig ulan ay di pamilyar na lalaki ang nasilayan ko nakangiti ito sa akin ngunit may pag-aalala naman sa mukha nito.
"Miss baka magkasakit ka niyan." Ang sabi nito sa akin kaya naman pala di na ako nababasa ay dahil pinapayungan na ako nito.
"Ano bang naisip mo at sumugod ka sa ulanan?" Tanong pa nito .
Napakurap ang mga mata ko maya'y kinusot kusot ko pa ito.
Nanaginip ba ako?
Nang may sunod -sunod na busina akong narinig sabay kaming napalingon ng estrangherong lalaki sa pinanggalingan ng nakaka- iritang tunog, nagmula ito sa dilaw at mamahaling sports car maya'y bumukas ang bintana niyon at sumungaw mula sa shot gun seat ang mukha ng maganda at tisay na babae.
"Hey honey, let's go, leave that stupid girl alone!" Inis na sigaw nito.
Ako stupid?
Ako bang tinutukoy ng tisay na yun?
"Chill babe." Masuyong sabi ng estrangherong lalaki at kinindatan pa ito.
"Miss sayo na lang itong payong ko."
Ang sabi nito at pagkatapos ay hinubad ang suot na jacket at ipinatong sa magkabila kong balikat.
"Take good care, okay. " Hiyaw nito habang tumatakbo sa ulanan upang makalapit sa dilaw na sasakyan, umupo ito sa driver seat, bumusina muna bago mabilis na pinaharurot iyon.
Napaka bango ng jacket at ng sipatin ko ito at makita ang tatak. Bahagya akong nagulat.
Mamahalin ito ah, imported sa tantiya ko hindi bababa sa Php 20,000 ang halaga nito.
Bakit niya basta na lang iniwan yung mamahaling jacket sa akin?
Nature niya na ba ang pagiging matulungin? O sadyang mayaman at walang halaga sa kanya yun.
Mas pinili kong paniwalaan na lang yung huli kong naisip.
Dahil hindi na ako pwedeng sumakay ng jip sa sobrang kabasaan kaya nag taxi na lang ako pauwi ng aming bahay.
Alas singko pa lang naman kaya wala pa si mommy ng dumating ako.
Ang aming kasambahay na si Ate Sally ang nagbukas ng pinto. Gulat na gulat pa ito ng makita ako.
"Ay, anong nangyari sayo Maxine? Naku! Magagalit ang Mommy mo niyan bakit basang-basa ka eh, may dala ka namang payong at jacket." Ang sabi nito habang ang mata'y nakatingin sa jacket at payong na bibit ko na bigay ng estrangherong lalaki.
Oo nga naman, magtatanong talaga ito kung pano akong nabasa kung may payong at jacket naman akong dala.
Sa huli'y di na lang ako umimik.
"Hala umakyat ka agad sa kuwarto mo at maligo, dadalhan kita ng mainit na tsokolate at sandwich." Pagtataboy nito sa akin.
Tumango lang ako dito at dire diretso na kong naglakad paakyat sa aking kuwarto.