bc

The policeman I love

book_age18+
442
FOLLOW
4.3K
READ
stepfather
mystery
like
intro-logo
Blurb

Nagkrus ang landas nina Melissa at Timothy sa isang hindi magandang pagkakataon. Pulis si Timothy siya ang humawak sa kaso ng kapatid ni Melissa. Nang gabing damputin ito ng mga pulis hindi pumayag ang dalaga na pumirma sa statement ang kapatid dahil hindi naman nito naiintindihan ang binabasa at illegal ang pagdampot dahil wala namang warrant of arrest. Nang matitigan ng malapitan ng pulis si Melissa nakaramdam siya ng paghanga dahil sa ipinakitang tapang nito nang harapin sila ng mag-iisa at kakaibang atraksyon sa suot nitong ternong pantulog na short na kulay pula. For the second time, twisted fate brings them closer...

Looking at her crying and devastated by her breakup. Tim withheld his intention, dinamayan niya ang dalaga. Nang naghilom ang sugat sa puso nito, balak na niyang suyuin si Melissa. But Max returned, and he was determined to win back her love. Timothy's hopes were shattered when he saw Max kneeling before Melissa, bowed down on one knee.

Kaninong pangalan ang una niyang tatawagin? Sa lalaking nagpakita ng tunay na pag-ibig sa kanya na walang hinihinging kapalit o sa dating nobyo? Kanino mapupunta ang pusong minsan ng nasaktan? Magpapaubaya ba ang tunay na nagmamahal para sa kaligayahan ng babaeng kaya niyang ipagsanggalang?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1 THE CASE
Pahiga na sana si Melissa ng gabing yun, naglagay na siya ng moisturizer sa mukha nang marinig niya ang malakas na katok sa pinto na parang natataranta. “Tok!tok!tok!” agad siyang tumayo sa kama at nagmamadaling binuksan ito bumungad ang kanyang may edad na ina bakas ang pag-aalala sa mukha nito. “Melissa, nasa ibaba si Tere…..dinampot daw ng pulis ang kapatid mo!” ninenerbiyos na sabi nito. “Ano po?!! Ano raw ang kaso?” hindi na nag-atubiling magpalit ng damit si Melissa nakaternong pangtulog siya, short at sleeveless na pang-itaas, binilisan niya ang pagbaba. Inabutan ang hipag na parang wala sa sarili at ang pamangkin na babae na noo’y tatlong taong gulang pa lamang. “Dinampot si Allan ng pulis at baranggay…patulog na kami, rape daw!” naghahalo na ang sipon at luha ng hipag, mas lalo siyang naawa sa kalagayan ng pamangkin na dapat sana ay natutulog na ng mga oras na ito. “Sino ang nagkaso?” tanong niya dito. Nag-atubiling magsalita ito, tumingin muna sa biyenang babae. “Si kuya Toto….yung anak niyang labing limang taon ”. Napahawak sa ulo si Melissa, hindi niya alam kanino magagalit o maiinis mula ng makasal ang kapatid dito lagi na lang silang naeeskandalo, pero ito na ang pinakamatindi. Napakunot siya ng noo, hindi nakapag-aral ang kapatid baka samantalahin ng iba ang kamangmangan nito. Iniwan muna nila ang pamangkin sa tiyahin at pumunta sa police station. Sa tanang buhay niya noon lang siya napasok sa lugar na iyon may pinturang puti at asul sa labas, dalawang palapag ito, mataas ng limang baitang kahit 1st floor pa lang mula sa kalsada. Pagpasok pa lang ay makikita na ang receiving station, sa gawing kanan naman nito nandoroon din ang tatlong kulungan hiwalay ang babae at lalaki, bakante ang pangatlo. Sa kaliwa ang investigation room na de-salamin ang bintana. Sa ikalawang palapag naman ang opisina ng hepe at quarter ng mga pulis. Pagdating doon ay ang dami ng tao sa labas, hindi nga siya nagkamali dahil heto na at sapilitang pinapipirma sa statement ang kapatid na hindi naman naiintindihan ang binabasa. Kunot ang noong lumapit siya. Nagkakanda-iyak ang kapatid. “Inang…Amang…baka pwedeng pag-usapan na lang natin ito!!” Nakadaop ang palad nito animo’y dinadasalan ang mga biyenan. Maya-maya naman ay tumingin sa bayaw at bilas tigas na pakiusap….“Kuya wala akong ginawang masama kay Tet..! parang awa nyo na, pag-usapan na lang natin ito! Aregluhin na lang natin!!!”. Sukat pagkarinig ng salitang “Areglo” ay lumapit si Melissa sa kapatid. “Bakit ka nakikiusap ng areglo sa mga iyan may ginawa ka bang masama?!” nanggigigil na tanong nito sa kapatid. Sabay-sabay na tumingin ang mga nakapaligid dito sa kanya. Inikot niya ang ang mga mata sa mga pulis, dalawang dito ay may edad na, isa na mukhang bagito pa lang at isang pulis na tantiya niya’y nasa edad trenta. Itong pulis na nasa edad trenta ang nakapwesto malapit sa kanyang kapatid. Nagtama ang tingin nila. “Pirmahan mo na iyan Allan, para matapos na ito!” sabi ng may-edad na pulis. Naiiling si Melissa, pinapipirma sa isang statement na hindi niya naiitindihan at lalong walang abogadong kaharap. “Subukan mong pirmahan iyan at ngayon pa lang sinasabi ko sa iyong pababayaan kitang mabulok diyan!” napatingin ang kapatid sa kanya, rumehistro ang takot sa mata. Mas matanda ito sa kanya pero ang isip nito ay kapiraso lang, lumaking iresponsable at manginginom kaya kahit may pamilya na ay sa kanila pang mag-ina inaasa ang kabuhayan nila. Siya bilang nakatapos ng kursong Edukasyon ay walang magawa dahil inaalala niya ang kalagayan ng ina. Maagang naghiwalay ang kanilang mga magulang, sa kanilang dalawa ito ang nagtatapang-tapangan lang pero mahina ang loob sa problema. “Pag hindi kayo nakipag-cooperate sa amin, tutuluyan namin ito!!” nagbabanta ang malakas na tinig ng pulis na nasa edad trenta sabay tutok ng baril dito, lalong umiyak ang kapatid. Napatitig dito si Melissa “Go ahead…!! Any person is innocent unless he’s proven guilty, pulis ka at alam mo yan!!.... hinuli nyo ng walang warrant tapos pinipilit ninyong pumirma sa statement na hindi niya naiintindihan!” malakas at matigas na rin ang boses ni Melissa. Abot-abot na ang kahihiyan nila noong mga oras na yaon,ang bahay nila ay nasa likod lang ng munisipyo, dito na sila lumaki at nagkaisip. Hindi sila mayaman pero pinalaki sila nang maayos ng kanilang pamilya. Walang luhang lumabas kay Melissa ng mga oras na yaon. Manapa ay galit sa pamilya ng kanyang hipag. Ilang segundo ring lumaban ng titigan si Melissa sa pulis inilibot muli ang tingin sa mga nandoroon. Bahagyang nanahimik ang lahat dahil sa kanyang sinabi. Namagitan ang kapitan ng Baranggay. “Ito po’y trabaho lang at walang personalan….nagkasala po ang kapatid nyo”. Tiningnan ito ni Melissa “Talaga ba? Napatunayan mo na? May ebidensya kayo….pinamediko legal ninyo na ba ang bata?!” Hindi nakakibo ang Kapitan. Mabigat na talaga ang dugo ni Melissa sa pamilya ng hipag, lagi silang nasasangkot sa eskandalo pati Kapitan ng Baranggay minsan ay kunsintidor pa. “Hindi ninyo pwedeng pagtagalin dito sa kulungan ang kapatid ko kung walang legal na pagbabasehan” matigas na sagot ni Melissa. Nang mga oras na yun ay nasulyapan niya ang biyenan ng kanyang kapatid na kinakausap naman ang kanyang ina.”Mare, paaminin mo na lang si Allan para matapos na..” sabi ng kabalaeng ng ina. Sumulyap ito sa kanya, umiling siya. Ilang saglit pa ay lumabas sila sa investigation room. Nanghihinang napaupo si Melissa, tanaw na tanaw niya sa bintang de salamin ang galawan sa loob. Ang pulis na nakasigawan naman ni Melissa ay nakatingin sa kanya ng mga oras na yaon, ngayon lang siya nakatagpo ng babaeng kasingtapang nito at nilecturan pa sila tungkol sa karapatan ng akusado, aaminin niyang kanina ay napipilan siya dahil tama ang sinabi nito. Hanggang balikat ang buhok, bahagyang singkit ang mata, makinis ang pisngi, katamtaman lang ang hugis ng ilong sa suot nitong pantulog na ternong kulay pula, kitang-kita ang kaputian at kakinisan ng balat nito. Nang magsalita ito kanina ay lumitaw ang dalawang biloy nito sa pisngi. Nakatayo siya malapit sa kinauupuan ng babae. Nang matitigan niya ito ng malapitan nakaramdam na siya ng atraksyon. Samantala naramdaman ni Melissa ang titig ng pulis sa kanya. Tinapunan niya ito ng tingin, medyo kalmado na siya. Nang mga oras na yaon nasa kapatid ang atensyon sya, malalagay sila sa bingit ng alanganin pag umamin ito sa kasalanan na hindi dumaraan sa tamang proseso. “Kung wala siyang kasalanan, mapapatunayan iyan” narinig ni Melissang nagsalita ang pulis na katabi niya. Napatawa lang siya ng pagak “halos kanina ipinagduldulan mo na tutuluyan nyo kapag hindi nakipag-cooperate, ngayon sasabihin mo sa akin yan!” inis na sagot niya. Bahagyang yumuko ang pulis “humihingi ako ng pasensya sa nangyari kanina sa loob. Itong pamilya ng biktima pumunta nitong hapon sa amin may dalang resulta na ang nakalagay ay may infection ng bata sa ari niya..tapos dumating din ang Kapitan nila kaya naikasa ang operation” nahihiyang sagot nito. Tiningnan lang siya ni Melissa, naluha siya nang bahagya. Iniisip niya ang mga taong para nanonood lang ng shooting sa labas. “Tingnan mo sir…. iyang mga tao sa labas na iyan ano na lang ang sasabihin nila sa amin?! Malaking kahihiyan ang ginawa nila, nagpadampot sila ng tao kahit na walang sapat na ebidensya” naghihimutok na sagot ni Melissa. Hindi na nagsalita ang pulis, alam niya kaninang may mali sa gagawin pero nag-iiiyak ang ina ng biktima. Ilang saglit pa ay lumabas na ang detective sa kaso. Ipinakilala nito ang sarili sa kanya. “Ako po si Police Detective Louie Mariano at siya naman po si Police Leutenant Timothy Sandoval sabay turo sa pulis na noo’y kausap ni Melissa. Inilahad nito ang kamay, tinanggap naman ito ni Melissa pagdating kay Timothy Sandoval ay bahagya silang napapitlag dahil naramdaman niya ang pagpisil nito agad siyang nagbawi ng kamay. “Ako po si Melissa at siya naman po ang mama namin Ka Alice po kung tawagin dito… gusto kong ipamedico legal ang bata bukas” diretsong tingin ni Melissa sa imbestigador. Nagkatinginan ang dalawang pulis, nahalata nilang hindi basta-basta ang kaharap nila. “Opo ma’am ganoon po ang gagawin namin, aantayin lang po muna nating mag-umaga, saka po tayo tatawag sa Malolos para magpa-sked ng medico legal, malapit lang po iyon sa BSU.” Bahagyang tumango ang dalaga. “Paano ang kapatid ko?” tanong niya sa dalawang pulis, “Ma’am hayaan muna po natin dito ang kapatid nyo, mas safe po siya dito kasi baka mamaya abangan siya ng pamilya nung biktima eh…hindi po natin masasabi!” napaisip si Melissa, may punto ang pulis kinausap niya ang ina at pumayag naman sila. Kinausap nila ang hipag at kapatid, binilinan niya na wag pipirma kahit ano sabihin ng mga pulis. Paglabas ng police station ay nandoroon din sa labas ang police na si Timothy. “Ihahatid ko na kayo ng patrol” offer nito sa mag-ina. Mabilis na tumanggi si Melissa “Wag na taga-rito kami diyan lang sa likod ng munisipyo ang bahay namin!” Sinundan ng tingin ng pulis ang itinuro ng dalaga. Bahagyang nangiti… “O, sige kahit ihatid ko na lang kayo paglakad, medyo madilim na rin” nakangiti nang sabi nito. Noon lang napagmasdan ni Melissa ang pulis, matangkad ito 5’4 siya, mukhang 5’7 naman ito, pangahan, army cut ang buhok, maskuladong tingnan, moreno ang kulay, kaayusan ang hugis ng mata hindi masyadong singkit, matangos ang ilong. Hindi mo sasabihin napakagwapo pero iba ang dating sa kanya kapag nakakakita ng uniformed personnel, palibahasa’y dating sundalo ang lolo kaya na hindi niya maiwasang hindi humanga. Hindi na tumanggi ang mag-ina, tahimik lang silang naglalakad. Bago maghiwalay ay kinuha nito ang number niya para madali raw makontak, ibinigay naman ito ni Melissa. Naunang pumasok ang ina sa tarangkahan. Pinagmasdan naman ni Timothy ang tirahan ng mag-ina, may kalumaan na ang bahay duda niya’y bahay matanda ito, dahil ganito ang itsura ng bahay ng kanyang lolo sa Cavite. “Bye Melissa!” kumaway ang pulis matapos ihatid ang mag-ina, bahagya lang tumango ang dalaga.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Bedroom Series 1: IKAPITONG LANGIT (Rated SPG/ R18+)

read
83.2K
bc

BAD MOUTH-SSPG

read
12.6K
bc

I'M HIS SEX SLAVE

read
5.5K
bc

Devirginizing My Hot Boss

read
108.3K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
309.8K
bc

The CEO’s Nerd Secretary

read
48.7K
bc

The Real About My Husband

read
32.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook