1

2445 Words
1   PILA-PILA ang mga lalaking manginginom sa harap ng isang maliit na mesita sa may labas ng gate ng simbahan dahil may gumigiling na tao, gumigiling at humahataw sa pagsayaw kahit walang radyo. “Sasakyan kita, sa lahat ng gusto mo…” umaktong nangangabayo si Macy kaya halos malaglag ang mga mata ng mga lalaki sa harapan niya. “Sasakyan kita…basta sasakyan…mo rin ako. Kung gusto mo ng kiss, kiskis mo sa kaldero,” umindak siya na parang miyembro ng Viva Hot Babes noong panahon. Naghalakhakan ang mga lalaki sa kanya. “Kung gusto mo ng hug, jujumbagan kita…” napatigil siya sa pagsayaw at nameywang. “Ano na?! Pagod na ako kaya magsibili na kayo ng balot!” inis na angil na niya kaya naman naglabasan na ng mga tigbe-bente ang halos nasa trentang lalaki na nakapila sa harap niya. Macy grins devilishly. Isa siyang babae na pinalaki sa loob ng simbahan pero ang kalokohan niya ay hindi matatawaran. Halos makatrentang ulit na napapaantanda ng krus ang mga madre kapag nakikita siyang nakadamit na labas halos ang singit at naka-display ang may kayamanang dibdib. Pero ganoon na siya at hindi naman niya sinusukat ang dangal niya bilang babae sa paraan ng kanyang pananamit. “Akin na ang bayad at bibigyan ko kayo ng itlog para maging tatlo na ang itlog niyo.” Humagikhik pa siya pero agad na natutop ang bibig nang sa pagpihit niya ay ama na niya ang nakatayo sa kanyang tabi. “Father! Magandang gabi po.” Bati ng mga lalaki kay Jesu pero masama ang tingin nito sa mga iyon. “Ilang taon na ba kayo at ilang taon na ang batang ito? Aba, kayo ang nakakatanda, at bakit parang tuwang-tuwa naman kayo na binabastos ng isang inosenteng desi nueve anyos?” litanya na kaaagad nito sa mga lalaki tapos ay tumingin sa kanya. “Pumasok ka na, Crisanta at huwag na huwag kang lalabas na hindi nakasaya. Akin na at ako ang mamimigay ng itlog sa kanila.” Sermon din nito sa kanya kaya nanulis ang kanyang nguso. Dadalawa naman ang itlog nito, paano naman na ipamimigay pa ay di wala ng natira pa? “Eh Pa—” Pinandilatan siya nito ng mga mata. “Pasok na kung ayaw mong sa kauna-unahang pagkakataon ay matulog ka na mag-isa sa kwarto.” Napapapiksi siyang tumalikod. Abang sungit naman talaga ng kanyang Papa father. “Ang nguso.” Paalala niyon sa kanya kaya naitago niya ang mga labi. “Puro ka kalokohan.” Hmp! Nagmartsa siya papasok sa bakuran ng simbahan at dumiretso sa kanilang tinutuluyan. Tumuloy siya sa kwarto at binilang ang benta niya sa balot. Bukas ay Sabado kaya sa palengke na naman siya raratsada para makaipon siya ng pangmatrikula. Finals na nila at dapat ay makalikom na siya ng nasa apat na libo pa. Pagkatapos niyon ay on the job training na at lilipad na siya sa himpapawid. Nahihiya na kasi siyang humingi nang humingi sa kanyang ama-amahan dahil wala na nga halos makuha sa sponsors nila dahil dumami na ang mga batang nagsisipag-aral. Kahit naman puno ng kalokohan ang katawan niya at kabulastugan ang laman ng bibig, matino naman ang isip niya at hindi siya madamot. Kaya na naman niyang kumita ng pera kaya siya na ang maghahanap-buhay para iyong ibibigay sa kanya ng simbahan ay sa ibang bata na lang. At nakakatulong naman ang pagiging maloko niya dahil napakarami niyang kaibigan at halos lahat yata ng tao sa buong Forbes ay kilala siya kaya lahat ng raket na pasukin niya ay hindi siya nasi-zero sa costumer. Kinuha ni Macy ang kanyang alkansya sa kanyang damitan at itinaktak ang lahat ng laman niyon sa kama. May limampiso, sampu, bente at isang daan. Binilang niya iyon kasama ang tubo niya sa balot at umabot na sa 1,500. Kulang pa siya ng nasa 2,500 para maka-full p*****t na siya sa tuition. “Bukas, 2,500 ka na!” duro niya sa mamisong barya. Ganoon siyang mag-isip, positibo. Noong bata pa siya ay may nabasa siya sa library ng simbahan na ang isip ng tao ay napakamakapangyarihan. Kaya nga may telekinetic ability ang ibang tao ay dahil ganoon kahusay ang utak ng mga iyon, kaya kung mag-iisip siya ng negative ay malamang na mga negatibong bagay talaga ang mahatak niya. Tumunog ang bisagra ng pintuan kaya agad niyang nadapaan ang mga barya. “Walang kukupit!” “Anong kukupit?” sagot ng Papa niya kaya agad siyang napatihaya. “Isara ang hita, Ctisanta. Dalaga ka na at hindi ka na bata. Saka ano iyang dinadapaan mo?” anito na pinunasan ang pawis sa noo at inilagay sa basket ang face towel. “Kayamanan ko, Pa.” Ngisi niya pero umiling ito. “Ang tunay na yaman ng tao ay hindi pera kung hindi mga tunay na kaibigan, mabuting asal at malinis na kalooban.” “Amen.” Aniya na iwinagayway ang mga kamay sa ere at tumingala na parang tanga kaya pinukol na naman siya nito ng masamang tingin. “Ang mata, Pa nakakasunog ng kaluluwa.” Biro naman niya saka siya humagikhik at inumpisang itago ang mga pera. Natahimik ang matandang pari ilang saglit bago nagsalita ulit. “Kailangan mo ba ng pera, anak?” malumanay na tanong na nito sa kanya. “Oo, Pa. Exam na next, next week at kailangan kong makaipon ng 4k para makapag-exam ako. Lilipad na ako, Pa, pagkatapos no’n.” masayang balita niya sa ama na kahit ngumiti ay nakita niya ang lungkot sa mga mata. “O, ayaw mo bang lumipad ako? Hindi ba iyon ang pangarap mo para sa akin? Una, sabi mo mag-madre ako, sabi ko hindi ako tatanggapin sa kumbento dahil ako ang magpapauso ng mga madreng naka-nighties sa gabi at naka-panty sa umaga. Pangalawa, sabi mo mag-teacher ako. Sabi ko naman, babatuhin ko ng blackboard ang estudyante ko. Pangatlo, sabi mo maging nurse ako. Sabi ko naman ay papatayin ko ang pasyente kapag matigas ang ulo. Sabi mo, mag stewardess ako, sabi ko gusto ko. Bakit ka malungkot? Sa himpapawid lang naman ako Papa lilipad, hindi naman papunta langit.” Ngisi niya rito. “Ikaw lalong lumala ang kalokohan mo ha. Tapos parang nagsasalita ka pa ng bastos. Nananamit ka pa ng ganyan. Pinanluluwaan na ng mga mata iyong mga lalaki sa labas at hindi na rin ako magtataka kung iba ang nararamdaman nila. Ayoko na magahasa ka. Ilang beses ko bang sasabihin na dalaga ka na? Hindi na ikaw iyong bata na naglalakad sa kalagitnaan ng misa na hubo at hubad habang umiiyak dahil hinahanap ako.” Tumalikod ito at may kinalkal sa aparador. Sumimangot si Macy. Eh anong magagawa niya ay doon siya kumportable? Alangan naman na magsutana siya para maitago ang mga yamang-tao na ibinigay sa kanya ng Diyos. Proud siya sa kung ano siya at tropa naman niya ang lahat kaya hindi siya tatalunin ng mga iyon. Frankly saying, she’s more than a typical kind of teenager. Napakaganda niya, nag-aagaw ang brown at puti ang kulay ng balat niya pero ubod ng kinis, magaganda ang mga mata, ang ilong at ang labi. Ang kulay ng kanyang buhok ay natural na parang namumula na nagba-brown, tuwid na tuwid at hindi na kailangan ng rebond. Noong bata siya ay parang noodles sa pagkakulot ang buhok niya pero nagbago habang lumalaki siya, at ang kulay ng mga mata niya ay light brown. Nang lumaki siya ay kasabay na lumaki ang kanyang dibdib na mas malaki kaysa sa normal pero proportion sa balakang niya at sa maliit na baywang. Sabi ng mga kaibigan niya ay mukha raw siyang kalahi ni JLo at ni Thalia. Nakikita rin niya iyon kapag humaharap siya sa salamin kaya napapaisip siya na baka isang Latino ang ama niya o baka ang kanyang ina. Pero hindi na iyon mahalaga dahil ang ama niya ay ang pari na umaruga at nagmahal sa kanya simula noon pa kahit na hindi naman siya kaano-ano. “O heto, idagdag mo na riyan ha.” Napatingin siya nang pumihit si Jesu at iniaabot sa kanya ang limandaang piso. “A-Ano ‘yan, Pa?” kukurap-kurap siya. Ewan ba niya kung bakit sa tuwing binibigyan siya ay labis-labis ang hiya niya pero noon kapag kinukupitan niya ito ay masayang-masaya pa siya. “Iniabot ito sa akin ng isang nagsisimba noong nakaraang linggo. Gagamitin ko sana na pampa-check up ko pero ikaw na muna ang gumamit.”  Lumapit ito sa kanya at isisiksik sana sa butas ng alkansya ang perang papel pero tinakpan niya iyon. “Ayoko. Hindi ko ‘yan kukunin. Baka kapag hindi ka nakapag-pacheckup ay mamatay ka. Paano na ako kapag ganoon? Wala ng magmamahal sa akin at wala na akong Papa.” Nagpakailing-iling siya at niyakap ito sa tiyan. Ito ang kaisa-isang kahinaan niya sa mundo, at simula nang malaman niyang bata siyang ulila at ito ang umaruga sa kanya at nagpapalit ng lampin noong baby pa siya, nangako siya na hindi niya ito iiwan kahit na anong mangyari. At palagi na una sa listahan ng kanyang dasal ay ang pahabain pa ng Diyos ang buhay ng kanyang Papa Jesu, kasi kahit na maraming pari ang itinuturing niyang ama, iba ang pagtingin niya sa lalaking nagpalaki sa kanya at ni minsan ay hindi siya minaltrato kahit na napakakulit niya at pasaway. Kahit na may kasungitan ito madalas, ramdam niya ang pagmamahal nito at ito ang pinakaperpektong halimbawa ng kasabihan na hindi dahil at laging kinagagalitan ng magulang ay hindi na mahal. Naiintindihan niya na kapakanan niya ang iniisip nito kaya hindi naman sumasama ang kanyang loob. “Crisanta…” anito na sinimangutan niya. “Macy nga. Ang pangit naman ng Crisanta.” Ingos niya kaya natawa na lang ito sa kanya. Ito lang yata sa lahat ng tao sa mundo ang tinatawag siya sa tunay na pangalan. “Basta Crisanta ang gusto ko, walang pakialaman.” Anaman ni Jesu na ikinahagikhik niya. Nahahawa niya talaga ito kung minsan sa mga pananalita niya, which she finds cooler. Her Papa Jesu is old at his age of 56 but they’re like best of friends. Open ito sa mga events sa eskwelahan at ito ang humihikayat sa kanya na magsuot ng cocktail dress at mga gown. Binabantayan siya nito kapag may ball sa University at kapag inaantok na siya ay ito ang nagtutulak sa kanya na sumayaw sa bulwagan para raw hindi siya antukin. Macy can say that she enjoyed her childhood days and there’s no regret. She feels that she never missed anything because her father gave her all the freedom to enjoy her life, be bold and explore on her own, guiding her, having her back, and when she falls down, father Jesu always lifts her up. “Hindi mo dapat katakutan ang pagkawala ko. Naalala mo ba ang sabi sa Bibliya? Anong sabi sa Matteo 6:25-34?” Sinilip nito ang mukha niya kaya nag-isip siya. “Buod na lang ha. Sabi doon, bakit kailangang mag-alala ang tao sa kung ano ang kakainin o susuotin. ‘Di nga ba ang mga ibon sa langit ay pinakakain ng Amang nasa langit kahit na hindi naman sila nag-iimbak ng pagkain, paano pa ako na mas importante sa mga ibon?” sagot naman niya. “Tama. Bakit ka mag-aalala na mawala ako kung hindi ka naman pababayaan ng Diyos?” “Eh!” Inis na pumiksi siya at mas lalo itong niyakap kahit na hindi na halos niya mayapos nang buo dahil napakalaking lalaki nito. “Basta. Ayoko na mamatay ka. Di ba nga sabi rin, nasa Diyos ang awa at nasa tao ang gawa. Paano niya ako kaaawaan kung kukunin ko pa ang pampa-checkup mo? Magagalit sa akin si Papa Jesus at mas lalo niya akong hindi bibigyan. Bukas magtitinda naman ako ng bulaklak. Nag-order sa akin si Mrs. Granfil dahil namatay ang kuko niya. O 500 kaagad iyon, 250 ang kita ko kaya itago mo na ‘yan.” Aniya rito kaya natawa ito sa kanya. “Kaya ba hindi kita mapalo-palo kahit noon pa dahil kahit ubod ka ng kulit, napakabait at lambing mo. Bukod doon, napakapilosopo. Ni minsan yata hindi pa ako nanalo sa iyo sa rasunan. Sana pala nag-abogado ka na lang.” hinagod-hagod ni Jesu ang likod ng ulo niya at masuyo siyang hinalikan sa ulo. “Ay ayoko, Pa. Ayoko na magsinungaling dahil hindi ako mapupunta sa langit. Ayoko na may kliyente na lumapit sa akin at kailangan kong ipagsinungaling at ipagtanggol sila kahit na ang totoo ay makasalanan naman. Dito na lang tayo sa stewardess kahit hindi ako marunong mag-ingles. Okay na ako rito.” Tumayo siya at saka itinago ang alkansya sa kanyang damitan. “Basta ipa-checkup mo na ‘yan ha kasi kapag mayaman na ako, ipapaopera na kita sa puso para maalis ang mga tartar mo sa ugat.” She giggled. “Anong tartar? Sa ngipin iyon.” Takang tanong nito kay Macy kaya lalo siyang tumawa. “Cholesterol iyon kapag sa puso. Parehas din iyon, nanigas na pagkain kaya naging malasemento na nakadikit sa ngipin tapos sa ugat sa puso. O di ba matakaw ka sa litson kapag may bisita, ayan nagka-tartar ka.” Asar pa niya rito kaya naitikom ni Jesu ang mga labi at ngali-ngali yata siyang hambalusin na naman. “Lalo akong aatakihin sa kulit mo.” Anito saka nahiga sa kama kaya naman tumabi na siya at pinakayakap-yakap ito nang mahigpit. “Basta ha, walang iwanan. Pangako ko ‘yan at hihintayin mo muna ang operasyon para hindi mo ako iiwan. Pakiusapan mo muna ang puso mo na huwag aatakihin para may magmamahal pa sa akin.” Naluluhang isiniksik niya ang mukha sa may kilikili ng ama-amahan. “Maraming magmamahal sa iyo kahit wala na ako. Mabait kang bata kahit maloko ka.” “Ayoko nga kasi. Basta dito ka lang at di mo ako iiwan.” Lumuha na siya. Alam kasi niya na ingatan ang kundisyon ng Papa niya. Noong nakaraang taon pa ito sinabihan ng duktor na dapat ay magpa-opera para tanggalin ang mga bumabarang plaque sa ugat papunta sa puso na hindi na kayang tunawin pa ng gamot kaya lang ay wala naman silang pera at hindi rin naman ganoon kalaki ang pwedeng maibigay ng simbahan para sa gastusin sa operasyon at sa medikasyon. Kaya nga kahit na ang simpleng pangmatrikula ay siya na ang gumagawa ng paraan para makabawas na po-problemahin nito. “Dasal na muna at huwag ng umiyak. Pakikusapan ko na ang puso ko para hindi ka na malungkot.” Alog nito sa kanya kaya pinahid niya ang luha saka siya bumangon para magdasal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD