5
“PAPA! PAPA!” humahangos na hinila ni Macy ang kanyang ama papasok sa maliit ng bahay sa gilid ng simbahan.
Naghahanda na iyon sa pagmisa pero siya ay nakuha pang kulitin ang ama-amahan na walang nagawa kung hindi ang sumunod papasok.
“Ano ba at bakit huling-huli ka na? Magbestida na at maghanda. Amoy kang araw.” Anito na sumimangot matapos siyang matitigan.
“Papa, magkukumpisal ako.” Tutop niya ang dibdib habang sinisenyasan si Rosalinda na pumasok na sa loob at ihanda ang keyboard na tutugtugin niyon.
“Ah mamaya na.” ani Jesu saka tumalikod pero hinila niya ang estola nito kaya napilitan itong pumihit.
“Crisanta ha.” Banta nito sa kanya.
“Papa, hindi na ako virgin!” inis na sabi niya rito na ikinapatda nitong totoo.
Napanganga si Jesu at kulang ang salitang mukhang babawian na ito ng hiram na buhay dahil sa narinig mula sa kanya.
Nang makabawi ay kaagad na nanigas ang mga panga nito at luminga sa paligid, tapos ay hinila siya papasok sa kumbento.
“Hesus patawarin. S-Sino? B-Bakit? P-Paano? S-Saan? Saan Crisanta, anak? Saan? Sa hotel? Sino ang inggrato at sasamain sa akin? Ulitin mo. Sabihin mong hindi.” Inalog siya nito at parang naiiyak ito na hinaplos ang mukha niya.
“Hindi na ako virgin, Pa.” Naiiyak na pinahid niya ang mga mata pero syempre ay kalokohan lang iyon, kalokohan na kalahati ay totoo dahil hindi na talaga birhen ang mga mata niya.
Sabi nga sa bibliya ay kung makasalanan ang mata, mabuti pang dukutin na. Pero paano niya dudukutin? Sayang naman kasi maganda ang mata niya at regalo iyon ng Diyos.
“Hesus…” Usal nito at saka tumingala sa kisame. “Sinong inggrato ang lumapastangan sa iyo? Sino sa mga kostumer mo? Ginahasa ka ba? Papatay ako Crisanta kahit ako’y pari.” Hinaklit nito ang kanyang siko at inalog.
“Patawarin ka ni Papa Jesus. Masama ang pumatay.” Balik niya sa ama-amahan pero umiling ito at sinipat ang mga binti niya.
“Pa, nakakita na ako ng t**i kaya hindi na ako virgin!” pakli niya kaya lalo itong napatanga.
“N-Nakakita…l-lang o n-nakatikim?” anito kapagkuwan.
Siya naman ang nangunot ang noo. “Anong tikim? Tinitikman ba iyon, Papa?” takang tanong niya kaya nagpakailing-iling ito at namutla pa yata sa tingin niya.
“Ah, h-hindi, hindi mahal ko. A-anong anong sabi mo? Nakakita ka lang? Hindi ka inano ng t**i? H-Hindi ka ba ginahasa?”
Lumabi siya at sumimangot. Masarap kaya ang t**i? Tanong niya sa sarili.
Tinitikman pala iyon. Ngayon lang niya nalaman. Sa susunod titikman niya. Malaki pa naman iyon at mukhang nakakabusog kasi mataba. May malaking ulo sa dulo na mukhang ulo ng lollipop. May bubblegum din yata iyon sa loob, malagkit at masarap.
“Crisanta! Tinatanong kita!” untag sa kanya ni Jesu kaya napakurap-kurap ang dalaga.
“Hindi Pa. Tumakbo ako. Kasalanan bang mortal iyon na makakita ako bukod sa sa’yo na mukhang nilukot na talong? Iyong sa iyo pang-torta na. Iyong sa kanya mukhang kapipitas lang sa sanga.”
“Patawarin ka ng ina mo.” Parang inis na naitirik nito ang mga mata at nahawakan ang dibdib. “Namintas ka pa.” bulong nito kaya naitago niya ang hagikhik.
“Pa…” hinawakan niya ito sa tiyan at hinila-hila ang sotana. “Iyon insensaryo, pausukan mo ako kasi baka landiin ako ng t**i na nakita ko. Baka bumusa ang mata ko at hindi ako makatulog.” Parang batang iingos-ingos siya habang kinukulit ang ama na sinenyasan ng isang sakristan na magsisimula na ang misa.
“Diyos ko, anak. Kapag nilandi ka ng t**i ay hindi mata ang bubusa kung hindi ang tiyan mo. M-Mamaya, pauusukan kita. Huwag mo ng isipin iyon ha at kalimutan mo hangga’t maaari. Hindi maganda na palagi mo iyong maisip lalo pa at napakainosente mo pa. Makinig ka sa sermon ko at magdasal ka. Kaninong t**i ba ang nakita mo, anak ko?”
“Doon sa anak ni Doña Margarita.”
“Ano?!” nanlaki na naman ang mga mata nito. “K-Kay Enriel? Kay Eco? Alangan naman na kay Enrico? Kulubot na rin iyon kapag kay Enrico.”
Umiling siya at tumingala sa ama. “Doon sa Hendrickson daw. Pumasok ako sa kwarto kasi hinatid ko iyong vase ng mga bulaklak. Nakabuyangyang pala iyong gwapong lalaki sa harap ng salamin.”
“Gwapo? Alam mo na kung paano makakita ng gwapo?!” Parang hihimatayin na naman ito.
“Natural Pa, hindi ako bulag. Ikaw nga nakikita kong mukhang litson sa pagkataba.” Irap niya pero humalakhak ito at gigil na niyakap siya.
“Susko. Hamo at kakausapin ko ha. Sasabihin ko na huwag ka ng pahahatirin ng bulaklak sa loob ng kwarto. Ang alam ko ay nasa America iyon, umuwi pala.”
“Papa… baka hindi na sila umorder ng bulaklak kapag ganoon. Baka ma-offend sila. Binigyan ako ni Doña Marga ng 2k kaya 1,450 rito ang sa akin. Buo na iyong pang-exam ko. Kapag na-offend sila, wala na akong kita.” Nag-aalalang sabi niya rito pero itinikal siya ni Jesu at hinaplos ang mga pisngi.
“Kahit kailan hindi mo dapat na panghinayangan ang isang bagay na mawala kapalit ng katahimikan mo. The fact that you’re bothered by that…private part of Hendrick’s body means you’re not at peace. Ang pera makukuha mo pero ang kapanatagan ng loob ay hindi mabibili ng pera, anak. Huwag kang mahiya dahil hindi ko naman sasabihin na galit ako. Sasabihin ko ay nangumpisal ka at nag-aalala na isang mortal iyong kasalanan. It’s for her son to be wiser next time and more responsible, hiding what he must hide underneath his pants. Not all women are like the women he beds and he should not forget that there are still innocent women that surround him, and that includes you.” Pangaral nito sa kanya kaya lumabi siya habang tumatango.
“Ang laki tapos pink, Pa.” aniya pa.
“Hesus ko.” Tinakpan nito ang bibig niya at hinalikan siya sa noo. “Kalimutan na para patawarin ka ng Diyos. Magbihis na at kakanta ka pa. Mamaya tayo mag-uusap ulit ha.” Anito kaya mabilis na siyang tumalikod at nagmamadaling tumakbo pabalik sa bisekleta niya para kunin muna ang mga prutas.
Habang nagbibihis siya ay hindi talaga mawaglit sa isip niya ang kanyang nakita. Ni sa litrato o magasin man ay hindi pa siya nakakita ng ganoon. Kaya nga sa eskwelahan ay tampulan siya ng tukso dahil bagay daw siya sa kumbento para mag-madre. Siya raw si Ms. Virgin mula ulo hanggang paa. Kahit na raw medyo daring siyang manamit, hindi raw maitatago na palaki siya ng pari dahil sa mga pangaral niya sa kapwa niya estudyante at sa sobrang tino niya bilang babae na parang susobra na raw sa langit.
Marami sa kanyang gustong manligaw pero nagagalit si Rosalinda dahil lolokohin lang daw siya ng mga kaklase niya at mga seniors. Mukhang tama nga kasi kapag nagte-text sa kanya ang mga iyon ay tinatanong kung may humawak na sa s**o niya. Ang ginagawa niya ay block na kaagad ang number at mas minabuti na lang niyang huwag ng tumanggap pa ng manliligaw.
Mas naging masaya siya nang umiwas siya sa mga lalaking hindi naman pakikipagkaibigan ang habol sa kanya.
Pero ang pakiramdam niya kanina nang buhatin siya ng anak ni Doña Margarita ay iba. She felt safe. She felt being protected rather than being abused. That man is proud and brooding but such a gentleman.
Gentleman nga ba?
Nakita man niya ang hindi dapat ay hindi naman siya nabastusan kasi hindi rin naman niyon sinadya na ipakita. Siya naman ang pumasok na hindi kumakatok dahil may bitbit siya.
And his eyes…yayk ang ganda ng mata niya!
Kinikilig na natutop niya ang mga pisngi kahit nakabra at panty lang siya sa harap ng salamin. Parang mali yata ang reaksyon niya. Hindi naman siya humahanga roon. Bakit naman siya hahanga sa lalaking ang tingin niya ay ‘walking d**k’?
Napaitlag siya nang kumalembang ang kampana kaya isinuot niya kaagad ang kanyang bestida at saka kinuha ang kanyang gitara.
She always feels so excited when it’s Sunday and it’s her most favorite day of the week. Kung sa eskwelahan ay recess ang paborito niyang subject, sa isang linggo naman ay Sunday ang pinakapaborito niyang araw.
Nagkandaletse-letse man ang buhay niya dahil nabangga siya at sumemplang sa damuhan, masaya pa rin siya na nakauwi at nakita ang kanyang ama. Macy has that attitude of a girl who’s not being bothered by the failures that she gets, she always counts them as part of the upcoming blessings, and from trials comes her greatest strength, her stepping stone rather than the block of rock that hinders her way to success.
Patakbo siyang pumunta sa may pintuan ng simbahan at ang laki ng ngiti niya nang makita na hinintay pa talaga siya ng kanyang Papa para makasama sa martsa papunta sa altar.
Tinanguan siya ni Jesu at nginitian nang makita na desente siya sa suot na purple na bestida, sukbit ang gitara.
Yumakap si Macy sa braso nito at saka parang bata na ikiniskis ang pisngi niya. “I love you, Papa.”
Nakangiti naman itong pinagmasdan siya bago nag-umpisang lumakad, akay siya. “Mahal din kita, anak.”
Kitang-kita niya sa mga mata nito ang labis na pagmamahal sa kanya na alam niyang hindi matatawaran ng kanyang mga magulang na inabandona lang siya at iniwan na mag-isa.
Pero ang sabi nga ng Papa father niya ay huwag na siyang magtanim ng sama ng loob dahil sa mabuting kamay naman daw siya iniwan, at isipin niya na may dahilan ang lahat.
Pinipilit naman niya iyong tanggapin kaya lang masakit sa kalooban na sa tuwing naiisip niya ay mas mapalad pa sa kanya ang mga kuting. Binibitbit ng ina ang mga anak kahit na saan magpunta, samantalang siya ay inabandona. Katanggap-tanggap ba iyon na iiwan ang sariling anak?
Si father Jesu ang kaisa-isang patunay na hindi sa lahat ng pagkakataon ay mas matimbang ang dugo kaysa sa tubig. Parati pa rin na kabutihan ng kalooban ang nagpapausbong ng pagmamahal at hindi ang lukso ng dugo o relasyon ng dalawang tao. Hindi iyon batayan para magmahal dahil siya na wala kahit na katiting na relasyon sa kinikilala niyang ama ay minamahal siya nang higit pa sa isang tunay na anak.