Kabanata 12 Habang kumakanta si Blue sa harapan ni Katleya. Hindi niya mapigilan ang sarili na hindi tumitig sa binata. Napahawak siya sa kanyang dibdib dahil may naramdaman siyang kakaiba sa kanyang puso, sobrang bilis ng pintig nito. Kung sa isang instrumento, parang nawala na sa tono. Huminga siya nang malalim at inayos ang kanyang tayo, pagkatapos ay pinigilan na niya ang kanyang sarili. Nang matapos mag perform si Blue, kilig at husay ang tumatak sa mga manunood. Sobrang namangha sila sa binata dahil hindi nila inaasahan na magaling pala itong kumanta. "Thank you!" sigaw ni Blue. Pagbaba niya sa entablado, agad siyang sinalubong nang mahigpit na yakap ng kanyang kambal. "Ang galing mo, Asul!" anito. "Si Pula ako, 'di ba?" pagpapaalala ni Blue. "Tama pala, basta! I'm so proud o