Kabanata 22 "Hi, Teressa!" pagbati ni Red at Blue nang dumating na sila sa bahay ng lola ng dalaga. Ngayong gabi ay ang 70th birthday ng Lola ni Teressa at imbitado rito ang kambal. Nakasuot silang dalawa ng denim jacket habang may plain round t-shirt sa loob. Kulay asul kay Blue at pula naman kay Red. Sa pang-ibaba, pareho silang nakasuot ng black tattered jeans. At ang suot nilang sapatos ay docksider. Mas lalong pumogi ang dalawa dahil sa istilo ng kanilang buhok. Messy hair kasi ito na hiniling pa ni Blue. "Salamat dahil nakapunta kayo," masayang batid ni Teressa. Parang may hinanap pa ito. "Iyong iba? Sinabihan niyo ba sila? Si Katleya?" "Nahihiya ang dalawa. Pagkatapos si Kat, may dalaw," sagot ni Red. Napalingon rito si Blue habang nakangiti. Mukhang may pumasok sa madumi niton