Kabanata 3
"Psssst," pagtawag ni Red kay Blue na nakatingin sa rearview mirror ng kanyang sasakyan.
Papunta na ang dalawa sa kanilang paaralan.
"Bakit? Kung pagagalitan mo lang ako? Shut up. Kumakain pa ang guwapo," anang Blue na ngumunguya ng mamon at may hawak ng paborito niyang chuckie.
"Kung pababain kaya kita sa sasakyan?" pagbabanta ni Red. Ang talas ng tingin nito sa kambal niya.
Napakamot sa ulo si Blue nang maalala ang nangyari noon na pinababa talaga siya ng kambal niya sa gitna ng kalsada. Sinagot niya kasi ito nang pabalang.
"H-hindi na pala ako kumakain. Naalala ko na. Ano?" anito. Ngumisi ito para hindi mahalata ng kambal niya ang takot sa mukha niya.
"Saan ka galing kagabi?" malamig oa sa bangkay na tanong ni Red.
"Sa church po. Nagdadasal na sana bumait na ang kambal ko," anito.
"Hindi ako nagbibiro, Blue. Saan!" inis na sigaw ni Red na nagpagulat sa kambal niya.
"S-sa i-iisipin ko m-muna." Nauutal na ito. "Ahh! Sa bahay pala nila Green," pagsisinungaling nito.
Inihinto ni Red ang sasakyan. "Baba."
"A-ako? Bakit? Red naman, e! Mahuhuli ako. Alam mo naman na nag-aaral ako nang mabuti, 'di ba?"
"Nag-aaral nang mabuti? Tapos tres lahat ang grado? Saan ang mabuti roon? Baba," maawtoridad na utos nito.
"Kahit sabihin mo pa kay Green."
"Baba."
"Pula naman, e!"
"Iba ang sinabi ni Manong guard," anang Red.
Nagpanga-nga si Blue. Hindi niya inakala na makarating ang ginawa nila kagabi ng mga kaibigan niya sa kambal niya.
"Ano?" inis na tanong ni Red.
Napakamot ito sa ulo. "S-sinabi niya? Tsss! Wala na naman akong takas." Huminga ito nang malalim. "Oo, na... Nasa school ako kagabi. Nag s*x kami ni Selena sa field. Pinagtulungan namin siya. Ang sarap niya po, twinnie."
"Hindi ka pa ba nadala sa s*x scandal mo, Blue? Huwag mo naman ilagay muli sa kahihiyan sila Mom at Dad. Sa school niyo pa talaga ginawa ang kawalang-hiyaan niyo!? Baba."
Napabuntong hininga si Blue at binuksan ang sasakyan para lumabas. Isinara niya nang malakas ang pinto dahil sa sobrang inis. Naririndi kasi ang tenga niya sa panenermon ng butihing kapatid. Dahil hindi mapakali, bumuntong hininga ito sabay bukas muli sa pinto ng sasakyan.
"Baba mo mukha mo!" sigaw niya at isinarang muli nang napakalakas ang sasakyan.
Nagpaharurot na si Red ng takbo at iniwan ang kapatid niya. Sobrang naiinis lang siya rito dahil hindi pa rin ito nadala sa nangyari sa kanya noon noong kumalat ang s*x scandal nito. Naawa lang siya para sa magulang niya. Hindi kasi ang kambal niya ang napapahiya sa ginagawa nito kung hindi ang magulang nila. Gusto niya lang ipaintindi rito na mag-ingat siya sa mga kinikilos niya kasi nagrereplekta ito sa mga magulang nila. Pero na kaugalian na talaga ng kambal niya ang ganoong mga gawain.
•••
Nasa gilid ng kalsada si Blue at nakasimangot na naghintay ng masasakyan. May humintong puting van sa harapan niya kaya napataas ang kilay niya. Hindi ito pamilyar sa kanya kaya napaatras siya. May takot kasi ito sa van dahil sa mga nakikita niya sa palabas. Dahan-dahan siyang napaatras para tumakbo, pero pagbukas nito, nawala iyong kaba niya.
"Tinakot mo naman ako," anang Blue sabay himas sa dibdib niya.
Napangiti si Katleya. "Akala mo kikidnapin ka namin, noh?"
"Oo," sagot nito sabay kurot sa pisngi ni Katleya. "Miss M.U? Puwedeng makisakay?" hiling nito.
Dumaan na siya sa gilid ni Katleya para pumasok sa loob ng van kahit hindi pa sumagot ang dalaga sa hiling niya. Pero pagpasok niya sa loob, nandoon pala ang parents ni Katleya. Natulala ito at mukhang nahiya sa ginawa niya.
"Hi po," pahiyang bati niya sa magulang ng dalaga.
"Good morning, iho," pagbati ng ama ni Katleya na nasa front seat.
Pumasok na si Katleya sa loob ng van. "Si Blue pala, dad, mom. Schoolmate ko po."
"Hi po, ulit. Nakisakay po ako," anang Blue.
Nagsimula nang tumakbo ang sasakyan.
"It's okay. No problem," anang Mommy ni Katleya na nasa tabi nito. Nasa pagitan nilang dalawa ni Katleya ang binata ngayon.
"Bakit ka nandoon sa gilid? Hindi ka ba inihatid?" takang tanong ni Katleya.
Ngumuso ito at nag-crossed arm. "Iyong magaling kong kambal, pinababa po ako. Tss!"
"Si Red?"
"Si Pink, si Pink? Sino ba ang kambal ko? Si Red lang naman, hindi ba?" inis na sabi nito.
Napatingin ang magulang ni Katleya sa inasal ni Blue. "Mom, Dad, ganyan po talaga ang bibig niyan. Please do understand him," giit nito. Dugtong niya. "So si Red. Pero bakit?"
"E kasi, nalaman niyang nakikipagkant*tan ako kay Selena sa field ng school kagabi. Aksidente kasi kaming nakita ng guard at iyon, isinumbong niya ako sa kambal ko. Tss!"
Nanlaki ang mga mata ng ina ni Katleya dahil sa narinig. Habang ang ama nito at ang driver ay hindi napigilang humalakhak.
"W-what? Sa field?" gulat na tanong ni Katleya.
"Sa church, sa church, paulit-ulit po? Field nga. Tsss!" pagmamaktol nito. Bumuntong hininga ito at pagkatapos muling ngumuso.
Sasagot na sana ang ina ni Katleya dahil sa inasal ni Blue, pero sininyasan niya ito gamit ang kanyang mata na huwag niyang ituloy. Huminga nang malalim ang kanyang ina, para mawala ang inis sa katabi nitong binata.
"Ano pala ang sinabi ni Red sa iyo?" tanong ni Katleya.
"Hindi ka pa ba nadala sa s*x scandal mo, Blue? Huwag mo naman ilagay muli sa kahihiyan sila Mom at Dad. Sa school niyo pa talaga ginawa ang kawalang-hiyaan niyo. Baba," inis na sabi nito at ginaya pa ang boses ng kanyang kambal.
Mas lalong nanlaki ang mga mata ng ina ni Katleya sa sinabi nito at napailing-iling. Pero iyong ama niya, driver, at si Katleya ay grabe ang pagtawa.
"May s*x scandal ka, iho?" tanong ng ama ni Katleya. Hindi na niya napigilan ang sariling hindi makisali sa usapan.
"Oo. Nakita niyo na po ba, Tito? I mean, sir? Nag viral po 'yon."
"W-wait. Ikaw iyong..." Binuksan ng ama niya ang cellphone nito at mukhang may hinahanap. "Ito?"
Tumunog ang tugtog na 'twirk it like Miley' habang pine-play ng ama ni Katleya ang video.
"Oo. Iyan po!" natatawang sabi nito. "Pinalo-palo ko po sa p*wet diyan ang ex kong si Teressa."
Napayuko ang ina ni Katleya dahil hindi na niya masikmura ang ugali ni Blue.
Pinatay na ng ama ni Katleya ang cellphone nito. "So ikaw pala iyong isa sa tagapagmana ng Montenegro Inc... Pero dilikado iyong ginawa ng kambal mo, ha? Puwede kang mapahamak doon. Kilala ang pamilya niyo. Maaari kang kidnapin. Pagsabihan mo siya na 'wag na niya iyon ulitin," anang ama ni Katleya.
"Kaya nga po, Tito. Nakaiinis! Tss! Kaya noong lumabas ako mula sa sasakyan niya. Inisinara ko talaga nang napakalakas ang pinto. Pero dahil hindi ako mapakali, binalikan ko ito. At sabi ko sa kanya, baba mo mukha mo! Isinigaw ko talaga para malaman niyang galit ako," gigil na pagkuwento nito.
"Pero mas mali iyong ginawa mo. Dapat naisip mo iyon," anang ina ni Katleya dahil hindi na ito nakapagtimpi.
"Saan po ang mali roon, Tita?" nakangusong tanong ni Blue. Nag-iisip pa ito.
"Iyong ginawa mo," mabilisang sagot nito.
"Ahh. Iyong makipag-s*x po? Hindi naman masyado, e. Nagsaya lang naman kaming magbabarkada."
"W-what! Magbabarkada? Jesus," hindi makapaniwalang sabi ng ina ni Katleya.
"Yuck! Kadiri naman kayo," nandidiring sabi ni Katleya.
Tumatawa ang ama ni Katleya at ang driver nila. Hindi mapagkaila na nagustuhan ng ama nito ang ugali ni Blue dahil sa pagiging totoo nito sa sarili. Pero kabaliktaran nga lang iyon sa kanyang ina.
Tumunog ang cellphone ni Blue kaya sinagot niya ang tumatawag. "Lala," aniya sa malambing na boses. Napalingon si Katleya at ang ina nito. "Ano? Dadalawin kita riyan? Pero wala po akong sasakyan ngayon. Kinuha po kasi ni Daddy kaninang umaga ang susi. Tss! Galit na naman kasi sila sa akin. Pakisabi nga po sa anak niyo La, na hindi ko po talaga kaya na walang sasakyan. Tapos alam mo, La? Pinababa ako ni Pula sa kanyang sasakyan kanina sa gitna ng kalsada." Napabuntong hininga ito. "Paano kung may mangyari sa aking masama? Like kikidnapin po ako?" Ngumiti ito nang napakalapad. "Ano? Pagagalitan mo siya mamaya? Yehey! Ikaw na lang pupunta sa bahay namin mamaya, ah? Yes! Mwahh! I love you, Lala. Ha? Ano po? Ano'ng sinasakyan ko ngayon?" Tumingin ito kay Katleya. "Nadaanan po ako ng napakaganda kong schoolmate kaya nakisakay na lang ako. Sige na po, La. Malapit na kami sa school. Lutuan mo ako ng kare-kare mamaya, ah? Yehey! I love you ulit. Bye! W-wait. Pagalitan mo po mamaya si Pula, ah?" Lumapad muli ang ngiti nito. "Yehey! Thank you ulit. Bye." Pagbaba nito ng cellphone sa tainga niya. "Yes!" sigaw niya sa sobrang saya.
•••
Dumating na sila sa paaralan kaya bumaba na si Katleya at Blue sa sasakyan.
"Salamat po, Tita at Tito. At sa iyo rin, Manong Driver. Salamat ulit," pagpapasalamat ni Blue.
"Welcome," sagot ng ina ni Katleya nang hindi man lang lumingon sa binata.
"Goodbye, iho," anang ama ng dalaga.
"Bye Mom, Dad, Manong. Mag-ingat kayo," pagpapaalam ni Katleya.
Nang umalis ang van, nagsimula na silang maglakad papasok sa loob ng unibersidad. Nagtingan ang lahat sa kanilang dalawa. Ang iba ay mukhang kinikilig at ang iba naman, nagbubulungan.
Kasalukuyang nagsusuklay sa buhok si Katleya gamit ang kamay niya habang babad naman sa f*******: si Blue.
Inabot ni Blue ang phone niya kay Katleya na nagpahinto sa paglalakad nito.
"Para saan ito?" takang tanong ni Katleya.
"f*******: name mo. I want to be friends with you. Gusto mo naman iyon, 'di ba? Mailalakad pa kita sa kambal ko," anang Blue.
"Fine. Thank you."
In-add ni Katleya ang sarili gamit ang f*******: account ni Blue. Nang matapos, ibinalik niya ito. Pagkakita ni Blue sa Display Picture ni Katleya, napangiti ito. Naka two-piece kasi ang dalaga, makikita rito ang ganda ng hugis ng kanyang katawan at malaking hinaharap na may nunal. Napahinto siya at zinoom ang larawan upang mas makita niya ito.
"May nunal ka pala sa dibdib. Hindi ka ba magagalit na tinitingnan ko ito o kahit ibang mga tao? Hindi ka ba nababastos?"
"Nope. It depends on the people how they will deal with it. Basta para sa akin. I am happy and confident with my body."
"Good. May tanong lang ako. Is it okay?" anang Blue.
"If am I still a virgin?" nakangiting sagot ni Katleya.
Nanlaki ang mga mata ni Blue. "Paano mo nalaman?"
"Nababasa ko na kasi ang ugali mo. I know, you have a good heart despite your imperfections. If you wanted to know, yes I am."
"Wow. Hindi mo ba naiisip kung ganito iyong larawan mo. Mahuhusgahan ka ng iba? Maaring sasabihin nila na hindi na ito virgin dahil ganito, ganyan."
"Hindi naman mahalaga ang sinasabi ng iba, Blue. As long as you know who you are at alam mo sa sarili mo na wala kang tinatapakan na tao? Their assumption towards you won't matter. Dito sa mundong ito kahit ano naman ang suotin ng tao, mapa-jacket, pormal o bikini? May masasabi at masasabi pa rin 'yan."
"Wow. I like you. You are brave, loyal, and true," anang Blue. Inilahad nito ang kamay niya. "Can we be friends?"
Inabot ni Katleya ang kamay niya. "Yes. We can be friends."
Hinawakan ito ni Blue. "Nice to meet you. Pierce Blue X. Montenegro pala," pormal na pagpapakilala niya.
"And I am Katleya Yellownora Marie C. Quizo. Nice meeting you, Blue."
Binigyan nila ang isa't-isa nang matamis na ngiti at nagsimula nang maglakad papunta sa kanilang department.
~~~