Kabanata 15 "Red?" sambit ni Crezelda. May bakas ng pangamba ang mukha nito. Natatakot siyang baka narinig nito ang pinag-uusapan nila ni Dr. Silva. "Narinig ko po ang lahat," malungkot na sabi nito. Nagpupunas ng luha si Red dahil hindi siya makapaniwala sa kanyang narinig. Sobrang nasaktan siya nang malaman ang lihim na matagal ng itinago ng pamilya niya sa kanila. Nilapitan ito ni Crezelda at niyakap. "Kaya ba ganoon ang trato niyo kay Asul?" matapang na tanong ni Red. Bumuwag sa pagyakap ang ina niya. "Sorry. Iyon ang pinakamalaking pagkakamali ko sa tanang buhay ko. Iyong sinisisi ko ang inosente mong kapatid." "Bakit siya, Mom? Bakit siya po ang sinisisi niyo? Biktima rin po siya rito. Muntikan din siyang mamatay gaya nang sinabi mo." Umiiyak lang si Crezelda habang nakikinig