Kabanata 17.0 "Hindi pa pala ito nakauwi?" tanong ng binata sa kanyang sarili nang makitang nakatulog sa gilid ng sasakyan ang walang malay na si Grey. Siya iyong binata na tutulungan sana ito, ngunit nainis dahil sinagot lang siya nito nang pabalang. Madaling araw na. Tahimik na ang paligid. Kunti na lang ang mga pampasaherong sasakyan na makikita sa kalsada. Uuwi na sana siya, pero hindi niya kayang makita na nakahandusay ang binata sa gilid ng kalsada. Lumapit siya rito at inalalayan na tumayo. Inilagay niya ang kanang kamay nito sa balikat niya para alalayan ito sa paglalakad. "Sino ka? Kikidnapin mo ba ako? Ransom? No problem. We're rich," ani Grey. Lasing na lasing na ito at hindi na madilat ang kanyang mga mata. Isinakay ng lalaki si Grey sa loob ng kanyang sasakyan. "Sumakay