Kabanata 19 "Saan ang kapatid mo?" tanong ni Crezelda sa anak niyang si Red. Kasalukuyan silang nasa hagdan. May bahid na pag-aalala ang kanilang mga mukha dahil sa muntikan nang malaman ni Blue ang katotohanan. "Nandoon po sa kuwarto," sagot nito sabay tingin sa pintuan ng kanilang kuwarto. Hinawakan ni Crezelda ang kamay ng kanyang anak. "Red, magbantay ka sa labas ng inyong pintuan. Ipapaligpit muna namin lahat ng gamit na nandoon sa kuwarto na may kaugnayan sa kapatid mo." "Okay po, Mom. Pakibilisan niyo na lang po, kilala niyo naman si Blue. Hindi na iyon mapakali ngayon." "Sige, mauna na kami. Tawagan mo agad ako kung lalabas ito. Basta don't let him enter again the 5th floor." "Okay, Mom. I will." Tahimik na nagbantay si Red sa labas ng kanilang kuwarto habang ang kanyang ina