Kabanata 27 September 27, 2018 Pagkagising ni Blue, mahigpit na nakayakap sa kanya si Red habang mahimbing pa rin ito sa pagtulog. Napangiti siya nang maalala na kaarawan na pala nilang dalawa. Niyakap niya rin nang mahigpit ang kambal niya at binigyan ng halik sa noo. 'Pagkatapos, dahan-dahan na siyang gumalaw para bumangon. Nang tagumpay niya iyong magawa, kinuha niya ang kanyang gitara na nakasabit sa dingding. May balak siyang haranahin ang mahal na kapatid. Bigla niya kasing naalala ang sinabi nito noon na balang araw, tutugtugan siya nito ng walang pagrereklamo. Para kay Blue, ito na ang araw na iyon lalo pa at espesyal ito sa kanilang dalawa. Isinabit na niya ang sling ng gitara sa kanyang leeg at nagsimula na siyang magpatugtog sabay kanta. "Happy birtday to you, happy birthda