Kabanata 9 Nasa kuwarto si Blue at nagmumukmok sa higaan niya habang nakatago sa kanyang kumot. Sobrang naninibago siya sa nakabibinging katahimikan. Hindi siya sanay sa ganito, pero wala na siyang magagawa dahil ito na ang nakatadhanang mangyari sa kanya. Ang malayo siya sa piling ng pamilya niya. Bumangon siya sa kanyang higaan at pumunta muna sa balcony ng kuwarto niya. Malaya niyang tinitingnan ang mga nagagandahang ilaw na nagmula sa mga iba't ibang gusali na makikita sa kinatatayuan niya. Nang makakita ito ng pulang ilaw sa parte ng isang gusali, hindi niya namalayan na tumulo na pala ang luha niya, namiss niya ang kambal niya dahil ito ang kauna-unahang magkalayo sila. Bumalik na siya sa loob ng kuwarto at tiningnan ang phone niya. Pagkakita niya, marami na pa lang missed calls