CHAPTER 11

2021 Words
CELESTINA's POV Napangiti ako nang makitang karga-karga ni Kuya George ang aking pamangking si Heather na anak ni Kuya sa second wife nito. Mabilis na tumakbo ang aking anak na si Abigail palapit kay Kuya George nang makita nito ang uncle nito. Abigail: Good morning, Uncle George. Isang malaking ngiti ang pumaskil sa mukha ni Kuya George nang yukuin nito ang aking anak. George: Good morning, Abigail. How are you? Napagod ka ba sa biyahe papunta rito? Nandito kami ngayon ng aking anak na si Abigail sa modernized wet market na pagmamay-ari ni Kuya George at ng asawa nito. Naipangako ko kay Kuya George nang huli kaming magkita at magkausap na rito na ako mamimili ng mga isda, karne, gulay, at iba pa sa wet market nito. Kahit na mahilig ako sa mga mamahaling gamit at branded items, pagdating sa fresh foods and perishable goods ay doon ako sa affordable and, of course, dapat ay safe. Kitang-kita ko kung paanong pinananatili ni Kuya George ang food safety at food sanitation ng kanilang mga ibinibentang produkto nang magpunta ako rito noong nakaraang araw. Kaya naman ngayong araw ay nagbabalik ako sa wet market ng aking kapatid para sa aking unang araw ng pamimili rito. Nang malaman ni Abigail na rito ako pupunta sa wet market ng Uncle George nito ay agad itong nagsabi na sasama sa akin dahil gusto raw nitong makita ang uncle nito at ang pinsan nitong si Heather. Nagsabi na ako kay Kuya George kahapon na pupunta ako sa wet market nito para mamili ngayon. Kaya naman natuwa si Kuya George at sinabing dadaan ito sa wet market kahit Sabado ngayon at family day nila ng misis at anak nito. Sinabi sa akin ni Kuya George kahapon na isasama nito sa wet market nito ngayong araw ang aking pamangking si Heather para makita ko ito. Nakita kong nakangiting umiling si Abigail kay Kuya George habang nakatingala rito. Abigail: This isn't that far from our home, Uncle George. At saka nag-enjoy po ako sa pakikinig ng music sa loob ng car. Nakangiting napataas ang dalawang kilay ni Kuya George nang biglang sumayaw-sayaw si Abigail sa harapan nito. Naaaliw na tumawa si Kuya George sa kabibohan ng aking anak. Umiikot-ikot pa si Abigail habang tuloy-tuloy ang pagsasayaw nito. Marahan naman akong tumatawa habang pinapanood ang pagsasayaw ng aking anak. Hay. Ang sarap maging bata. Nami-miss ko tuloy ang mga panahong bata pa lamang ako at walang mga pinoproblema sa buhay. Ang mga panahong inosente pa ako sa realidad ng buhay. Na ang tanging pinoproblema ko lamang noon ay ang pag-aaral at kung paano ko malalamangan ang aking pinsang si Sophie sa mga mamahaling gamit nito na iniuuwi ng ama nitong seaman para rito. Those were the days. Ngayon ay pinoproblema ko pa rin naman ang aking pinsang si Sophie ngunit hindi na tungkol sa mga laruan at mga expensive items ang dahilan kung bakit pinoproblema ko ito. Nanghihimasok si Sophie sa relasyon ko at ng aking asawang si Brent. That Sophie lied to my husband about me having an affair behind my husband's back that resulted to Brent's cheating on me. Alam ko namang may kasalanan din si Brent dahil nagpaniwala agad ito sa mga paninira ni Sophie sa akin pero hindi ko mapigilan ang aking sarili na mas mainis kay Sophie rahil mukhang hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nakakapag-move on mula sa rivalry namin noon. Sophie seems like she's still holding a grudge against me rahil sa panliligaw sa akin ni Culver noong nasa High School pa kami. Si Culver ang nag-iisang lalaking hinangaan at inibig ni Sophie ayon na rin dito. Simula nang sabihin si akin ni Brent ang dahilan ng pangangaliwa nito sa akin nang dahil sa kasinungalingan ni Sophie ay hindi ko pa nakakausap ang magaling kong pinsan. I need to talk to Sophie once and for all. Kailangang kalimutan na ni Sophie ang lahat ng mga nangyari sa pagitan namin sa nakaraan and move on with her life. Then why can't you move on from Jay-R? Nabigla ako sa sinabing iyon ng aking isipan at mabilis na ipinilig ang aking ulo. Pumapalakpak pa paminsan-minsan si Abigail habang nagsasayaw ito. Nakakaagaw na ito ng atensyon ng ibang mamimili rito sa loob ng wet market ni Kuya George. Celestina: Be careful, sweetie. Madulas ang tiled floor dito sa loob ng wet market. Maya-maya ay napatingin ako sa nakasimangot na mukha ng aking pamangking si Heather. Nakasimangot si Heather habang nakatingin kay Kuya George na aliw na aliw pa rin sa panonood sa aking anak. Nakita kong nakakapit sa kwelyo ng suot nitong polo shirt ni Kuya George ang maliit na kanang kamay ni Heather at hinahatak iyon. Heather: Baba! Daddy, baba! Tingin ko ay gustong magpababa ni Heather kay Kuya George mula sa pagkakakarga nito rito. George: Ang galing-galing namang mag-dance ni Abigail. Ngayon ay kumakanta na si Kuya George habang sumasayaw ang aking anak. Nang tingnan ko si Heather ay nakasimangot pa rin ito kay Kuya George. Heather: I said baba! Put me down! Hindi pinapansin ni Kuya George ang paghatak ng anak nitong si Heather sa kwelyo ng suot nitong polo shirt. Celestina: Kuya, may sinasabi si Heather. Tumingin sa akin si Kuya George at nag-mouth ng mga salitang "huwag mong pansinin". Napailing na lang ako kay Kuya George. Alam ko ang tungkol sa kakulitan ng anak nitong si Heather at marahil ito ang paraan ni Kuya George sa pagdidisiplina rito. Heather: I want to dance too, Daddy! Lumalakas ang tinig ng boses ni Heather at parang maiiyak na ang ekpresyon ng mukha nito. Nang lingunin ni Kuya George ang anak nitong si Heather ay gigil na gigil na kinurot ni Heather ang tungki ng ilong ni Kuya George. Napapikit si Kuya George at nang dumilat ito ay saka nagsalita. George: Medyo madulas ang sahig, sweetheart. Not safe for you to dance on. Ngunit halos mamula na ang mukha ni Heather dahil sa panggigigil sa paghila ng kwelyo ng suot na polo shirt ni Kuya George. Heather: Dance! I want to dance! Mukhang malapit na talagang umiyak si Heather kaya kahit ayaw ni Kuya George ay napilitan itong ibaba sa tiled floor ng wet market ang aking pamangking si Heather. Ang aking anak na si Abigail ay tumigil sa pagsasayaw kanina nang makitang parang iiyak na ang pinsan nitong si Heather. Ngayong nakatayo na si Heather sa sahig ng wet market ay biglang umaliwalas ang kaninang nakasimangot nitong mukha at humarap ito sa pinsang si Abigail. Heather: Dance! Nagsimulang sumayaw-sayaw si Heather sa harapan ni Abigail. Kung gaano kabibo ang aking anak ay doble noon ang pagkabibo ng anak ni Kuya George. Inabot pa ni Heather ang dalawang kamay ni Abigail para yayain itong sumayaw silang dalawa. Nakangiti si Heather sa aking anak na ginantihan naman ni Abigail. Tumatawang sinabayan ni Abigail ang pagsasayaw ni Heather na nakahawak pa rin sa kamay ng aking anak. Down on his bended knee ay nakasuporta ang dalawang kamay ni Kuya George sa magkabilang gilid ni Heather para masigurong hindi ito babagsak sa sahig. Heather: Dance! Dance! Dance! Kung anu-anong mga baby dance steps na ang ginagawa ni Heather sa harapan ni Abigail na ikinaaaliw ng aking anak. Ang cute tingnan ni Heather habang sumasayaw at malakas na humahagikgik. Pati ang atensyon ng ibang taong namimili sa loob ng wet market ay kay Heather na lamang nakatutok. Napatingin ako kay Kuya George at nagkibit-balikat lamang ito sa akin at binigyan ako ng I-told-you-so look. Kinuha ko ang aking cellphone mula sa loob ng aking handbag at kinuhanan ng video ang pagsasayaw ng aking anak na si Abigail at ng pinsan nitong si Heather. Pakiramdam ko ay magiging malapit sa isa't isa sina Abigail at Heather kahit mas matanda ng ilang taon ang aking anak kaysa sa anak ni Kuya George. Tuloy pa rin ako sa pagkuha ng video ng masayang pagsasayaw nina Abigail at Heather nang may marinig akong tumikhim sa aking likuran. Agad kong tinapos ang pagre-record ng video at nilingon ang lalaking tumikhim sa aking likuran. Agad na nanlambot ang aking mga tuhod pagkakitang muli kay Jay-R. Ngunit napaghandaan ko na ang araw na ito ngayon at hindi na ako nakasuot ng high heels. Hindi ko maaasahan ang aking sarili na mapanatili ang composure oras na magkita kaming muli ni Jay-R at base sa pangangatog ng aking mga tuhod ay mukhang tama ang aking desisyon na magsuot ng flat shoes sa pagpunta rito sa wet market ngayong araw. Bigla kong narinig na nagsalita si Kuya George at nang lingunin ko ito ay karga na muli nito si Heather na ngayon ay pinipindot-pindot ang sentido ni Kuya George. George: Tamang-tama ang dating mo, Ryker. Ikaw na muna ang bahala sa aking kapatid. Nagkita na kayo noong isang araw. I-assist mong maigi itong kapatid ko para hindi na ito lumipat pa sa ibang wet market. Malakas na tumawa si Kuya George pagkatapos nitong banggitin ang huling sinabi at nakitawa pa rito ang anak nitong si Heather na parang naintindihan nito ang sinabi ng ama. Nakangiting tumingin sa akin si Kuya George. George: Tulad ng alam mo, my dearest sister, ay family day namin nina wifey at Heather tuwing Sabado. Pero rahil nagsabi kang dadaan ka rito sa wet market ngayong araw, kaya dumaan muna kami rito nitong pamangkin mo. Nilingon pa ni Kuya George si Heather na ngayon ay aliw na aliw na nakayuko sa aking anak na si Abigail habang nakikipaglaro ng peek-a-boo ang aking anak dito. George: Doon kami magla-lunch sa isang branch ng restaurant noong sinasabi ko sa 'yong potential client nitong wet market. Si Rob Laguarte. Kung suswertehin, magiging supplier tayo ng mga ingredients ng gourmet cuisines ng kanyang restaurant. Masaya akong ngumiti kay Kuya George. Sana ay magtuloy-tuloy na ang paglago ng business ng aking kapatid at ng aking hipag para na rin sa future ng aking pamangking si Heather. Celestina: Don't worry, Kuya George. I can manage. Hindi mo na ako kailangang pasamahan pa--- Sandali akong tumigil sa pagsasalita nang aking lingunin si Jay-R at pagkatapos ay muling tumingin kay Kuya George. Celestina: Kay R-Ryker. Kailangan ko nang sanayin ang aking sarili na tawaging Ryker si Jay-R sa harapan ni Kuya George. Hindi ko gustong maghinala si Kuya George tungkol sa akin at kay Jay-R at baka matuklasan pa ng aking kapatid ang nakaraan naming dalawa ni Jay-R. Wala ng saysay pang balikan ang nakaraan. Nakaraang puno ng masasayang alaala. Kailangan kong pigilan ang aking sariling muling sariwain ang mga magagandang alaalang pinagsamahan namin ni Jay-R. Naiiling na tumawa si Kuya George. George: No, my dearest sister. Kailangang VIP treatment ka rito. Paano pang naging kapatid mo ako kung hahayaan kitang makipagsiksikan sa ibang consumers dito? Napa-eye-roll ako bago muling nagsalita. Celestina: I think gusto kong maranasan iyon. Ang makipagsiksikan. Thanks for the suggestion, Kuya. Natawa na lang ako nang pabirong manlaki ang mga mata ni Kuya George. Maya-maya pa ay umalis na sina Kuya George at Heather dahil naroon na raw ang aking hipag sa sinabing branch ng restaurant ni Kuya George kanina. Jay-R: Shall we? Napapitlag pa ako rahil nabigla ako sa biglaang pagsasalita ni Jay-R mula sa aking likuran. Nang lingunin ko si Jay-R ay nanlaki ang aking mga mata nang makitang sa direksyon ng aking anak na si Abigail nakahayon ang kanyang mga mata. Mabilis kong nilapitan si Abigail at hinawakan ang kanang kamay nito. Abigail: Mommy, let's go buy some foods na. Nanginginig ang aking buong sistema habang nakangiting tumatango kay Abigail. Pakiramdam ko ay pilit na pilit ang ngiting nakapaskil sa aking mukha nang mga oras na iyon. Jay-R: Anak mo? Para akong nanigas sa aking kinatatayuan dahil sa tanong na iyon ni Jay-R. Mabagal akong tumango nang hindi nililingon si Jay-R. Jay-R: Ilang taon na siya? Parang gusto kong magpalamon sa lupa nang mga sandaling iyon. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman sa tanong na iyon ni Jay-R. Jay-R: Tinatanong kita, Miss Paleamor. Ilang taon na ang anak mo? Napasinghap ako sa aking nahimigang galit sa tinig ng boses ni Jay-R. No. Wake me up from this nightmare. ---------- to be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD