Chapter 5

2311 Words

"LEIGHANA..." muli ay mga katok na naman ng ina ang nagpagising sa kanya. "Urgh! Ano'ng oras na ba?" disoriented pang tanong niya sa sarili, iniangat niya ang ulo mula sa padapang pagkakahiga at halos hindi pa maidilat ang mga matang luminga-linga. "s**t! Madilim pa sa labas, ah." "Leighana.." muli ay tawag ng ina sa labas ng pinto ng kwarto niya at sinundan ng mas malalakas na katok. "Ma.." paos pang balik sigaw niya. "Open the door." Kahit nahihilo pa sa antok ay pinilit niyang bumangon at tinungo ang pintuan. Nang mapatingin siya sa orasang nakasabit sa dingding ng silid ay lalong tila gusto niyang manlata. "Seriously? Alas singko pa lang ng madaling araw! No wonder, madilim pa sa labas." iiling-iling na ipinagpatuloy niya ang paglapit sa pintuan. Nang mabuksan niya ang pintuan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD