Chapter 13

1847 Words

NAGISING si Leighana na mabigat na mabigat na naman ang pakiramdam. Pakiwari niya ay kulang na kulang na naman ang itinulog niya. Halos ay lagpas hating-gabi na nang makatulog siya ng nagdaang gabi. Isang buwan na mula nang mailipat siya ng destino sa Davao branch ng Dela Vega Doctors. Noong mga unang araw niya ay medyo excited pa siya, na sa wakas ay tila nakawala siya sa renda ng ina. Nagagawa niya ang lahat ng naisin niya ng wala ang Mama niya upang manaway at manermon sa kanya. Pakiramdam niya ay nakalaya siya. Pakiramdam niya ay nakatayo na siya sa sarili niyang mga paa. Ngunit panandalian lamang pala iyon. Panandalian lamang ang saya. Habang lumalakad ang mga araw ay nami-miss niya ang ina, pati na rin ang kapatid niya. Nami-miss niya ang panggigising sa kanya ng ina tuwing umaga

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD