bc

(Filipino) My runaway wife

book_age16+
5.3K
FOLLOW
35.1K
READ
possessive
escape while being pregnant
second chance
dare to love and hate
drama
bxg
heavy
bold
betrayal
weak to strong
like
intro-logo
Blurb

Sa pagbabalik ni Gianne, magbabalik din ba ang pag-iibigan sa pagitan nila ni Tyron Rodriguez? O talaga bang hanggang doon na lang ang kahahantungan ng dalawa?

MY RUNAWAY BRIDE BOOK 2

chap-preview
Free preview
One
             "This is your biggest project, Gianne. Please don't tell me you're letting it go." nanghihinayang na wika ni Rafael habang kaharap ako.              Hindi ko siya pinansin at patuloy lang sa pababasa ko ng libro while sitting outside a coffee shop. He asked me to meet him so I did. Akala ko ililibre niya ako tapos heto't papagalitan pa pala ako. Rafael's my manager. Bumalik ako sa pagmo-model. Si Rafael ang tumulong sa akin na makabalik. Siya ang naghirap na makahanap ng mga proyekto para sa akin. I met him one time sa isang Gala. Nakilala niya ako. Nakita niya daw ako sa fashion show ng pinch dati. He asked me kung wala na ba talaga akong balak bumalik. Noong una, ayaw ko talaga. May anak na akong binabantayan but talagang pinursue niya ako. Sayang din naman ang opportunity kaya tinanggap ko na. Isang beses lang dapat pero nag-enjoy na ako kaya tuloy-tuloy na yung offers na natatanggap ko.              Masaya ako sa ginagawa ko. Marami akong nakikilala and malaki-laki rin ang kinikita ko lalo na at malalaking clothing lines ang kumukuha sa akin. Masaya ako dun, of course. I'm in California. Sinong mag-aakalang mabibigyan ako ng oportunidad dito knowing na may anak ako.               "Gianne, are you listening??? We worked hard for this. Four years, Gianne! Wag mong sayangin ang paghihirap natin sa loob ng apat na taon para lang makarating ka sa kinaroroonan mo."              Four year. Yes, four years na akong nagmomodel. That means, limang taon na ako dito sa California. After my lolo died and sumunod si Lola, si Gian na lang ang naging katuwang ko dito. Tinulungan niya ako kahit na may sarili na rin siyang buhay. Sila na ni Rebecca and they're already engage. Ang saya noh? Sila talaga ang nagkatuluyan. Every holiday, pumupunta dito si Rebecca kaya nakaka-bonding ko pa rin siya.               "Gianne!!!" desperadong sigaw ni Rafael.               Tumawa ako ng malakas. "Hindi nga. I reviewed the contract. Ayoko." prente kong sagot.               Seryoso niya akong tinignan. "Come on, Gianne. Sayang yun. Alam mo ba kung magkano ang ibabayad nila sayo? Five million dollars!!!! Five million!!!"                "I know.... And? May iba naman akong mga offers. Ilang buwang pagtatrabaho lang, kikitain ko din yang perang yan." wika ko sabay sip ng kape.                Sinabunutan niya ang sarili. "Ngayon ka lang nag-reject ng offer. Give me a valid reason."                Binaba ko ang librong hawak. Ang kaninang ngiti ko ay nawala. Kailangan ba talaga niyang itanong ang dahilan gayung obvious naman. "I'm not going back to the philippines. Alam mo ba kung ano ang nakalagay dito? Involve ang pinch. Kasosyo nila ang pinch. Hindi na ako magtatrabaho kasama ang pinch. Alam mo yan."                "Kasosyo lang. You're not going to work with Pinch. Hindi sila totally involved dito, Gianne."                "Kahit na. Hindi ako uuwi ng pilipinas." kinuha ko ulit ang libring binabasa. Natahimik si Rafael ng may dumaang ibang modelo na nakilala ko na rin at binati kami. Though di naman nila kami naiintindihan dahil nga hindi naman sila marunong magtagalog.                 Binaba ni Rafael ang hawak na envelope sa harap ko. "Think about it." aniya. "Anyway, I have to go. May mga kailangan pa akong asikasuhin. Sana magbago ang isip mo."                 Tuluyan na siyang umalis sa harapan ko at naiwan akong mag-isa sa labas ng coffee shop. Naiiling akong pinulot ang envelope saka pumara ng taxi. I need to go home. Hinihintay na ako ng mga anak ko.                Papasok na ako ng bahay ng marinig ko ang ingay sa loob. Nagkukulitan na naman siguro yung kambal. Tsk. Ang hirap magkaroon ng dalawang anak. Kung di lang talaga sila cute naku!!! Baka matagal na akong na-highblood.                "Gianne!! Buti at andito ka na!!" Si Gian.                Napakunot-noo ako ng makitang natataranta na ito. Hawak hawak niya si Edmund na umiiyak na rin. Kinuha ko ang anak ko mula dito.                "What happened? Where's Ericka?" kinakabahan kong tanong. May kutob na ako kung anong nangyari.                "Nawalan na naman ng malay ang anak mo."                Binigay ko ulit kay Gian si Edmund at nagmamadaling pinuntahan si Ericka na ngayon ay nakahiga sa sala habang pinapaypayan ni Yaya Rose.                "Bakit hindi niyo dinala sa hospital???" hinarap ko si Gian. "Ihanda mo ang sasakyan mo."                Mabilis na lumabas si Gian dala-dala si Edmund. Hindi na ako nagpaligoy-ligoy at binuhat ko ang anak ko na tila papel na. Pangalawang beses na toh. Nung una ay sa school nila. At first, iniisip ko na baka nahilo lang kakalaro. Dinala naman siya sa clinic at pinainom nila ng gamot. Naging maayos naman siya after nun pero ngayon??? Pangalawang beses na eh. I know may mali na sa kanya.                 Pinaharurot ni Gian ang sasakyan papunta sa hospital. Tinulungan naman kami agad ng mga nurses at dinala si Ericka sa loob ng kurtina kung saan chineck. Nag-aalala akong umupo sa lobby habang yakap-yakap si Edmund.                 "Mommy, is Ericka okey?" tanong ni Edmund na nag-aalala na rin sa kakambal niya.                 Hinalikan ko siya sa noo. "Of course. Your sister will be okey."                 "She told me she was dizzy before she fainted."                 "Maybe she's just sick. The doctor will probably help your sister. They will take care of her until she's okey."                 Ngumiti sa akin ang anak ko saka sinandal ang sarili sa akin. I love my kids. Ako ang nag-alaga sa kanila ng ilang taon. Wag naman sanang may masamang mangyari kay Ericka.                 Tinignan ko si Edmund na tila napagod kakaiyak kanina. Kamukhang kamukha niya ang tatay niya. Habang lumalaki sila, hindi ko maiwasang makita si Tyron kay Edmund. Yan din ang laging sinasabi ng mga kakilala ko. Nakuha daw ni Edmund ang dark eyes ni Tyron. Yung nakakalunod tingnan. Bata pa lang pero hulmang hulma na. Kahit si Ericka nga, may mga nakuha din siyang features sa ama pero yung mga mata niya, nakuha niya sa akin. Nakaka-amaze lang lalo na ang mga buhok ng mga ito na umaalon-alon din at may pagka-dark brown tulad ng kay Tyron. Kaloka noh? But I already moved on. Kahit kamukha pa ng tatay nila ang mga anak ko, mahal na mahal ko sila. Hindibko sila ipagpapalit sa kahit na ano. Handa akong gawin lahat para lang mapasaya sila.                  "Nakatulog na ang pamangkin ko." mahinang wika ni Gian na ngayon ay nakaupo sa tabi ko. Sinilip ko si Edmund and knock out na nga. "Akin na. Ako na ang bahala." aniya pa.                  Lumabas mula sa kinaroroonan ni Ericka ang isang doctor. Lumapit ito sa amin kaya naman binigay ko na kay Gian ang anak ko para makausap ng maayos ang doctor.                  "Are you the mother?" tanong nito.                  I nodded.                  "We did an examination with you daughter. According to the result she has leukemia."                  Napakunot-noo ako sa narinig. Ano daw? "What do you mean?"                 "Your daughter has cancer. Cancer of the blood." malungkot na wika ng doctor.                 May mga sinabi ito para i-explain ang sakit ng anak ko pero tila wala na akong narinig. Natigil ang pag-ikot ng mundo ko. May sakit ang anak ko.... Cancer? Baka naman nagkakamali sila??                 Nanghihina akong napaupo sa sahig. Nilapitan ako ni Gian at inalalayan habang hawak niya pa rin ang isang anak ko. Tinabon ko ang mga palad sa mukha at napaiyak na lang. Hindi ma-processo ng utak ko ang narinig. Bakit si Ericka pa? She's a very good daughter. Bakit? Anong nagawa ko para maranasan ng anak ko ang ganitong kalagayan? Oh diyos ko...

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The ex-girlfriend

read
139.0K
bc

Marrying My Fiancee

read
461.1K
bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
91.9K
bc

Billionaire's Twins

read
263.9K
bc

Married By Mistake

read
171.2K
bc

The Billionaire's Forced Marriage |COMPLETED|

read
325.5K
bc

MELISSE: The broken wife ( TAGALOG) (Completed)

read
216.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook