PINALOBO niya ang pisngi sabay buga ng hangin, lumikha iyon ng 'brrrr' sound. Inip na siya. Bukod doon kanina pa rin siya pinapapak ng mga lamok na tuwang-tuwa ata sa dugo niya dahil nakakailang balik na. Malakas siyang napabuntong-hininga, alas onse na. Namimintig na ang mga hita niya sa pag-upo sa baytang ng hagdan dito sa fire exit, tagaktak na rin ang pawis niya. Tumayo siya at nag-unat. Nakakangawit ang ilang oras na pag-upo. Tagal naman kasing magsialis ng mga bisita ni Tristan gusto na niyang mahiga dahil maaga pa rin ang alis niya bukas. Kailangan niya pa ring ayusin sa cuo board ang mga pinamili niya bago siya magpahinga. Nag-ring ang cellphone niya. Ang Lola niya ang tumatawag. "Lo?" bagot na sagot niya sa ama, di niya rin napigilan ang paghikab. "Hello, Amelie? Nagising ba