Chapter 25

419 Words
"TIGILAN mo nga 'yan! Para kang tanga!" sita ni Tere sa kanya sabay hila ng kamay niya palayo sa bibig niya. Kanina niya pa nginangatngat ang mga kuko niya dahil sa sobrang kaba. Hobbit niya iyon lalo na kapag tensiyonado siya. Tumingin siya sa relo mag-iisang oras ng late sa kasal nila si Tristan. Kanina pa kompleto ang entourage at inip na naghihintay sa labas ng simbahan. Miski siya ay inip na inip na rin kanina pa. Nakontak naman daw kanina ito ng Mommy nito at sinabing na-traffic lang daw. Pinanghawakan niya iyon. Inisip niya na lang na baka na-traffic lang talaga si Tristan. "Dadating pa ba yung groom mo?" tanong ni Tere sa kanya. Ito ang bridesmaid niya dahil si Sunny ang tumayong maid of honor dahil na rin sa kagustuhan ng kanyang Daddy. Ayaw niya sana dahil ayaw niya nang budburan ng asin ang sugat na nilikha niya rito pero masyado siyang masaya dahil ikakasal na siya kay Jacob kaya hindi na niya pinansin ang kapatid. Mukha rin namang wala itong planong tumutol dahil sumang-ayon ito na maging maid of honor niya. "Andiyan na ata!" Halos mapatalon siya sa kinauupuan nang makita ang pamilyar na sasakyan ni Tristan. Nabuhayan siya ng loob. Wala na siyang pakialam kahit isang oras siya nitong pinaghintay ang importante sa kanya ay dumating ito. Mabilis siyang tinulungan ni Tere na mag-retouch bago siya bumaba ng bridal car at pumasok sa loob ng simbahan. Nakita niya pang umibis ng kotse si Tristan. May kirot sa puso niya nang makitang nangangalumata ito at tila walang buhay ang mga mata nang mapasulyap ito sa bridal car na kinaroroonan niya. Babawi na lang ako, promise... Pangako niya sa sarili. Gagawin niya ang lahat para maging isang mabuting maybahay kay Tristan. Pagsisilbihan niya ito hanggang sa matutunan siya nitong mahalin. Bumaba na rin siya ng Bridal car. Inalalayan siya ng Daddy niya na mangiyak-ngiyak habang pinagmamasdan siya. Wala ang Mommy niya dahil ayaw raw nitong saksihan ang kabaliwan niya. Nasaktan siya nang malamang hindi ito a-attend pero hinayaan niya na lang. Kumapit siya sa braso ng Daddy niya at sabay silang naglakad papunta sa altar. Umaapaw sa kaligayahan ang puso niya. Pinangarap niya lang ito noon, ang maikasal kay Tristan. Ang lumakad sa altar habang hinihintay siya ni Tristan na makarating sa unahan. Tinignan niya si Tristan. Nakatingin ito kay Sunny at tila nakikiusap ang mga mata nitong lingunin ito ni Sunny. Pinagmasdan niya ang kapatid nakayuko lamang ito at hindi sinasalubong ang mga titig ni Tristan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD