Chapter 63 PALABAS NA KAMI NI TEKLA SA palengke ng marinig ko ang tanong niya sakin. " Parang palagi kung nakikita ang lalake na 'yun sa tindahan mo sis. Nanliligaw ba 'yun sayo?" " Huh? Hindi ah. Suki ko 'yun." Sagot ko kay Tekla. Hindi ko pwede sabihin sa kanya kung sino ang lalake na 'yun at baka ano pa ang sabihin niya. " Parang hindi 'yun ang nakikita ko. Parang may something sainyong dalawa." Saad nito habang nakatingin sakin. Tumawa naman ako para hindi nito mapansin na kinakabahan ako. " Oo nga. Paano magkakagusto 'yun sakin bulag 'yun." Sabi ko pa. " Bakit siya humihingi ng sorry kung wala diba?" Taka parin niyang tanong sakin. " Wala 'yun. Wag muna lang intindihin." Pabaliwalang sabi ko saka tumingin sa paligid at baka nandiyan lang si Kit, hindi pa nauwe. Nang hindi mak