Chapter 17 NASA LOOB KAMI NG ISANG fastfood chain nila Tutay at Lalay dahil niyaya nila akong kumain do'n. Kakain na sana ako ng tanghalian ko ng dumating sila. Hindi ko alam kung anong trip nila at dinalaw nila ako ngayun sa tindahan. " Anong merun?" Tanong ko parin sa kanila habang nakapila kaming tatlo sa tapat ng counter. " Wala naman. Namiss ka lang namin kasama. Hindi na kasi tayo nakakapag-bonding dahil busy na tayo sa mga kanya-kanya nating buhay." Sagot ni Lalay. Sabado ngayun kaya walang pasok si Lalay sa school. Ngunit hindi ko alam kung wala bang pasok si Tutay sa work ngayun. " Aw! kikiligin na ba ako?" Panunudyo ko sa kanya. Ilang araw kona rin kasi sila hindi nakikita at puro sa text saka chat na lang kami nagkakausap. Masyado na kaming busy sa buhay namin. Si Lalay l