Nakita ni Miguel si Nathalie na nakaupo sa duyan. Nakapaa pa rin ito. Alam niyang gutom na si Nathalie dahil 'di pa ito nag tanghalian, nakita niyang namamaga na ang mga mata nito sa kaiiyak. Nakaramdam siya nang awa nito. Pinaandar niya ang kotse niya at nagpunta siya sa isang Food chain bumili siya ng fried chicken at pancit. At soft drinks. Bumalik siya sa lugar kung nasaan si Nathalie. Tinawag niya ang isang babae na nagtitinda ng mga kakainin sa playground, inuutusan niya ito na ibigay kay Nathalie ang binili niyang pagkain. Kunwari naawa lang siya nito dahil iyak nang iyak. "Lola puwede po ba akong makisuyo sa 'yo?" Sabi niya sa matanda. "Sir ano 'yon?" tanong ng matanda. "Lola, pakisuyo naman po please. Pakibigay niyo naman 'to sa babaeng nakaupo sa duyan mula pa umagang hindi