"Lola, natanggal po ako sa trabaho." Malungkot na sinabi ni Carlos sa lola niya. "Carlos bakit anong nangyari ‘di ba supervisor ka sa pabrika na 'yon? paano ka natanggal?" tanong ng lola niya. "Lola, pinag-iinitan ako nang mga kasamahan ko sa trabaho. Pinagbintangan nila akong nagnanakaw ng mga produkto. Lola hindi ko magagawa ang binebentang nila sa akin. Hindi ako pinakinggan nang manager namin. At nalaman ko na kasabwat pala ang manager sa pagkasira sa akin." Saad nito habang tumulo ang mga luha sa galit "Carlos huwag kang mag-alala mabait ang panginoon parusahan niya ang gumagawa ng masama sa kapwa. kung natanggal ka man ngayon alam ko makakita ka pa ng trabaho. Basta huwag ka lang gumawa nang masama. Saad ni lola Sandra. "Lola hindi ko magagawa 'yon. Alam niyo naman po na mabait