"Mommy, anong ibig sabihin nito? hindi, mommy. Hintayin ko si daddy,” umatras si Nathalie at nagtangka siyang tumakbo pero hinawakan siya ng dalawang bodyguard. Nagpupumiglas siya pero malakas ang mga ito.
"Anak, sige na iligpit mo na ang mga gamit mo. Kailangan mo nang sumama sa kanila, anak. Para sa atin naman 'to, eh, para sa daddy mo. Isipin mo na lang ang daddy mo kung makulong siya, wala na siyang mapapasukan na trabaho dahil wala nang tatanggap sa kanya,” sabi ng mommy niya habang tumutulo ang mga luha.
"Mommy, no! Ibibigay mo ako sa kanila? Hindi ka ba naawa sa akin? Mommy, may boyfriend po ako at mahal na mahal namin ang isa't isa,” sabi nito habang umiiyak.
"Anak, hindi tayo matutulungan ng pagmamahal na 'yan! Sumama ka na sa kanila. Maawa ka sa daddy mo at maawa ka naman sa akin."
"Mommy, ayaw ko po! Ayaw ko po. Mahal na mahal ko kayo ni daddy, eh, pero bakit ganito? Bakit ganito, mommy? Hindi niyo ba ako iniisip? Masasaktan ko ang boyfriend ko."
"Pero anak, makukulong ang daddy mo! Mamili ka. Kami ng daddy mo o si Nathan!" sigaw ng mommy niya.
"Mommy, wala na bang ibang paraan? Ito lang ba ang naisip ninyong paraan? Na ibigay ako sa mga taong kahit kailan hindi ko pa nakikita?"
"Anak, please. Pumayag ka na kahapon, 'di ba? Pero bakit nagbago na naman ang isip mo?" tanong ng mommy niya. Lumuhod ang mommy ni Natalie para pumayag ito sa gusto niyang mangyari.
"Mommy, please, no! Tumayo ka, please. Huwag mommy---okay papayag na po ako para sa inyo ni daddy. Tumayo na po kayo. Bitawan ninyo ako, sasama na ako sa inyo," malungkot nitong sinabi.
"Maraming salamat. Maraming salamat, anak," niyakap niya ang kaniyang mommy at humahagulgol siya sa iyak. Hindi niya alam kung anong klaseng buhay ang haharapin niya sa bahay ng mga dela Torre.
"Mommy, kapag umuwi po si daddy tawagan niyo po ako, huh. Gusto ko po siyang makita, eh. Miss na miss ko na po si daddy," sabi niya sa mommy niya habang umiiyak sa dibdib nito.
"Oo, anak. Tatawagan ka namin ng daddy mo. Sige na sumama ka na sa kanila mag-ingat ka, huh. Alagaan mo ang sarili mo doon. kumain ka."
"Mommy, kaya ko po ang sarili ko. Eh, pero kayo po ang inaalala ko baka pabayaan niyo ang sarili niyo. Wala po si daddy."
"Anak, nandito si yaya Karidad. Huwag kang mag-alala sa akin. Umakyat ka na para magligpit ng mga damit mo. Yaya tulungan mo si Nathalie na magligpit ng mga gamit niya,” utos nito sa yaya ni Nathalie.
Pagkatapos magligpit ng mga gamit si Nathalie ay umalis na ito kasama ang driver at ang mga bodyguard. Sobrang naawa si yaya Karidad sa mommy ni Nathalie dahil hindi ito tumitigil sa kaiiyak. Hindi na rin ito kumakain dahil nakonsensya siya sa ginawa niya kay Nathalie. Nag-alala na rin ito dahil hindi pa umuwi ang asawa niya.
"Ma'am Veronica, kumain ka na. Hindi mo pa nainom ang mga gamot mo. Bakit ba kasi nangyayari ang ganito? Kawawa naman ang alaga ko. At ikaw tingnan mo ang sarili mo, nag-iisa ka lang dito. Kung wala ako sino ang mag-alaga sa 'yo?" tanong ni yaya Karen. Bata pa lang si Nathalie ay siya na ang nag-alaga rito. Magkasing-edad lang sila ni Veronica, at pamilya na ang turing nito sa kanya.
Pagdating ni Nathalie sa Mansion ng mga dela Torre, hindi pa rin siya tumigil sa pag-iyak. Namangha siya sa sobrang laki ng mansyon at sa ganda ng paligid. Ang laki ng swimming pool at napapalibutan ng maraming bulaklak ang paligid. Namamaga pa ang kaniyang mga mata sa kaiiyak.
"Ma'am, pumasok ka na sa loob. Hinihintay ka na ng mga dela Torre,” saad ng driver.
"Manong, ayaw ko rito. Gusto ko nang umuwi, nagbago na po ang isip ko. Uuwi na lang ako. Hindi ko kayang tumira ditto. Gusto ko sa mommy at daddy ko,” saad nito habang umiiyak.
"Ma'am, sige na pumasok ka na sa loob,” sabi sa kaniya ng driver.
May lumabas na babae mula sa loob ng mansion. Nakita niya si Natalie kaya nagmadali itong lumapit sa kanila. Tinititigan siya nito at halos hindi kumukurap ang kanyang mga mata.
"Ikaw ba si Natalie?" tanong nito.
"Opo, ako si Nathalie. Magandang umaga po," bati ni Nathalie.
"Halika, iha. Pumasok ka sa loob. Kanina pa kita hinihintay,” niyakap siya ni madam Violeta at hinalikan sa pisngi. “Huwag kang mahiya, Nathalie. Mula ngayon mommy mo na ako. Halika, iha,” hinawakan ni Madam Violita si Natalie at dinala niya ito sa loob ng mansion. “Miguel, anak, nandito na si Nathalie,” nagulat si Miguel nang makita niya ang mukha ni Nathalie. Tinititigan niya ito at nakasimangot ang mukha niya habang tinititigan nito si Nathalie.
"Mommy, wait. Familiar po siya sa akin, eh," saad ni Miguel.
"Bakit anak? Magkakilala ba kayo? Mas mabuti kung ganoon, anak. Hindi na kayo mahihirapang mahalin ang isa't isa."
"Mommy, please huwag kang magsalita, please. May iba akong mahal, mommy. Alam mo 'yan at apo lang ang kailangan mo sa kanya. Wala sa usapan natin na mahalin namin ang isa't isa."
"Ma'am, I'm sorry. Magkaaway po kami ng anak niyo, hindi po kami close. Binangga niya po ang bumper ng kotse ko at sa tingin ko po, Ma'am hindi po kami magkakasundo. Nagbago na ang isip ko gusto ko na po sanang umuwi," bumalik si Nathalie sa labas para umuwi. Pero pinigilan siya ni Madam Violita.
"Iha, hindi ka na p' wedeng umuwi sa bahay niyo. I mean 'di mo na puwedeng baguhin ang lahat. May pirma na ang mommy mo. Hindi kita pabayaan, huwag kang mag alala,” saad nito.
"Mommy, pauwiin niyo po siya parang ayaw niya yata, eh. Ayaw kong pakasalan ang babaeng ‘yan. Maghahanap na lang tayo ng iba.”
"Miguel, tumigil ka! Hindi ko kailangan ang opinyon mo! Anong gusto mo mag-edad ka na lang ng 40 'di ka pa magkaroon ng anak? 'di mo pa kami nabibigyan ng apo?"
"Anak, halika. Dalhin kita sa kuwarto mo huh. Habang hindi pa kayo kasal ni Miguel hindi ka puwedeng hawakan ni Miguel. Ayokong bastusin ka niya maghintay siya hangga't ikakasal kayong dalawa Umakyat na tayo sa kuwarto mo anak." Saad ni violeta.
"Ma'am, sa akin po ito? Ang laki ng kuwarto ko." tanong ni Nathalie. Namangha si Nathalie sa laki ng kaniyang kuwarto.